Lose to Win (Trazo Real Serie...

By ringthebelle_

27.1K 641 156

To save her brother from their father's wrath, Clara Priscilla Del Rio agreed to an arranged marriage planned... More

Lose to Win
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 33

440 13 1
By ringthebelle_

Chapter 33

"Pichi... namali ako ng kuha akala ko kasi sa akin", sambit ni Kuya Pancho habang hawak ang mga shirt at jacket ni Theo na sinusuot ko pa rin hanggang ngayon.

"It's fine. Ako na ang magbabalik ng mga 'yan sa cabinet", saad ko at kinuha ang mga damit na natupi na niya.

"Gusto mo bang... ipakilala kita sa kaibigan ko?", tanong niya sa akin.

"Kaibigan? You have friends other than Naxus and Theo?", I asked and he rolled his eyes.

"Oo naman 'no. Kasama ko sa review school. I'm sure... you'll like him as a friend too", saad niya at napalunok bigla.

"Nirereto mo ako", pagtatama ko.

"Hindi naman. Baka lang makatulong kung makikipagkilala ka sa ibang tao", depensa niya pero umiling na ako.

"Sino naman 'yan? I am not interested", I said and I heard him chuckle.

"Hindi raw interesado pero tinatanong kung sino", he mocked me.

"Epal mo", saad ko at sumampa sa kama para magbasa ulit ng script ko.

"Si Marcus Santillan. Sa Vivaldi 'yon nagtatrabaho at kakilala ko rin naman na bago ko pa nakasama sa review school", sambit niya.

"Ayaw ko. I have friends, Kuya. Nandiyan naman sina Troy at Neil if you're talking about male friends"

"Fine fine. Ito naman... ano ba naman 'yung maging tatlo ang kaibigan mong lalake 'di ba", subok niya ulit pero umiling na naman ako.

Binugbog ko ang sarili ko sa pagtatrabaho kaya kahit na walang schedule na taping sa araw na 'yon ay laging bukas ang schedule ko para sa mga biglaang guestings o kahit na ano. Nag-aaral pa rin ako at sinasabay ko 'yon sa trabaho.

My brother's been worried about me because he thinks that it's unhealthy but this is my way of coping up. Kung hindi ako gagawa ng ibang bagay, patuloy lang akong mag-iisip at aalalahanin si Theo.

Ilang linggo na simula noong kinausap ako ni Sofia pero parang may sariling utak ang puso ko. Hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya.

"Cut!", sigaw ng director. Good take 'yon kaya pwede na kaming magpatuloy sa sunod na eksena. Lumapit kaagad sa akin si Ate Len para punasan ang mga luha ko.

"Alliana, you good?", I asked her. Sinampal ko siya kanina kaya iniisip kong mabuti kung napalakas ba 'yon o ano dahil hindi naman rehearsed ang sampal ko sa kanya.

"Okay lang. Tara?", yaya niya sa akin sa tent namin. Nagiging malapit na kami sa isa't-isa at masaya ako dahil nagkakaroon na naman ako ng bagong kaibigan.

Natapos ang taping at pagod akong umuwi sa bahay. Nabasa ko sa balita na siya ang nagbabangon ngayon ng Deltrazo. Nakapasok pa nga siya sa Mayan bilang isa sa mga board members at iyon ang hindi ko alam kung paano nangyari.

Baka nga talagang engaged na sila ni Helena Tan at ano mang araw ay maaari na silang magpakasal.

Hindi ko na lang inisip pa.

Ginusto mo naman 'yan. You pushed him away. You wanted him to marry her so why are you whining?

"Ano bang mayroon at nagkayayaan tayo?", tanong ni Shawn.

Tatlo lang kami ngayon – ako, si Shawn, at si Troy. Hindi ko alam kung bakit wala si Nicole. Napansin ko nga na hindi na pala talaga siya active sa group chat namin at sa tuwing itatanong ko kay Troy kung nasaan si Nicole, laging hindi niya alam.

"I just want to party with you. Ayaw niyo ba 'non? It's been a while", I said and danced with him.

"Wala namang problema sa akin 'no! 'E ikaw, gusto mo lang ba talagang maki-party at inom?", tanong ni Shawn kay Troy.

"Ewan ko. Nasstress lang ako kakaisip", saad niya, halatang problemado.

"Babae ba 'yan?", tanong ko at akala ko ay iirapan niya ako o kung ano man pero tumango lang siya.

Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Shawn kaya hinatak namin siya papunta sa couch. Ngayon lang ito magku-kwento tungkol sa love life niya kaya sinamantala na namin ni Shawn.

"So hindi kayo pero feeling mo kayo?", tanong ko sa kanya.

"Hindi kami pero may something 'e"

"Ay! Walang label. Oh 'e hindi naman kita ija-judge diyan 'no dahil choice niyo namang dalawa 'yan. Mas curious ako kung sino 'yung girl!", sambit ni Shawn kaya nakitango rin ako.

"Basta. Huwag niyo nang alamin", saad niya kaya pareho naming tinitigan nang masama si Troy.

"Kulit niyong dalawa. Ayaw ko munang sabihin dahil baka ma-jinx pa. Tsaka ko na lang sasabihin 'yung pangalan kapag kami na", sambit niya at sa huli ay sinukuan na rin namin ni Shawn ang pagpapaamin sa kanya.

Kalaunan ay may mga kakilala kami na nakita rito kaya pinasama na namin sa table. Ang iba ay mga kaibigan ni Shawn at ang iba naman ay mga kasama ko sa showbiz.

"Taken na ako", saad ni Troy nang tanungin siya ng isang kaibigan kong artista.

Taken daw 'e hindi nga sila. Natawa ako pero pakiramdam ko nakakaproud din pala na makita siyang ganito. Hindi ako nagkamali sa kanya. May paninindigan talaga ang lalakeng ito.

Dumami bigla ang mga kasama namin at nang tumagal ay nagkayayaan na magsayaw. Ayaw ko na talaga dahil baka may mga makakilala lalo sa akin pero dahil halos mga artista lang din ang nakikita ko ngayon dito, hindi na rin masama.

Lasing na yata itong si Shawn dahil minumura mura niya ang bago niyang boyfriend. Nahuli niya kasi na may ka-date na babae noong isang araw pero pinatawad niya pa rin. Ngayon, naglalabas siya ng hinanakit at sama ng loob dito.

Pare-pareho pala kaming hindi okay ngayon.

I was dancing with my friends when I spotted Theo inside the same club. He's not alone. Kasama niya si Helena Tan at kung hindi ako nagkakamali ay pati ang mga pinsan nito. Sa ilang beses akong nagresearch tungkol kay Helena, parang kabisado ko na yata ang family tree nila.

May binulong si Helena kay Theo at tumawa silang dalawa.

"Okay ka lang?", tanong ni Troy nang makita kung saan ako nakatitig.

"Do you think he's happy?", I asked, still staring at Theo and Helena laughing about something.

"Hindi ko alam. Tumatawa siya kaya baka masaya siya. Alis na tayo rito, Clara", sambit niya pero hindi ako gumalaw.

"Ayoko. Gusto ko silang makita. Hanggang sa magsawa akong titigan sila, hindi ako aalis dito", saad ko.

Unti-unting namatak ang mga luha ko at sa tuwing pupunasan ko ang mga iyon ay may panibago ulit na papatak. Nakatayo lang ako roon at minsan ay nasasagi na kami ng ibang mga nagsasayaw pero sinamahan lang ako roon ni Troy.

Ito 'yun. Ito 'yung sinasabi ni Sofia sa akin. Hanggang kailan ako magiging ganito na iiyak na lang ako sa tuwing makikita kong magkasama si Theo at Helena?

Hindi ko rin alam. Magkaiba siguro kami ni Sofia. Siguro sanay siya na ipakita na malakas siya at wala siyang pakialam kahit na nasasaktan na siya. Hindi ko siya huhusgahan kung ganoon.

Pero iba ako.

Wala akong pakialam kahit bumaha ng luha rito mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko papansinin ang iisipin ng mga taong nakakakita sa akin na umiiyak. Dadamahin ko ang sakit. Sasanayin ko ang sarili ko na nakikita ko silang dalawa.

Dadamahin ko lang hanggang sa hindi na ako masaktan sa tuwing nakikita ko sila.

Iiiyak ko lang hanggang sa mapagod na akong umiyak; hanggang sa hindi na ako naiiyak.

Matagal akong nandoon at nang magtama ulit ang mga mata namin ni Theo, umawang ang bibig niya. Iyon na ang hudyat na hinihintay ko. Hinatak ko na si Troy at nagyaya nang umuwi.

"Hindi ko kaya", sambit ko habang nasa kotse.

Hindi dapat sasabay sa akin si Troy pauwi pero pinili niya nang sumama sa akin hanggang sa makauwi ako at ba-biyahe na lang daw siya pauwi basta't may kasama ako.

"Ilang buwan naman na... hindi naman kita pwedeng utusan kung anong dapat mong gawin. Wala ka namang ginagawang mali 'e. Nagmamahal ka lang", saad niya at tinapik ang balikat ko.

"Bakit ganoon? Akala ko madali lang. Akala ko okay na ako basta maging okay ang DH. Basta maging okay siya. Hindi ko pala kaya, Troy. Ang hirap pala nito. Ako dapat 'yung nandoon. Ako dapat 'yung nandoon at kasama niya ngayon", sambit ko at tinakpan ang mukha ko sa paghagulhol.

Kumuha si Troy ng tissue at inabot 'yun sa akin para makapagpunas ako ng luha. Ngunit sa bawat punas ko, may panibago na namang papatak.

"Mahal mo pa rin kasi", sambit niya "Oh inuuhog ka na", saad niya at nag-abot ulit ng tissue sa akin.

"I want him back", I cried more and I heard him sigh.

"Pag-isipan mong mabuti. Pagkatapos mong ipagtulakan, kukunin mo ulit? Aba! Para mo naman siyang pinaglalaruan niyan", naiiling niyang sabi.

"Alam naman niya kung bakit ko 'yun ginawa. Baka may iba pang paraan, baka pwedeng hindi na lang siya gumawa ng koneksyon sa mga Tan. Baka pwedeng ako na lang ulit ang maging girlfriend niya", I cried and Troy was just there, trying to solve me like a puzzle.

"Bakit ang hirap niyong intindihing magkapatid?", sambit niya at hindi ko naman naintindihan pa.

Nasa harapan ako ngayon ng headquarters ng Deltrazo Holdings. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naglakas loob akong pumunta rito.

Nakailang buntong hininga pa ako bago ko tuluyang napagdesisyunan na bumaba sa kotse. Ito lang ang tanging libreng araw ko sa week na ito dahil sa mabigat kong schedule. I only had four hours of sleep since I went home from taping but that didn't stop me from going here.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam kung pagtatawanan pa ako ni Theo o ano. I just want to talk to him and know If he's already dating Helena. I just want to know if he already moved on.

And if he hasn't, baka pwedeng... baka pwedeng tanggapin niya na ako ulit.

O kung hindi... kahit pagkakaibigan. Kahit iyon na lang.

Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang wala siya. Mababaliw ako at parang araw-araw kong pinapatay ang sarili ko para maging abala sa trabaho at sa ibang mga bagay para makalimutan ko siya.

I showed them my ID. Bakas sa mukha ng empleyado ang pagtatakang makita ako rito pero hindi niya ako magagawang paalisin. Maaaring pumasok ang pamilya namin dito anong oras man namin gustuhin.

Kahit pa hindi na kami engaged ni Theo, hindi ko kailanman nabalitaan na nag-away ang pamilya namin. Minsan ko pa ngang nakita sa mga litrato na magkasama ang mga magulang namin sa isang party.

Mom was furious because I let go of Theo but she can't do anything about it anymore. I will no longer let my parents control my life.

Alam ko ang opisina ni Theo at natanong ko kay Kuya Pancho kung madalas ba si Theo sa site. Sabi niya, simula raw noong nag-aral na si Theo para sa grad school, madalang na itong pumunta sa site at mas nagfocus sa trabaho mismo sa opisina. Among the cousins, Rafael and Pierson are handling most of the projects because Xythos is also busy with grad school and Riqueza Coast, and Naxus... I don't have news about him.

Hindi pa ako nakakapasok sa elevator ay natanaw ko na kaagad na kasasakay lang sa isa pang elevator ni Helena Tan. So it is true that she's always seen here in DH. I bit my lower lip and pulled out the remaining confidence in myself.

I need to talk to Theo.

Pagkarating ko sa floor ng opisina ni Theo ay nakita ko na ang pagsara ng pinto ng mismong opisina nito. His secretary saw me and smiled awkwardly at me.

"Good afternoon, Miss Del Rio. How may I help you?", pormal nitong bati sa akin.

"Is... Theo inside?", I asked.

"He's with Miss Tan, Ma'am", sambit niya at parang hindi komportableng sabihin 'yon sa akin. Theo's secretary knows me and maybe that is why he finds it awkward now to see me because I am now his boss' ex.

"Caleb", tawag ko sa pangalan niya.

"Ma'am", pormal ulit nitong tugon.

"What are they? S-sila na ba?", I asked with a trembling voice.

"I am not allowed to answer personal questions about my boss, Ma'am", tumungo siya sa akin.

"Please... kilala mo naman ako. A-alam mo naman kung sino ako sa buhay ni Theo. I just want to know", pagmamakaawa ko. Gustong gusto ko mang pasukin ang pintong 'yon pero bigla akong pinanghinaan ng loob. Naroon si Helena at kung papasok pa ako, baka hindi ko kayanin.

I don't even want to think what they're doing inside. Sa kung paano pa lang silang magtinginan ni Theo sa club, sa kung paano sila magtawanan, ang mga litrato... it's impossible that they're just being professional to each other.

And I am sure that Theo knows Helena's feelings for him. So for him to allow Helena inside his office must mean something, right? For him to go out with her must mean that something is going on and I don't think I am brave enough to face it right before my eyes.

So here I am, with all the shamelessness left in me, asking Caleb about his boss.

"Paglabas mo rito, hindi mo ako nakita o nakausap. Ginagawa ko ito dahil matagal din kitang nakasama at saksi ako sa pagmamahalan niyo dati ni Engineer", sambit niya at mariing tumitig sa aking mga mata. "Hindi pa sigurado ang engagement nila ni Miss Tan pero lagi silang magkasama. I heard Engineer is testing the waters with the Tans. The company's standing slowly became stable again after Engineer started building... intimate connections with Miss Helena Tan"

"Do you think he likes her?", matapang kong tanong.

Bumukas ang pinto at agad akong nagtago sa likod ng desk ni Caleb. Parang wala lang nangyari at natural na bumaling si Caleb sa pintong bumukas.

"Caleb", si Theo iyon.

"Engineer", pormal ulit na tugon ni Caleb.

"Book a hotel suite under my name", sambit niya at narinig kong may humagikhik na babae sa likod.

"Copy, Engineer", tanging sagot ni Caleb at narinig ko nang muli ang pagsara ng pinto.

I bit my lower lip and slowly stood up from where I was hiding. I smiled at him.

"About your question – "

"Hindi na. Alam ko na ang sagot", saad ko at tumalikod na sa sekretarya.

Akala ko ba ako lang? Akala ko ba hindi niya kayang magmahal ng iba?

I cried out loud after reaching my car. Hindi na nagtanong pa si Kuya Lito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo sa DH. I cried my heart out as I reached my brother's condo. Mabuti na lang at wala si Kuya Pancho dahil sigurado akong mag-aalala 'yon.

Bakit ang bilis niyang makausad? I know I wanted it. I pushed him away and I was the one who broke up with him because I thought giving him to the Tans was the best decision to make.

Pero hindi naman laging ang naiiwan ang nasasaktan.

Those who push their loved one, they get hurt too. And I can attest to that.

I just don't understand. How can he do it easily? He cried and begged in front of me. He didn't want me to leave him so I don't get why he moved on easily. Ano pa bang gagawin nilang dalawa sa hotel? At sa kanya pa ipapangalan?

I thought he was also grieving for our ill-fated love. I thought he's also having it hard like me but I was wrong. It was only me who was hurting.

Ako lang 'yung hindi pa rin makausad kahit ilang buwan na ang lumipas. Ako lang 'yung nasasaktan at umiiyak pa rin. He's living the best times of his life now with the Tan heiress and the company slowly rising from the crisis.

Habang ako, lugmok pa rin at hindi alam kung paano magiging maayos.

"I lost a lot because I loved. I am tired of losing. This is the last time I'll cry for you, Theo", I whispered and hugged my knees on my bed.

"Bihis na bihis ka, ah?", tanong ni Kuya nang makita akong nakasuot ng tube dress na kulay pula.

"I have a date", I said and he looked at me with a shocked face.

"Seryoso ba? Hindi ko pa nga naipapakilala sa'yo si Marcus 'e", saad niya.

Nakasuot siya ng hoodie niya at may dalang ramen papunta sa kwarto niya. Siguro ay nagrereview siya ngayon at snack time niya.

"Huwag 'yon. He's your friend. If it doesn't work out, ang awkward na naman. Ayaw ko nang magmahal ng kahit na sinong kaibigan mo", sambit ko at tumawa siya.

"Ano 'yan, ha? Are you finally moving on?", he asked.

"Yes", I said and sprayed my new perfume on my wrist. Hindi ko na alam kung ilang bote ng perfume ang mayroon ako basta patuloy lang ako sa pagkolekta. Kung papipiliin nga ako sa mga bags, sapatos, at perfume, mas pipiliin ko pa rin na mangolekta ng mga perfume.

"Luh? Legit?", lumapit pa siya lalo sa akin at gulat na gulat ang reaksyon.

"Oo nga", umirap ako at inayos ang kwintas ko.

Iba na ang suot kong kwintas ngayon. Hindi ako sanay na hindi suot ang kwintas na bigay ni Theo sa akin dati. Hindi rin ako sanay na hindi ko suot ang engagement ring namin. Pero pinilit kong palitan ang mga 'yon.

Hindi ko naman tinapon. Nakatago lang. Ayaw ko na lang isuot pa dahil ayaw ko nang dalhin pa ang kahit na ano na may kinalaman kay Theo.

"Sino? Non-showbiz ba?", tanong niya sa akin.

"Fuentes", saad ko at umawang ang bibig niya.

"Iyong anak ba ni Senator Eduardo Fuentes? Liker mo 'yun 'e", saad niya at umiling ako.

"Oo. Iyong taga Vivaldi", saad ko.

"Ah! 'E kilala ko rin 'yon. Si Arch. Justin Fuentes", tanong niya at tumango ako.

"Arkitekto din pala ang hanap mo, sana nga si Marcus na lang", saad niya pero pinukol ko siya ng masamang tingin.

"Ayaw ko nga sa kahit na sinong kaibigan mo. Sige na, Kuya. Aalis na ako", saad ko at humalik sa pisngi niya.

"Kapag binastos ka, bayagan mo!", paalala niya at natawa na lang ako habang paalis sa condo.

Hindi si Justin ang unang lalakeng pinayagan kong mailabas ako. Wala lang nakakaulit dahil hindi ko gusto ang ugali. Hindi ko alam kung mapili ba talaga ako o sadyang wala lang talagang pumapasa sa akin.

Justin is fine, overall. He's tall and moreno. May suot itong specs at laging pormal ang suot. Akala ko ay sa mga mamahaling restaurant niya ako dadalhin pero nagkamali ako.

"Kwek-kwek po, bente pesos", abot niya sa nagtitinda ng mga streetfoods sa may España.

"Is that clean?", I whispered and he just chuckled.

"Malinis 'yan", bulong niya ulit at inabot na sa akin ang kwek-kwek. "Palamig din po tig sampu kami", sambit niya sa manong.

Hindi 'yon ang naging huli. Napatikim niya rin ako ng pares sa may malapit lang din dito. Sa mga sumunod na labas naming dalawa, kumain naman kami ng mami at bulalo.

"Kailan mo ipapakilala sa akin?", tanong ni Kuya nang maabutan akong katatapos lang tawagan ni Justin.

"Hindi ko pa alam. He's not yet my boyfriend", I said.

"Sabagay", kibit balikat niya.

Napansin kong nakabihis siya at ako naman ay mag-aayos pa lang. Aalis kami ni Justin ngayong gabi. Gusto ko kasing pumunta sa amusement park at sabi niya ay dadalhin niya raw ako sa Tagaytay ngayon. Alas singko pa lang naman at darating siya ng alas sais.

"Saan ka? May lakad ka?", tanong ko.

"Celebration lang ni... Naxus. Si Rafael ang nag-organize dahil na-promote ang kapatid niya", saad niya at tumango-tango naman ako.

"Okay lang ba 'yon? Exam mo na sa 30...", saad ko.

"Last na 'to. Para lang din magrelax. Hindi ko na matanggihan dahil kahit si Naxus ay niyayaya ako. Hindi naman ako maglalasing, Pichi. Promise. Inom lang. Kwentuhan", saad niya kaya pinayagan ko na.

Nauna akong umalis at hinintay na lang ako ni Justin sa baba ng condo. Ngumiti ako sa kanya pagkaalis ko ng itim na face mask at cap.

"Sorry. Baka kasi maraming tao sa Tagaytay ngayon", saad ko at ngumiti lang din siya sa akin.

"It's fine. I'd rather have you wearing those than see you get swarmed by people", sambit niya.

"Sure ka? Sorry talaga. Ay! Nga pala, may dala akong sandwich. Baon natin", saad ko at pinakita 'yon sa kanya.

"Gawa mo?"

"Oo. Para hindi na tayo dadaan sa drive thru. Feeling ko maaabutan tayo ng traffic", sambit ko.

"Thank you", ngumiti siya kaya lumitaw ang dimples niya.

Mabilis ang biyahe dahil sa Sta. Rosa kami dumaan. Pagkarating namin doon ay medyo matao dahil bakasyon na dahil malapit na ang November 1. Nagsuot kaagad ako ng mask at cap bago niya ako pinagbuksan ng kotse.

Malapad ang pangangatawan niya kaya minsan ay nagtatago ako sa likod niya kapag pakiramdam ko ay makukuhanan kami ng litrato kapag lumalabas kaming dalawa.

Nakasuot siya ng turtle neck na long sleeves, black 'yon. Sa akin naman ay turtle neck din na black pero sleeveless at cropped top.

"Let's go?", saad niya at pumasok na kami sa loob.

Nasasaktan pa rin ako lalo na sa tuwing naiisip ko sila ni Helena. Pero ano lang ba ang ginawa ni Theo noong makita niya akong luhaan noong gabing 'yon? Kahit na tinulak ko siya palayo, ang Theo na kilala ko, magpapaliwanag pa rin sa akin.

Clearly, he has changed and I don't know if that's a good thing. He's saving their empire, anyway.

"Justin, hindi ka naman nagmamadali 'di ba?", tanong ko sa kanya. Ilang buwan na kaming nagkikita at hindi ko alam kung ayos lang ba sa kanya na pahabain ko pa na ganito lang kami.

"I'm not. I am serious when I told you I can wait for you. But..."

"But?"

"Just don't force yourself, Clara. I am willing to take whatever it is that you can give", saad niya at inabot sa akin ang bouquet ng mga rosas mula sa backseat.

"Para sa'yo", saad niya.

"Salamat", saad ko at tinitigan ang mga 'yon, "Ayaw ko rin naman na pilitin ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko basta masaya ako na nakakasama kita. Hindi ko lang talaga alam kung dahil ba kaibigan ang tingin ko sa'yo o kung may ihihigit pa...", I said honestly and he nodded.

"I don't want to rush you. No pressure, Clara. Masaya ako na nakakasama kita. Kung hanggang pagkakaibigan lang, ayos lang sa akin. Kung hihigit pa, mas ayos", sambit niya at humalakhak kaya gumaan gaan ang pakiramdam ko.

Pauwi na kami at nasa Alabang na pero wala pa ring reply ang kapatid ko. Madaling araw na nga kaming nakauwi ni Justin dahil naglomi pa kami sa Nasugbu tapos mas late pa siya sa akin? Aba! For Pete's sake may board exam siya in two days!

Hinatid ako ni Justin hanggang sa may parking at hindi na ako nagpahatid pa sa mismong floor ng condo. Tsaka ko na ipapaalam sa kanya ang unit namin ni Kuya kapag dadalhin ko na talaga siya roon.

Suot ang face mask at cap ko ay naglakad ako palabas ng elevator. Yakap ko ang mga rosas na binigay sa akin ni Justin at habang naglalakad ay natanaw ko kaagad ang kumpul ng mga lalake sa tapat ng unit namin.

Naroon si Rafael, Pierson, Xythos, Naxus, at si Theo. Lasing ang kapatid ko dahil nakaakbay siya kay Rafael ngayon at pilit na hinuhulaan ang passcode ng unit namin.

"Nalasing...", saad ni Pierson.

Nagkakagulo sila kanina pero noong nakita nila ako, natahimik silang lahat. Mariin ang titig ni Theo sa mga dala kong rosas at pati na rin sa daliri kong sinuotan ko ng bagong singsing.

Hindi ko 'yon pinansin at tumikhim. Binatukan ko ang kapatid.

"Akala ko ba inom at kwentuhan lang? Ni hindi mo maalala ang passcode ng bahay", sermon ko sa kanya.

"Lia...", saad niya kaya napailing na lang ako.

Inenter ko ang passcode ng bahay at gusto ko mang kunin ang kapatid ay hindi ko magagawa dahil ang laki ng bouquet na binigay ni Justin sa akin. Nakabukas pala ang card 'non at kita kong nakatingin doon si Pierson. Nabasa niya siguro kung kanino galing dahil nakalagay doon: Justin

"Ako na", saad ni Theo at kinuha si Kuya Pancho kay Rafael.

"Oh tangina ito nagpapaiyak sa kapatid ko gabi-gabi ah?", turo niya kay Theo kaya binuksan ko kaagad ang pinto at binaba ang mga rosas sa sofa.

"Ako na ang magdadala sa kanya sa kwarto niya", saad ni Theo at inakay ang kapatid ko papunta sa kwarto.

"Ha! Nagmu-move on na si Pichi ko. Pogi 'nun... architect... Papangit niyong mga engineer", gusto kong supalpalan ng papel ang bibig ng kapatid ko sa kadaldalan niya. Kung pwede lang talaga!

Sumalampak sa kama si Kuya Pancho, pikit at namumula.

"Salamat", pormal kong sabi kay Theo. Hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya at nakatitig lamang sa akin. "Uh... isasara ko na ang kwarto ni Kuya para makapagpahinga na rin siya", sambit ko at lalagpasan na dapat siya.

"How are you?", tanong niya.

"I'm better", tangi kong sagot. I gave him a dismissing tone but he still went on with his questions.

"You're seeing someone else now?", he clenched his jaw and I saw how angry he looked at the bouquet of flowers Justin gave me.

"Yes", diretso kong sagot at tumungo na papunta sa main door ng condo. Pero nanatili lang siyang nakatayo at tila binabasa ang mukha ko. "Umalis na kayo. Gusto ko nang magpahinga", saad ko at tumango lamang siya.

Nakapasa ang kapatid ko sa board kaya arkitekto na siya. He made it to the top 10.

May simpleng celebration lang ulit kaming magkakapatid. Gusto nga sana namin ni Kuya na roon sa condo ni Sofia. Pareho lang pala sila ng condo ni Troy kaya pwede rin namin siyang imbitahan.

Ayaw pumayag ni Sofia dahil makalat daw ganito ganyan kaya lumabas na lang ulit kaming magkakapatid para kumain. Nakita ko na unti-unti ay nagiging malapit na sa amin si Sofia. She's cold, yes. Pero baka ganoon lang talaga siya.

Behind her cold gazes and her cold responses hides a sister's warmth.

Sa mga nagdaang buwan ay patuloy lang kaming lumalabas ni Justin pero wala talaga akong maramdaman. Hindi niya naman pinilit at nakuntento na kaming maging magkaibigan na lang. Kapag nga lang nasa labas at umiinom kami, siya na ang sinasabi kong boyfriend ko para hindi ako guluhin ng mga nagpapakilalang lalake.

He's a gentleman and he's always serious about things and life. I remember him advising me with my problems in showbiz. I didn't just have a friend in him. I also found a new companion.

Behind his darkness is a ray of light that gave me hope of building a new life.

"Si Troy?", tanong ni Justin na kararating lang. Sabay kami ni Shawn na nagpunta rito. Hindi na namin nakakasama pa si Nicole dahil mukhang hindi na talaga sila magiging okay ni Troy. I tried reaching out to her but she didn't want to talk to me too.

"Baka raw hindi makasama. He's busy", I said and he just nodded.

"You know... I have a ball to attend", I said and he just rolled his eyes.

"Okay. Text me the details", saad niya at tumawa ako. Alam na niya kaagad na isasama ko siya.

"Ipapakilala kita kay Alliana", tusok ko sa tagiliran niya.

"She likes your brother", bored niyang sagot at uminom. "Tayo na lang?", biro niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Tsk", sagot ko.

"Hindi pa rin nakakamove-on, eh?", pingot niya sa tainga ko kaya tinampal ko ang kamay niya.

"Ang sakit! Can't you see my earrings?", iritado kong baling dahil ang laki laki ng hikaw ko tapos pipingutin niya lang ang tainga ko.

"Tainga mo ba ang masakit o 'yan?", turo niya sa parte ng puso ko kaya lalo akong nairita.

Come on, it has been years. I am fine now.

"What the hell are you talking about?"

"You were so close to sending that fucking drunk text to your ex kung hindi ka lang namin nakita ni Troy", paalala niya pa ulit dahil noong huling beses na nag-inuman kami ay muntik na akong magsend ng "I miss you" kay Theo.

"So what? You miss people sometimes. But I am over him. Kahit pa magpakasal na sila, wala akong pakialam", saad ko at tiningnan lang ako ni Justin na para bang hindi siya naniniwala sa akin.

"It has been years but he has not married that Tan yet. Ang dami na ngang na-link na babae, pero walang pinakakasalan. Baka hinihintay ka?", subok niya sa akin.

"I'd rather marry you than be with him again", I rolled my eyes and sipped on my whiskey.

It has been two years, Theo. I am 23 now, ageing beautifully without you.

There were nights when I'd randomly think about him. There were also times when I'd just wear his clothes to sleep. I don't know if I have fully healed from the pain and wounds I got for loving and letting go of him but I chose not to think of the past anymore. I buried them all and chose to think of the present.

May mga bagay na mas dapat kong pagtuunan ng pansin. May trabaho ako at may mga tagahanga na umaasa sa akin. Hindi pwedeng iikot ang mundo ko sa natalong pag-ibig namin ni Theo.

He was able to rebuild their name again. I also built mine.

Clara Del Rio wins Movie Actress of the Year in the recent PMPC Star Award for Movies

GMMSF Box- Office Entertainment Awards hails Clara Del Rio Phenomenal Star of Philippine Cinema

Clara Del Rio bags Most Outstanding Performance by an Actress in a Lead Role in FAMAS Awards

EdukCircle announces Clara Del Rio as Most Influential Actress of the Year

I am tired of losing so I promised myself to never lose anymore – in all aspects.

Continue Reading

You'll Also Like

56.5K 1.5K 45
Numero Serye #1 Inocencia Carino is a pure and innocent woman. Lumaki ito ng puno ng pag-asa at pagmamahal. Ngunit nang makilala niya si Uno Delgado...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
19.3K 390 38
(Villafuerte Clan Series 1) Akihira Devika Villafuerte is derived from the Villafuerte clan where they are known for being powerful families. She was...
10K 480 53
SWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on...