Chapter 13

429 11 4
                                    

Chapter 13

For days, I've been thinking about what I did wrong. Is he mad because of what he saw? He didn't even know the reason why I let Terrence hug me but he already assumed that I got back with my ex.

Sometimes, I blame myself for not trying to contact him again to try to explain but then I just can't have the guts to text or call him after what he said. Nagpapaliwanag ako but all he did was cut me off. Kung hinayaan niya kaya akong magsalita, ganito kaya kami ngayon?

At anong sinasabi niya na he shouldn't have taken my words seriously when he had an agreement? Ang sabi niya pa ay bata raw ako kaya dapat hindi niya sineryoso ang mga salita ko.

Do I look like a kid to him? Sure, I am four years younger than him but I am 18 and 18 isn't an age for a kid.

"Bakasyon niyo na 'di ba, hija? Why is Theo not coming here for dinner? Is he busy?", my Mom asked me while we're eating dinner together.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung mas mabuti pang hindi na lang sumakto ang uwi ni Mommy sa oras ng hapunan ko o kung ayos na rin ito para hindi ko maramdaman na mag-isa ako.

"Hindi naman kailangan na lagi siyang nandito", I answered coldly.

"Anong hindi? How will you get him if you'll have few interactions with him? Alam kong nagiging malapit na kayo pero hindi 'yon sapat. I told you to make him like you or much better kung mahalin ka niya", payo pa ni Mommy kaya napakunot ang noo ko.

Kailan kaya siya matatapos sa ganyang thinking niya? I don't have any plans to make Theo like or love me. I am just happy that at least, we're comfortable with each other and I have someone whom I can open up to.

Iyon nga lang, hindi ko alam kung mauulit pa 'yon dahil nararamdaman ko pa rin na hindi kami okay.

I didn't bother to answer my Mom anymore. Magtatalo lang kami at wala na akong energy pa para roon. I feel like I already drained myself from thinking too much about Theo.

"Hindi ka uuwi sa probinsya niyo?", tanong ko kay Troy habang magka-call kami.

"Baka next week na. Naubusan ako ng ticket sa bus 'e at tsaka ang haba ng pila sa ngayon. Hindi rin ako makakasakay", saad niya at mukhang medyo problemado.

Dahil siya lang naman ang kaibigan ko na nakakaalam ng setup namin ni Theo, sa kanya ko na rin sinabi ang nangyari. Nakikinig lang muna siya at tumatango-tango sa akin.

"Sa tingin mo ba mali ako?", tanong ko.

Pilit ko kasing iniisip kung mali bang hinayaan kong yakapin ako ni Terrence. May agreement kami ni Theo na 'no flirting' pero hindi naman pakikipag-flirt ang ginawa ko.

"Syempre para sa'yo hindi ka nakipaglandian kasi naawa ka lang naman 'di ba? Tsaka last hug niyo na 'yun. Kaya lang, sa mga mata ng fiancé mo, mali 'yun kasi akala niya nakikipagyakapan ka sa ex mo", saad niya habang kumakain ng biko.

"So ano nga? Anong dapat kong gawin?", I nagged him.

Hindi ako mapakali. Based on Theo's words, he was mad, disappointed. But the way he said it, I can feel he was sad also. Hindi ko alam! Hindi ko maipaliwanag.

Pakiramdam ko kakainin ako ng guilt ko dahil sa nangyari. It was his birthday and he wanted to celebrate it with me but I think I ruined it.

"Subukan mo kayang tawagan o kaya i-text tapos magpaliwanag ka ulit sa kanya. Ang teluk din kasi nitong fiancé mo 'e hindi ka man lang pinagpaliwanag. Kaso syempre, naiintindihan ko rin naman kung bakit ganoon naging reaksyon niya. Dapat kasi tinulak mo ex mo. Engot ka rin 'e", puna niya pa.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now