The Devils King 3

By RhettVaughn

6K 1K 204

Matapos masaktan ni Dallas mula sa hindi magandang nangyari sakanya sa Novaliz ay pinili na lamang niya ang k... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Final Chapter
New Year Special
Epilogue
Author's Appreciation

Chapter 12

76 11 0
By RhettVaughn



Dallas Arthemis Columbus POV


"Duda ako!"


Mabilis pa sa alas-cuatro na napaangat ang tingin ko kila Artemisia mula sa pagkayuko't emeng pag tulong ko kay Adira sa pag de-designed ng dress na ginagawa nito.


"Sa pagkakaalam ko ay sa tinagal-tagal na rin ng pagbisita-bisita ni Dallas dito ay marami naman na siyang natutunan na mga gawain mula sa mga staffs ko. I believe that she can make you a perfect suit just like what you want." Wika nito sa kausap nito sabay akbay pa talaga saakin.


"No, I can't!" Mariing tanggi ko.


"Oh yes you can!" Mariing pilit nito sa katotohanan. "Don't worry, Derit! Nahihiya lang siguro itong kapatid ko but I'll make sure na gagawin niya ang gusto mo." Pangako nito sa kausap nitong hindi maalis ang tingin saakin.


Ang kapal talaga ng pagmumukha nito na humingi pa ng pabor sa kapatid kong niloloko nito!?


Talipandas kang hayop ka!


Banas na sambit ko sa isip kahit panga ba sa totoo lang? Halos tapos ko nanga ang suit na ginawa ko para dito kagabi palang matapos nitong magpasukat saakin nung isang araw.


"Kung ganun ay aasahan ko nalang ang bagay na yan." Seryosong pag payag nito.


"Mishi!?" Bulalas na tawag ko sa kapatid ko.


"Pumayag kana lang! Baka pag madiskubre niya ang talento mo ay maging parokyano mo pa siya sa pagpapagawa ng damit. It's time for him to find another suitable mistress of him para naman hindi na siya nag i-stick sa isa." Bulong nito saakin.


"Mistress!?" Kinakabahan na tanong ko dito.


Alam ba nitong may namamagitan na hindi naman ganun kalala saamin ni Garrison kaya tinatawag ako nitong mistress!?


"Babaeng sastre, gaga!" Pitik nito sa noo ko. "Ako lang at si Adira ang pinapayagan niya maging sastre niya. Baka naman sa pag pasok mo ay madagdagan na diba?" Tanong nito.


"Hindi ako nag tatrabaho sayo." Paalala ko dito.


"Eh diba madalas ka naman mag sideline dito pag bored ka?" Paalala nito.


"Artemisia, sa tingin ko ay kailangan munang ayusan ang buhok ko. Baka mahuli pa ako sa pupuntahan ko." Bigla ay singit ni Derit sa usapan naming magkapatid.


"Of course!" Si Mishi na tila nakalimot saglit sa obligasyon nito sa boyfriend niya. "Sumama kana rin sa loob, Dallas." Aya nito saakin.


"Hindi na." Mabilis na tanggi ko.


"Sumama kana para matuto ka!" Hila't pilit nito saakin.


"May gagawin pa ako sa gang!" Tanggi ko pa rin sana ng hilahin na ako nito ng sapilitan at tuluyan na akong mawalan ng sapat na lakas para lumaban pa.


Ending?


Ayan tuloy at tahimik na pinapanood ko ang mga ito ngayon.


Marahang ginuguguan ni Mishi ang ulo ni Derit na animo'y isa itong sanggol ngayon.


Ang pinagkaiba, hindi ito mukhang inosenteng saggol bagkus ay taliwas dun ang tamang deskripsyon dito!


"Bakit hindi mo subukan banlawan at lagyan ng conditioner ang buhok ni Derit, Dallas?" Alok saakin ni Mishi sa trabahong ginagawa nito ngayon.


"No thanks! Manonood nalang ako." Mabilis na tanggi ko dito.


Sabay-sabay nalang kami napalingon ng biglang kumatok si Timmy habang may pagmumukhang hindi nanaman mapinta sa inis.


"Ms. Artemisia, naririyan nanaman sa labas yung ex-boyfriend mo. Mag papaayos daw ng buhok sayo at hindi daw siya aalis hangga't hindi mo ginagawa ang gusto niya." Anunsyo nito.


Si Noctis!?


Bulalas ko sa isip.


Tila maging si Artemisia ay ganun din ang nabulalas sa isip matapos mapagtanto ng mabilis kung sino ang talipandas sa labas.


"Pakisabi rin na hindi kamo ako marunong maghintay at unahin niya ako bilang customer kaysa diyan sa BOYFRIEND NIYANG GANSTER!" Bigla ay singit ng boses ni Noctis mula sa labas ng VIP room kung saan ginuguguan ni Misha si Derit.


Talaga naman hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti ng isigaw pa ni Noctis ang mga huling salita na binitawan nito.


Nang lingunin ko naman sila Mishi ay natigilan ako matapos kong makita na tila may mga krus sa noo tulad sa anime na ang lumitaw sa noo ng kapatid ko.


Subalit ang malawak na pagkakangisi talaga ni Derit habang nakapikit ang siyang higit na nagpatigil saakin ng totoo. Tila natatawa pa ito sa halip na nababanas sukat sa ginagawa ni Noctis sa labas na ex-boyfriend lang naman ng ate ko't first of everything nito sa kama.


"Ms. Artemisia! Nakakahiya sa mga customers natin sa labaaaaas." Mahina bagama't mariin na wika ni Timmy na tila anumang oras ngayon ay maiiyak na sa inis.


"Sabihin mo sakanya na hindi lang kamo basta boyfriend ang inaasikaso ko ngayon. Isa kamo itong BIGATING CUSTOMER na MARAPAT LAMANG na PAGSILBIHAN!" Utos ni Mishi kay Timmy na hindi naman na nito kailangan gawin pa kung tutuusin lalo't naririnig naman ito ng kausap nito sa labas ng pinto.


Kitang-kita pa ang anino ni Noctis sa labas na tila nagulat at nainis sa sagot ng kapatid ko. Lalo na malamang sa mga part na isinigaw nito na siyang nagpairita lalo sa pobreng lalake sa labas.


"Kung ganun, IREREKLAMO KO NALANG ang A' FASHION na ito!" Si Noctis. "Mukhang may FAVORITISM ang owner kaya marapat lamang na ISUPLONG!" Si Noctis.


"Ginagalit talaga ako ng lalaking ito eh!" Halos maubos ang pasensya na wika ni Misha.


Wala tuloy sa oras na nabasa ang damit ni Derit na mabilis na napabangon mula sa pag re-relaxed nito kanina.


"I-I'm sorry, Derit!" Mabilis na hingi ni Mishi ng pasensya dito habang hindi magkandamayaw sa pagpupunas dito sabay gigil ang pagmumukha na lumingon sa talipandas nitong ex na nasa labas.


"Ms. Artemisia..." Naiiyak na tawag dito ni Timmy na tila humihingi na ngayon ng tulong sa kapatid ko matapos maging helpless sa siraulong si Noctis.


"Unahin mo na siya, Artemisia." Seryosong utos dito ni Derit sa wakas sabay tayo para lang dumugo ang ilong namin ni Timmy matapos nitong walang pakundangan hubarin ang long-sleeve nito.


Partida pa na nakatalikod ito saaming dalawa at kay Mishi ito nakaharap na siyang nakakita kung papaano nito isa-isa tinanggal ang butones nito.


"Si Dallas nalang ang bahala saakin."


"Bakit siya!?" Si Timmy na tila anumang oras ay handa ng makipagsabunutan saakin dala ng matinding selos.


"Ako!?" Bulalas ko din.


"What a good idea!" Si Mishi na mabilis namang sumangayon sa suhestiyon ng jowa nito as if wala na itong iba pang choice!


"Pero kung uunahin mo si Noctis ay ako na ang pumapangalawang pinakamagaling na hairstylist dito, Miss A! Ako nalang ang bahala kay Mr. Garrison!" Pakiusap ni Timmy.


"Hinde!" Mabilis na tanggi ni Mishi at pingot sa tainga nito. "Dallas, ikaw na ang bahala kay Derit habang inaayusan ko yung TUKMOL sa labas." Bilin nito saakin.


"T-Teka muna sandali!" Habol ko pa sana sa mga ito ng isarado na ni Mishi ang pinto at makita ko mula sa malabong salamin na dingding kung papaanong walang habas na inirapan at inunahan na nitong maglakad ang ex-boyfriend nito na halos mataranta nalang sa pagsunod dito.


Yun lang at tuluyan nalang kami naiwan ni Derit sa loob ng silid na ito kung saan kinakailangan ko pang banlawan ang buhok nito.


"Tatayo kana lang ba diyan o ano?"


O_____O    !


Yikes!


Daig pa sa mga horror films na nilingon ko ito ng dahan-dahan para lang matigilan at mag nosebleed yata matapos kong makita na hubad-baro itong nakahiga ngayon sa puwesto nito kanina habang nakasalo ang ulo sa may lababo kung saan ko yun babanlawan.


"H-Hindi ko trabaho yan! Hindi ako nag ta-trabaho dito kaya wala akong alam sa mga ginagawa nila." Pilit ang pagka-awtoridad ng boses na anas ko.


Sukat dun ay dumilat ang matatalim nitong mga mata na animo'y tila hindi nito nagugustuhan ang nangyayari sa paligid.


"Kung ganun, sinasabi mo ba saakin na paghihintayin niyo pa ako?" Tanong nito.


"H-Hindi!" Mabilis na tanggi ko. "Ang sinasabi ko lang ay bakit hindi natin tawagin si Timmy sa labas na mas nakakaalam sa ganitong gawain or kahit sinong propesyunal sa labas na mas maaasikaso ka ng tama, Mr. Garrison." Matigas na dugtong ko.


"I want you." Titig na titig saakin na wika nito.


Hindi ko alam subalit natigilan ako sukat sa sinabi nitong yun.


Bigla din kumirot ang puso ko na animo'y nakaramdam ako ng labis na sakit dun na para bang nabrokenhearted pa ako sa halip na matuwa sa narinig ko?


May bumubulong din sa isip ko na huwag mag tiwala dito pero...


Pero hindi ko naman maiwasan ang hindi maakit sa makamandag nitong charisma na lumalamon ngayon saakin.


Sa huli?


Natagpuan ko nalang ang sarili ko na marahang pinapaliguan ang buhok nitong kay lambot habang pinagmamasdan ang payapa nitong mukha't nakapikit nitong mga mata.


Animo'y mahimbing ito na natutulog ngayon habang walang saplot pangitaas na siyang mas lalong kinaiilang ko sa sitwasyon naming dalawa.


Matapos itong guguan ay halos mawalan nalang din ako ng choice matapos ako nitong utusan na i-treamed naman ang buhok nitong kay lambot. Ayoko panga sana nung una subalit mapilit itong nilalang na kay hirap tanggihan.


Halos mangulubot nalang tuloy ang noo ko sa pagkakunot at mag mukha akong bata ngayon dahil bahagyang nakalabas ang dulo ng dila ko sa gilid ng kaliwang labi ko magawa lamang ng tama ang ginagawa kong pagbabawas sa buhok nito.


"Dallas." Tawag nito bigla sa pangalan ko sa gitna ng last session namin.


Wala tuloy sa oras na pinasok ko ang dila ko sa bunganga ko at kunot noo nalang na tinitigan ito sa may salamin kung saan ako nito pinagmamasdan ng mabuti mula pa pala kanina!


"Yes, Big Boss?" Tanong ko dito ng wala sa oras.


Nakita kong tila na-amused ang mga mata nitong natural ng kay lulungkot buhat sa tinawag ko dito ngayon lang.


"Kung mayroon isang nilalang na nagkasala sayo ng matindi..." Putol nito sa gusto nitong sabihin.


Namilog naman ang mga mata ko kahit sa putol na salita palang nito.


"Magagawa mo pa rin ba siyang mapatawad kung sakali?" Dugtong nito sa wakas na mas ikinagulat ko.


Bakit bigla nalang nito natanong yun out of the blue?


At bakit para si Dirk bigla ang pumasok sa isip ko sukat sa sinaryosong tinatanong nito ngayon na para bang naging ito bigla si Dirk sa paningin ko na gustong humingi ng kapatawaran niya sa nagawa niya saakin noon.


"May magandang dahilan ba siya kung bakit niya nagawa ang mga nagawa niya?" Balik tanong ko dito habang nakikipagtitigan sa salamin.


"Mayroon." Tipid na sagot nito.


Pumuwesto muna ako sa harapan nito para gupitan ang buhok nito sa bandang harapan for the final touch na rin.


"Then there's no room for forgiveness since naniniwala ako na walang matinding kasalanan kung mayroong magandang dahilan kaya bakit kailangan pa ng kapatawaran?" Kibit balikat na sagot ko sabay lapag na sa gunting na hawak ko.


Titig na titig naman saakin ang mga mata nito ngayon na halos mawalan na ng emosyon sa hindi ko malamang kadahilanan.


"Thank you, Dallas." Walang emosyong pasasalamat nito sa pagbabawas na ginawa ko malamang sa buhok nito.


"You're welcome." Nakangiting sagot ko.


Kahit sa totoo lang?


Bigla akong nalito kung para nga ba sa gupit ang pasasalamat na yun o sa pinag-usapan naming dalawa...?


-------------------------------


"Katulad nga ng sinasabi namin sainyo, Captain..." Si Fabri. "Mahirap kalaban ang D.S.I!" Ulit nito sa sinabi na nito kanina pa.


"Ang hirap tantyahin ng utak ni Deceros! Kakaiba siyang leader at talagang mahahalata mo sakanya ang pagiging bihasa sa lahat ng uri ng mga assassination plan kaya naman kung hindi pa tayo kikilos ay maaaring tuluyan ng matalbugan ng D.S.I ang F.D.G!" Si Victoria.


"The problem is, anong plano naman ang gagawin natin?" Si Marco.


"Madali sana tayong makapagiisip kung nandito si Artemisia." Si Ishma. "Ang problema, busy pa siya ngayon sa mga business meeting niya sa A' Fashion." Dugtong pa nito.


Matagal na natahimik ang lahat lalo ng mapansin nilang tila wala naman sa pagpupulong ang isip ko ngayon.


"Kung wala yung pangalawang owner, mukhang mas nawawala yata yung owner natin ngayon ah?" Si Cisar na tila napansin na rin ang pagkalutang ko.


"Captain Dallas!?" Tawag ni Fabri saakin.


Sino kanga ba talaga, Garrison?


Tanong ko sa isip na makailang ulit ko na yatang natatanong sa sarili buhat ng mamagitan saaming dalawa ang nangyari sa may beauty shop ni Misha kamakailan lamang.


"CAPTAIN DALLAS!" Sigaw nilang lahat sa pangalan ko.


Sukat dun ay nagising na ako ng tuluyan at bumalik na sakanila ang pansin ko.


"Yes!?" Parang naliligaw na tanong ko.


"Ayan nanga ba ang sinasabi namin! Hindi ka naman nakikinig sa mga hinaing namin eh!" Inis na wika ng mga ito.


"Of course I am!" Mariing wika ko sabay silip saglit sa Zeus Eye ko kung ano nga ba ang topic namin para makahabol.


Alright! Focus on your business now, Dallas!


"Hindi natin problema si Deceros." Matapang na wika ko kahit hindi ko alam kung saan nanggaling yun.


"Paanong hindi!?" Si Fabri.


"Captain..." Si Ishma. "Pag hindi natin siya prinoblema ay baka tayo ang maging problema!? Babagsak tayo pag hindi pa tayo kumilos!" Histerikal na wika nito.


"Hindi tayo babagsak kaya kumalma kalang!" Wika ko sabay tayo at hampas sa lamesa. "May naiisip akong plano para hindi tayo bumagsak." Wika ko kahit lutang-lutang pa rin ang isip ko.


Sa palagay ko...


Lakas tama talaga ako ngayon?


Uminom kasi ako ng alak kanina bago pumunta sa gang para sana makalimot sa matinding pag-iisip.


Oo, katanghaliang tapat kanina ng uminom ako!


Bakit?


Paki niyo!?


"Anong plano naman yun?" Tanong ng mga ito.


"Pakakasalan ko si Deceros!" Matapang na sagot ko na hindi ko din alam kung saan galing.


Ilang mahabang segundo din naging tahimik ang mga ito na halos marinig na yata namin ang huni ng mga kuliglig bago sila makapag-react na sa wakas.


"Wala na... Goodbye, F.D.G. na talaga tayo." Si Marco.


"Sayang naman." Si Ishma. "Dito ko nalang halos nabubuhos lahat ng pagkamiss ko sa mga aksyon." Dugtong nito.


"Wala na tayong magagawa." Si Victoria.


"I think, uuwi nalang pala ako." Paalam ni Cisar.


"I'm serious." Seryosong wika ko ulit bagama't lakas tama pa rin ako.


Natigilan muli ang mga ito.


"Fabri!" Tawag pansin ko dito. "Mag email ka sa D.S.I! Sabihin mo sakanila na kung may-asawa na si Deceros ay makipaghiwalay siya! Kung wala naman? Ay dumiretso na siya saakin at magpakasal na kami!" Bangag na utos ko.


"Okay lang ba siya? Parang bangag ah?" Si Vcitoria.


"Hindi ako bangag!" Padabog na sagot ko. "Fabri! Do as what I say! What you hear is what you say, what you do is what you boo." Mariing utos ko dito.


I pretty made sure na tinitigan ko pa ito sa pinaka nakakatakot kong awra para lang mas mahintakutan ito at sundin na ang gusto ko.


"Y-Yes Captain!" Sagot nito sabay harap sa mga computers niya at tipa na dun.


"I don't think it's necessary to do this, Captain. Hindi naman ang pagpapakasal mo ang ibig naming sabihin na solusyon sa problema." Si Victoria.


"Bakit hindi natin hintayin si Artemisia? I think she got a better idea also." Mungkahi ni Ishma.


"Hinde!" Mariing tutol ko. "I got the better, best, greater, greatest, brighter and brightest idea of all!" Matapang na wika ko sabay gagaywang-gaywang na lumapit kay Fabri.


"Ishma, nakatoma yata si Dallas." Si Victoria.


"Sa tingin ko nga." Sangayon nito.


"Tumabi ka diyan, Frabri." Tulak ko kay Fabri na halos mamali ko na ang bigkas sa pangalan. "I'll email him personally para mas effective ang plano." Dugtong ko.


"You don't have to do this, Captai—"


Hindi na natuloy pa ni Ishma ang sinasabi niya ng gumamit ako ng magic at pakilusin ang mga katawan nila para umupo't mag relax lang muna habang abala ako.


"Dear Deceros, peberos, nachos, pepitos, muuu...chos... gracias." Simula ko kahit hindi ko rin alam kung para saan yun. "I am Dallas Ar—Dallas Jude." Pag-iiba ko sa pangalan ko ng kaunti. "I write this letter for you to marry me. Yes, will you marry me Jonathan!?" Tanong ko sa letter kasunod ng malakas na pagtawa ko.


Sino si Jonathan...?


Tanong ko sa isip ng bigla kong maalala yung Howl's Moving Castle Anime Movie kung saan parang tinawag yatang Jonathan ni Sophie si Mr. Turnip.


Ah baka dun...


Gustuhin man nila Ishma na gisingin ako sa kabaliwan ko o di naman kaya'y pigilan ay hindi nila magawa dahil nasa ilalim sila ng matindi kong mahika.


"I can cook, I can fuck—" Hinto ko sa pagtatype ng may maisip akong mas magandang idugtong o ilagay. "I believe I can fly... I believe I can touch the sky... I think about it every night and day, spread my wings and fly away..." Type ko sa kinakanta ko.


Lalalalalala...lalalala...lalalalala.


Masayang kanta ko pa sa isip.


"Will you marry me, Deceros? If yes, kindly fill out this form and sent it to any judge-er you know to legalized it so that we could be happily husband and wife ever after." Pagtatapos ko sabay pirma sa mabilisang marriage contract na ginawa ko na natural lang din na may gawaan kami dahil sa dark business namin.


Pagkapirma nun ay pinadala ko na agad yun sa fax address nito na natural lang din na mayroon kami dahil sa business nga na umiikot saamin.


"Done-doney!" Anunsyo ko sabay tayo at alis sa magic na iginawad ko kila Ishma na halos mag histerikal at mahilo tulilong na ngayon mahabol at mapigilan lang ang ginawa kong kalokohan.


"Bye-bye, guys!" Paalam ko sa mga ito. "Vonbo-ya-ge!" Dugtong ko pa sabay exaggerated na nag flying kiss sa mga ito at lumakad paalis.


"You're doom, Captain!" Narinig kong wika pa ni Fabri. "You're doom!" Dugtong pa nito.


I know right...


Gaya ko pa kay Kris Aquino sa isip.


Kahit sa totoo lang?


Sa mga sandaling ito?


Hindi ko pa rin nare-realized kung gaano kalala nga ba nagawa ko.



......................................

Continue Reading

You'll Also Like

790K 27K 68
Tumira kasama ang isang bampira? Matatagalan ko kaya?? ------jhiane
386K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
48K 1.9K 33
Cassiopea Nakahara, isang babaeng tao na may kakaiba palang nakaraan at kasama na roon ang umibig sa isang bampirang nagngangalang Zafiel. Ano kayang...
1.7M 71.9K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...