The Devils King 3

By RhettVaughn

6K 1K 204

Matapos masaktan ni Dallas mula sa hindi magandang nangyari sakanya sa Novaliz ay pinili na lamang niya ang k... More

Author's Note
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Final Chapter
New Year Special
Epilogue
Author's Appreciation

Chapter 1

146 11 3
By RhettVaughn



Dallas Arthemis Columbus POV


(Music Playing in Earphones...)


"Hmmmmm...hmmmm...hmmmmm." Mahinang humming ko habang nakaupo ng pa-lotus position sa train kasabay ng pagpapatuloy ko sa ginagawa kong pagdra-drawing sa sketchpad ng larawan ng isang lalakeng hindi ko naman alam kung saan ko nakita.


Suot ang simpleng puting t-shirt at itim na pants na binagayan ko ng puting rubber shoes at maong jacket ay talaga namang napapagkamalan akong college student magmula pa kanina.


"As I said a while ago, dapat sa elite section nalang tayo sumakay." Wika ni Mishi na kababalik lang mula sa restaurant dito mismo sa loob ng express train.


"Eh diba nga at si Ate Arth ang may request na huwag VIP cabin ang sakyan natin sa Novalian Express." Sagot dito ni Zellie na kababalik lang din kasama nito.


Lulan ng pamosong Novalian Express ay sabay-sabay kaming tutungo ngayon papuntang Earth para sa kani-kaniyang dahilan.


Pupunta si Zellie sa Earth para mag bakasyon kasama ni Kuya Dreyd na nauna nang makarating dun dahil sa movie shooting nito. Kumbaga, sasamantalahin lang nila na makapagsolo muli lalo't ilang taon na rin sila halos naging busy sa mga anak nilang iniwan na muna nila kila Mummy.


Business trip naman ang ipinunta ni Mishi sa Earth kung saan may ilang branches na rin ang pamoso nitong beauty business na A' Fashion na kilalang-kilala na talaga kahit saang parte ng mga mundo.


Habang ako?


Ano ang ginagawa ko dito?


Sa totoo lang...


Hindi ko din alam.


Basta nang marinig kong pupunta sila sa Earth ay bigla nalang parang may nagtulak saakin na sumama sa mga ito.


Ayaw panga akong payagan nila Mummy na sumama sa mga ito lalo't kalalabas ko palang daw sa hospital kamakailan dahil nanaman sa hindi mapaliwanag na panghihina ng aking katawan.


Yun nga lang?


Mapilit akong tunay habang ini-spoiled naman ako masyado nila Mishi kaya ending, eto kami at magkakasama ngayon.


"Ewan ko ba naman sa isang yan!" Si Mishi. "Nasawa yata sa karangyaan niya sa Novaliz kaya gustong mamuhay bilang hampas lupa." Sarkasmong wika nito.


"As if naririnig ka." Si Zellie. "Tignan mo at naka-earphones oh!?" Turo pa nito.


"Wolf yan!" Si Mishi. "Ilang daang beses ang lakas ng pandinig niyan kumpara saating dalawa." Dugtong pa nito.


"Eh bakit parang deadma?" Tanong ni Zellie.


"Ewan ko." Si Mishi na kumuha na ng isang stick na sigarilyo sa kahita nito para sindihan at hithitin yun.


Sa pamamagitan man lang kasi nun ay mabawasan ang pagkabanas nito sa nangyayari ngayon.


Hindi ko din alam ang trip ko sa buhay pero mas gusto ko talagang bumiyahe sa Class C ng train na ito o ang section kung saan pawang mga ordinaryo o mahihirap lamang na nilalang ang makakasama mo.


Tuloy, napilitan sila Mishi na samahan pa ako hanggang dito bagama't may pwesto na sila sa Class A o ang Elite Section na ganun-ganun nalang nila iniwan para samahan ako dito.


"Sino ba kasi yang lalaking walang mukha na palagi niyang dinodrawing?" Tanong muli ni Zellie kay Mishi.


Sukat dun ay natigilan nalang si Mishi at napatingin nalang din sa ginuguhit kong makailang libong beses na nilang nakikita.


Tama kayo...


Makailang libong beses na.


Magmula ng makabalik ako mula Novaliz sa Eos ay palagi ko nalang dinodrawing ang lalaking ito na hindi ko naman mabigyan ng pagmumukha.


"Hindi ko din alam." Si Mishi. "Baka yan yung asawa niya na hindi niya magawang matandaan sa hindi natin malamang kadahilanan. Maskina nga si Dreyd ayaw nalang makialam dahil daw si Dallas mismo ang gumawa niyan sa sarili niya? She used dark magic just to forget that man and I can't blame her for that. Maskina naman ako ay magpapabura nalang ng ala-ala kung ginago ako ng lalake." Dugtong nito.


Bahagyang natigilan tuloy ako sa sinabi nito.


Ang lalaking ito...


Wika ko sa isip.


"Ayaaaaaaaan!" Si Zellie na masayang sumilip na ngayon mula sa labas ng bintana nito.


Wala sa oras tuloy na napagaya ako dito para mamangha din tulad nito dahil natatanaw nanamin mula sa loob ang pinaka sikat na siyudad na yata sa buong kalawakan.


"Ang Empire City!" Si Zellie. "Ate Arth! Ayan yung sinasabi namin sayo na pinakabagong siyudad sa buong kalawakan na pag-aari ng lalaking tumulong sa pamilya natin!" Kwento nito.


(Music Playing: Sayonara No Natsu – Up On Poppy Hill OST)


Empire City...?


Tanong ko sa isip.


Bakit parang pamilyar...?


"Ang ganda diba?" Bulong saakin ni Mishi. "Parang siyudad na hindi nag e-exists noh? Ganyan kagaling si Derit." Dugtong nito.


"Derit...?" Ulit ko sa pangalan na nabanggit nito.


"Ay shet nakakarinig nga!" Si Zellie.


"Oo." Si Mishi na inignora lang si Zellie. "Si Derit Garrison." Dugtong nito.


Derit Garrison...?


"Nako, Ate Arth!" Si Zellie. "Alam mo bang noon pa man ay gustong-gusto kanang ipakilala ni Ate Misha kay Mr. Garrison!? Wala siyang pakialam kung may asawa ka noon o wala! Basta daw at irereto ka niya sa lalaking yun." Kwento nito.


"Hanggang ngayon ba naman Arzella!?" Si Mishi. "Parang hindi mo pa rin gusto si Derit ah?" Tanong nito.


"Ay nako ate! Hinding-hindi ko talaga magugustuhan ang lalaking shady na yun!" Irap na wika nito.

"He helped us." Si Mishi. "I want you to remember that." Dugtong pa nito.


"I know!? And I'm very grateful for that but still... I don't like his guts." Sagot nito.


"Kung ayaw mo sakanya edi huwag mo!" Si Mishi na hindi nalang ito pinansin at tumingin nalang din sa bintana katulad ko. "Nakikita mo yung pinakamataas na itim na gusali?" Tanong nito saakin.


Sukat sa tinuro nitong yun ay napatingin naman ako sa gusaling itinuturo nito na madali namang makikilala dahil ito nga ang pinakamataas sa lahat ng gusali na matatagpuan sa nasabing siyudad.


Napapalibutan ito ng anim pang naglalakihang gusali na parang mga kapatid nito kaya naman sa halip na magmukhang business building ang mga yun sa paningin ko ay para siyang naging palasyo para saakin.


"It's like a citadel..." Wika ko.


Narinig kong natawa si Mishi ng bahagya.


"That tallest dark building?" Anas nito. "That's the exact building where you can find the Emperor of that fucking amazing Imperial City." Dugtong nito.


"Oo!" Si Zellie. "Diyan mo makikita si Derit Garrison! Ang Dark Building kasi ang tinuturing na puso ng siyudad niya." Dugtong nito.


Dark Building...?


"Diyan mo din makakasalamuha ang lahat ng mga berdugo't dark businesses niya! After all, he's a Mapia Boss!" Si Zellie ulit.


"So what if he is a mob boss?" Si Mishi.


"Wala lang..." Si Zellie.


"Si Derit..." Wika ko muli sa wakas.


"What about him?" Si Mishi.


"Anong itsura niya...?" Tanong ko habang titig na titig sa pinakatuktok ng mataas na itim na gusali.


Tila natigilan saglit ang mga ito sa tanong kong yun sa hindi ko malamang kadahilanan?


Ang kwento nila Mommita saakin ay madalas daw dumadalaw si Derit Garrison sa Eos noong hindi pa ako umuuwi saamin.


Sa hindi nila mapaliwanag na kadahilanan ay bigla nalang ito hindi nagpapakita na?


Kaya naman personal nalang ito kung puntahan ni Mishi para ayusan lalo't kinuha niyang personal stylist ang kapatid kong ka-business partner din niya sa A' Fashion.


"Ayaw kasi ni Derit ng pinipicturan o ipinapakita ng basta-basta..." Si Mishi. "Hayaan mo at ikukwento ko sakanya na kasama kita. Maybe in that way, he will be curious enough to meet you in person. After all? Parang pamilya na rin naman natin siya sa dami ng natulong niya saatin." Dugtong nito.


Sa halip na sumagot pa dito ay patuloy lamang ako sa ginagawa kong pagtanaw sa opisina sa tuktok ng itim na gusali.


Dahil isa akong makapangyarihan nilalang ay nagagawa kong tanawin kahit papaano ang loob nun...


Mula sa malaking glass window kasi nun ay malaya kong nakikita ang isang bulto ng lalaking nakatayo ng tuwid at tila tulad ko ay titig na titig din ito saakin.


Hindi ko alam pero sobrang lakas ngayon ng tibok ng puso ko habang nakikipagtitigan dito.


Ikaw...


Wika ko sa isip.

-----------------------------------


"Aasikasuhin ko lang yung branch ko dito. Just stay here and wait for me para makapamasyal later, okay?"


"Sowri, Mishi." Parang bata na hingi ko dito ng tawad kahit hindi ko na ito kaharap pa.


Sukat ba naman kasing binilinan na ako nito lahat-lahat sa dapat kong gawin at hindi pero eto pa rin ako ngayon at masayang namamasyal sa nakamamanghang siyudad na ito.


Mula sa hotel suit kasi na pinag-iwanan saakin ni Mishi ay nakaramdam ako ng labis na pagkabagot kaya naman napagdesisyunan kong mamasyal muna mag-isa at maghanap ng makakain o mabibili.


Special thanks talaga to my magical and universal credit card na maari kong magamit na pera para masakatuparan ang mga plano ko ngayon dito.


"Ang ganda..." Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang napakalaking aquarium sa loob ng World Imperial Mall na talaga namang dinadayo pa ng mga taga ibang mundo sa ganda't pagiging kumpleto ng mga pinagmamalaking brand store sa kalawakan.


Sinakop lang naman kasi ng mall na ito ang buong floor ng bawat palapag ng one hundred-fifty story type building na ito!


Makatawag pansin din ang pagiging eco-friendly ng mall dahil pawang solar lang ang kuryenteng pinapadaloy dito. May mga puno din ang itinanim sa loob para mag mistulang mini forest na mas binigyan buhay pa ng artificial giant waterfalls na talaga namang kamangha-mangha.


Subalit ang pinaka nagpamangha talaga saakin sa lahat ay ang malaki at napakataas nitong aquarium na mayroon maraming makukulay na mga isda ang makikita sa loob kasama ng ilang mga sirena na tila nagmula pa sa Oceanica na inaakalang paid actor and actresses lang ng mga ordinaryong nilalang.


"Grabe..." Bulong ko ulit. "Kahit yata igugul ko ang buong maghapon ko para malibot ang mall na ito ay hindi ko magagawa? Sobrang laki nito." Dugtong ko habang patuloy pa rin namamangha sa mga nakikita.


Ang ganda talaga...


Puri ko pa rin sa isip habang pinagmamasdan ang napakataas at lawak na aquarium na nagsisilbing devider din sa pagitan ng mall at ng aquarium sight sa kabilang side ng matigilan ako.


Hindi ko kasi agad napansin na may lalaking sumasabay saakin sa paglalakad ko sa kabilang side ng aquarium na ito. Medyo hindi ko din nakikita ang mukha nito bagama't sa hindi ko mawaring dahilan ay may kakaibang pakiramdam itong ipinupukaw sa pagkatao ko.


Sandaling tumigil ako para tignan kung nagkataon lang ba na sabay kaming lumalakad kanina o sadyang sumasabay lang ito saakin para lang magulat at mapatunayan na talaga palang sumasabay nga ito dahil tulad ko ay huminto din ito.


Kunot noo dala ng pagkahiwaga dito na tumayo ako sa mismong tapat nito para ipakita ditong nakikita ko na siya subalit sa halip na masindak saakin ay tumayo din ito ng tuwid sa tapat ko na para bang nakikipaghamunan pa ito ng tingin saakin.


Marahang humakbang ako palapit sa aquarium para maaninagan ng mabuti ang itsura nito ng biglang may umistorbo saakin!


"Excuse me?"


Mabilis na lumingon ako sa lalaking kumuha ng atensyon ko.


"Yes?" Walang emosyon na tanong ko dito.


"Hinahanap ka ng ate mo." Anito.


"Si Mishi?" Tanong ko. "Ay shit! Oo nga pala at sa loob din ng mall na ito makikita ang isa sa mga branch niya..." Sapul ang noo na dugtong ko.


"Oo." Sagot nito. "Pero wala siya dun sa ngayon. Nasa isang restaurant siya sa siyudad na ito at pinapatawag ka niya." Nakangiting dugtong nito.


"Pinapatawag? Pero siya nga itong ayaw akong palabas—" Natigilan ako sa realization.


There's something fishy about this man!


Sambit ko sa isip patungkol sa kausap ko.


"Sumama kana lang saak—"


Mabilis pa sa alas cuatro na nagtatakbo ako palayo dito para makatakas.


Anong kaba ang lumamon saakin lalo ng makita kong tila hindi pa pala ito nag-iisa!


Maraming kalalakihan na ang tila sumusunod saakin ngayon tulad nito.


Damn it!


Sino nanaman ba ang mga extrang ito!?


Takbo dito, takbo diyan, akyat dito at akyat diyan tuloy ang sistema naming lahat na nakakaabala na sa mga nilalang na nadadaanan namin.


Halos malimutan ko nanga yung misteryosong lalake sa aquarium dahil sa ginagawa kong kakatakbo ngayon eh!


"Fuckchickenshit!" Mariing mura ko sabay humahangos na nilingon ang kinaroroonan ng mga ito.


Sinisigurado kong masusundan ako ng mga ito hanggang sa itaas kung saan nakatitiyak akong kakaunti lamang ang mga nilalang. Sa ganung paraan kasi ay makakagawa ako ng paraan para makalaban sa mga ito na hindi nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.


"Sino ba ang mga ito—"


Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko ng biglang may matigas na pader akong nabangga o mas tamang sabihin na matigas na nilalang!


"Sorry! Sorry! Sorry talaga!" Sunod-sunod na hingi ko dito ng pasensya kasunod ng muling pagtakbo ko sana ng hawakan nito ng mariin ang braso ko para pigilan.


Sukat sa ginawa nitong yun ay awtomatiko tuloy na napatingin ako sa pagmumukha nito para lang mas matigilan pa lalo.


"Big Boss." Tawag dito ng isa sa sampung kalalakihan na nakasunod dito at tila mga ka-business associates nito. "May gulo pong nauulat ngayon sa loob ng mall." Bigay paalam nito.


This man...


Subalit sa halip na sagutin ito ng lalaking tinawag nito na 'Big Boss' ay nakipagtitigan lang ito saakin ng mataman.


Those perfect sharp eyes of him...


Wika ko sa isip habang titig na titig sa mga mata nitong kulay grey na para bang may mali akong nakikita.


Pakiramdam ko kasi ay hindi dapat ganun ang kulay ng mga yun...


That natural pinkish lips...


Wika ko muli ng mapadako naman ang paningin ko sa mga labi nito.


That scar on his face...


"Are you in trouble, My Lady?" Nakakamatay sa gwapo na pagkakatanong nito.


That beautiful bedroom voice of him...


Sambit ko kasunod ng marahang pagpikit ko na hindi ko na halos napansin dala ng matinding ecstasy na nadudulot nito saakin. Muling napadilat nanga lang ako ng ibang boses ng lalake na ang narinig ko.


"Big Boss, kami na po ang bahalang ayusin ang gulong ito." Alok ng isa sa mga tauhan nito.


Bakit parang pamilyar saakin ang lahat patungkol sa lalaking ito?


Naguguluhang tanong ko sa isip.


"Better." Walang emosyon na sagot nito sabay bitaw saakin. "I have an important business to attend anyway." Dugtong pa nito sabay talikod saakin kasunod ng iba pa nitong mga tauhan. "Just take a good care, lady in trouble." Bilin nito na may diin pa talaga sa huli.


Yun lang at naiwan nalang akong nakatulala pa rin sa direksyong tinahak nito habang patuloy akong kinakausap ng mga tauhang iniwan nito.


Ang lalaking yun...


Anas ko muli sa isip.


....................................

Continue Reading

You'll Also Like

84.6K 1.1K 162
Verena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at l...
337K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
827 55 11
In someone's life, you'll always be the antagonist. So why not be the protagonist of your own story instead of wanting to be the main character of th...
851K 22.6K 48
She seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.