Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 37

858 55 43
By whiskelle

Chapter 37

Tuloy-tuloy at walang humpay ang pagdanak ng luha sa akin habang nakatulala sa lalaking kung hindi mo makikita ang kilabot sa mata ay aakalain mong wala ng malay. 

I wanted to stop Diamond but I couldn't do it. My heart is so heavy that it feels like a cannonball was placed on top of it. Sa bigat, unti-unting nadaraganan at napipipi. Sa sobrang sakit, namamanhid. 

Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon sa akin ni Yuki... ulit. Hindi ko sapat matanggap na nahulog akong muli sa bitag ng kasinungalingan. My ever fragile heart was fooled by the softness of his gazes, the fragrance of his choice of words and the warmth of his treatment. Little did I know, it was all part of the act he was pulling. Act that will lead him to his goal. And that is to hurt me... again. 

Why do we tend to let our life flow round and round? Iyong tipong nasaktan ka na, tinanggap mo na sa sarili mong natuto ka na, pero uulit-ulitin mo pa. At pagkatapos noon, tiyak na babalik ka na naman sa umpisa. 

Life is like a carousel. It keeps on rotating and taking the path it has been crossing since the day it commenced moving. And it will not stop for you. It has its own time. It's just up to you if you will keep on riding on it like a stupid or you'll pluck up the courage to jump out of it. 

Aminin ko man sa sarili o hindi, ako iyong tanga na nakikisabay sa pihit ng buhay. Iyong pagkatapos masaktan dahil sa lubos na pagtitiwala, magtitiwala ulit. Nahilo na't lahat sa paulit-ulit na nangyayari, nagpapakatanga pa rin. 

At... masasabi kong...

Napakasakit maging tanga. 

I was staring at my violently quaking hands when someone went near me and oscillated my stiff shoulders. Malala ang paghikbi kong ginantihan ng tingin ang mukha ni Geraldine na siksik ng pag-aalala. 

"Nani ga atta no desu ka?! (What happened?!)" 

Instead of granting her an answer, I shifted my eyes to the men who were able to thwart Diamond from hurting their former classmate. Ang dalawang lalaki ay hawak ang magkabila niyang balikat. Ang duguan at putok ang mga labi namang si Yuki ay sinusubukang iangat ng dalawa pang lalaki mula sa pagkakalupasay sa sahig. 

"Bring Yuki to the Hospital!" ani isang babae na kaisa sa grupong nanunuod sa harapan ng pintuan ng silid.

Bawat isa sa kanila ay pawang papanawan ng malay sa takot nang balingan sila ng lalaki. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng tuhod ng mga nasa harapan na siyang kaunti lang ang distansya kay Diamond. 

"No. He'll go straight to the prison." Pagalit niyang binawi ang balikat at braso sa tangan ng lalaking nasa likuran niya at saka mahigpit na nagbanta. "Walang magdadala sa kaniya sa Ospital."

"B-But! I-It looks like he is gonna die!" 

"Then, let him die," Diamond released a rough and sardonic chuckle. "I don't fucking care."

Nagpapatianod ang lutang kong isip sa ihip ng kawalan subalit ang marinig ang peke at tunog puyos na tawang iyon ay naghatid ng kilabot sa akin. Nanindig ang bawat balahibo ko sa katawan. 

After commanding someone to contact the police, he walked towards me with heavy breaths. It was like someone's pumping large amount of air into him that entails him to breathe oftentimes. Because if he wouldn't, he'd explode.

Geraldine dodged to the left side nang dire-diretso lang ang sulong ng lalaki patungo sa akin. When there was already no space his foot could step on, he bent knees and attempted to reach for my tears.

Takot sa hawak ng kahit na sino, nanggagatal kong iniwasan ang kamay niyang pumasaere. Pinagdikit ko ang mga palad at kalauna'y pinagkukurot. When he noticed my fright and jolt, he uttered a coarse profanity under his breath. 

"Uh... maiwan ko muna kayo," utas ni Geraldine na gatal ang noo sa lalaking nakaluhod sa harapan ko. Through a deep scrutiny, I could say she was trying to recall where and when she saw him.

"Come back and let me know when the police arrives. Thank you," si Diamond. 

"O-Okay..." Isang tango at lumisan siya kaanod ang batalyon na nakatanaw sa amin mula sa malayong distansya. Kasama nila si Yuki na parang lantang gulay, nagpapahid ng dugo sa mukha. Sa ayos at lagay niya ay hindi mo na iisiping magbabalak pa itong makatakas. 

As soon as the two of us were left alone in the room, silence permeated. The only thing I could hear was the man's complication in breathing, my soft gasps and sobs, and the slight sound of the music outside. 

"We will just report the bastard to the police and we can go home." 

Tanging tugon ko ay singhap habang wala sa sariling nakasulyap sa mga mata niyang nayayanig. The wrath his eyes was flaunting earlier gradually faded. It was replaced by a twinkle of melancholy. 

Ang kalambutan ng kaniyang titig ay nagbigay ng kapayapaan sa akin. Ngunit hindi sapat upang pumayapa ang pagkataong ginimbal ng pangyayari sa gabing ito. 

"I-I'm sorry I was late," sambit niya sa pagak na tinig. Pinagtambal ang huni ng pagsisisi at pasuwit ng pangungupinyo na nakadirekta para sa sarili. 

Mula sa mga palad na halos magsiduguan sa mga kurot ay inakyat ko ang tingin sa kaniya. Lubhang nanikip ang dibdib ko nang makita ang panunubig ng kaniyang mga mata. 

"I'm sorry... I..." Bumigat pang lalo ang kaniyang paghinga. "I am sorry I hesitated to follow the two of you here when he was forcing you to come i-inside." Mahigpit ang ginawa niyang paglunok. 

"I'm sorry I let him come near you. I shouldn't have done that."

I captured my lower lip and chewed it to hinder my tears from tumbling down but tasting blood from my lips didn't help at all. Kahit na pugtong-pugto na ang mga mata ay hindi pa rin ito pumepreno sa pagluha. 

"G-Gustong-gusto kitang bawiin noong una pa lang..." Gumaralgal ang tinig niyang basag na basag na. "Pero sa tuwing nagtatangka ako... naaalala ko na ikaw na nga pala ang mismong nagpaalis sa akin. Ano bang magagawa ko? Si Dayamanti ka, e. Alipin mo ako, e. Kahit na masasaktan ako sa gusto mo, gagawin ko pa rin."

"S-Sorry," balik ko ngunit tumunog buntong-hininga lang iyon dahil sa malala kong pag-iyak. 

"It's okay... It's okay..." alo niya. Hindi ko lang alam kung para sa akin ba iyon o para sa sarili... o para sa'ming dalawa. I hardened a bit when his both hands suddenly cupped my cheeks and its thumbs started drying my tears. "Dayamanti, kahit papuntahin mo 'ko sa kabilang panig ng mundo, tatalima ako. Isa lang naman ang hiling ko..."

Ang pag-alis niya ng kamay sa akin ay malakas na sampal ng pangungulila. Ngunit ang paglipat ng mga iyon sa mga kamay ko, pinaghihiwalay at tinitigil mula sa pananakit sa isa't-isa, marahang hinahaplos na animo'y mababasag kung malalapatan ng diin, ay siyang pag-usbong ng silakbo ng kagalakan. 

"Huwag mong hayaan na masaktan ka ulit. Iyon lang, Dayamanti. Iyon lang..."

At tuluyan nga akong nagulila nang bitiwan niya ako't umalis sa harapan ko. 

Nang mapag-isa ako sa silid ay nagpatuloy ako sa naging hobby ko sa gabing ito. Ang umiyak.

Sobrang bigat ng loob ko habang itinataas ang mga paa sa upuan at mahigpit na niyayakap ang mga tuhod. Inalo ko pa ang sarili na magiging ayos ang lahat sa pamamagitan ng pagtapik sa mga braso. 

Gusto ko rin iyon, Diamond. 

Gusto rin kitang bawiin.

"Kinakausap noong lalaki iyong mga pulis. Pinapunta n'ya ako rito at pinapatanong sa'yo kung okay lang ba na magreport ka? They need the details."

Nilapag ko sa lamesa ang basong pinag-inuman at saka tumango. 

Saglit na lumabas si Geraldine upang tawagin iyong mga pulis. Ang ideya na kailangan kong idetalye ang nangyari kanina ay humihiwa na sa puso ko. Ngunit ang makitang nakasunod si Diamond na mukhang makikinig sa interogasyon ay parang tuluyang nang mabibiyak iyon. 

"Miss...?" anang isang pulis na nakaupo sa tapat ko. 

"R-Riem po."

"Okay, Ms. Riem. Kailangan namin malaman kung ano'ng nangyari. Inaasahan namin ang kooperasyon mo."

Napabaling ako kay Diamond na nasa may bandang likuran na matamang sinusundan ang bawat kibot ko. I forced to remove him from my vision and just pour my whole attention to the police when they began asking questions. 

Una nilang tinanong sa akin ay iyong nangyari sa Kyoto, hinihingi ang kumpirmasyon na hindi ito ang unang pagkakataon na pinagtangkaan ako ni Yuki. I was shocked and confused but I still managed to confirm it to them. 

Sumunod na tinanong ay kung gaano ko kakilala ang lalaki. Ibinigay kong lahat ang alam ko tungkol kay Yuki, but of course I didn't include the private ones. Respeto man lang sa kaniya bilang tao. 

Hanggang sa itinanong na sa akin kung ano-ano ang pinaggagawa niya sa akin. 

My body recommenced shaking. 

"A-Ang naaalala ko lang po... U-Umiinom ako sa bar counter n-nang bigla niya akong pilitin na pumasok dito. I-I rejected him and answered no many times yet he still continued forcing me. Mabilis ang p-pangyayari a-at... nahihilo ako kaya pagdilat ko nasa loob na ako..."

Ang nagtatanong na pulis ay matiyagang nakikinig sa mabagal at garalgal kong pagsasalita. While the younger one who was sitting beside him was jotting down on a tiny note pad.

"I-I tried to go outside but he suddenly..." Kinagat ko ang labi nang ubod ng diin nang rumolyo ang mga bilugang tubig-alat hanggang sa baba ko. "B-Bigla na lang po akong inatake at hinalikan."

Nahihiya man ay binalingan ko si Diamond na nakatitig sa akin, kahit na madilim ang mga mata'y kay daling mapansin ang sakit na naglalakbay doon. Nang magpatuloy ako ay pumikit siya nang mariin. 

"Nagsisigaw ako ng tulong pero walang makarinig s-sa'kin. W-Wala na po akong nagawa nang hawakan niya ako kung saan-s-saan–"

Naiwan sa ere ang mga susunod na salita nang mamataan ko ang pagtalikod ni Diamond. Dumiretso siya kay Geraldine na nasa kabilang gilid at may sinabi rito na hindi ko nakuha. Tumangong payak ang babae.

Tila hindi na makakaya kung magtatagal pa, dumiretso palabas ng silid ang lalaki. Hindi nakatakas sa akin ang pagpupunas niya ng kung ano sa mukha bago sinara ang pinto na nilabasan. 

The police demanded me to resume when Geraldine interrupted, asking them if the things I had mentioned is enough. Nakisuyo pa ang babae na kung sana ay huwag nang magtanong pa dahil maapektuhan ako ng pag-alala sa nangyari. 

Malungkot akong sinulyapan ng pulis bago ito pumayag. Umalis sila sa Hotel bitbit si Yuki. 

"U-Uh... I'm sorry. I am very willing to drive you home but... kasama ko kasi sila at puno na kami. Dapat kasi ay kasabay sa isang sasakyan si Daphnie pero naiwan. Ngayon, sasabay siya sa amin." Geraldine aimed the group of ladies at the opening of the bar. Papasok na sila ng elevator, hinihintay na lang si Geraldine. "Pero puwede naman palang ano... puwedeng may maiwan tapos balikan na lang–"

I flashed a little smile and shook my head. 

"Hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa," sagot ko na ayaw ng makaabala pa.

After the police captured Yuki, the heaviness in me somewhat blurred. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kaya ko na ang sarili ko 'di katulad kanina na hindi ko mahagilap ang sariling katinuan. 

Ngunit ang pagyayanig ng kalamnan ko at ang hilakbot ay hindi pa rin tuluyang napapawi. Habambuhay na yatang tatatak sa isipan ko ang bangungot na ito. 

"H-Huh? Naku, hindi magandang mag-isa ka lang! Ano'ng oras na..." She trailed off when she threw a glance at my back. Unti-unting kumupas ang determinsyon sa mukha niya na huwag akong pakawalan.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya pauwi," boses ni Diamond mula sa likuran ang narinig ko. 

I faced him. Ngunit laking gulat ko lang nang mapansin ang ga-kukong distansya namin! Kung hindi ako napaatras ay tiyak na nakalapat na ang mukha ko sa dibdib niya. I turned my back again as my heart pounded hard. 

Iba ang tibok ngayon sa tibok na naramdaman ko kanina habang nanghihingi ng saklolo.

Tibok na kahit maingay at malikot, nakapaghahatid ng kapayapaan.

"Oh okay. U-Uh, sige, Riem. Una na kami. Ingat, ah." She eyed Diamond and gave him a nod. Animo'y nagsasabi na siya na ang bahala sa akin at ingatan ako. 

Nang mawala ang kaibigan sa harapan ay hinarap ko si Diamond. I was about to thank him for what he did earlier but he immediately walked towards the elevator, leaving the bar. 

Hindi bale na. Mamaya na lang. 

Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Tumunog ang hudyat na nasa tamang palapag na kasabay ng pagkonsuma ko ng hangin. Sa sobrang lutang, nang pakawalan ko iyon ay nasa harapan na kami ng Trump Tower. 

Nilingon ko si Diamond na diretso lang ang tingin, payapa ang mga paghinga. 

"D-Diamond..." tawag ko. 

"Hm?" kasa niya nang hindi pa rin ako binibigyang baling. 

Napabuntong-hininga ako at tinantanan na rin ang pagtitig sa kaniya. I, in lieu, looked at the entrance of the building. My eyed widened when I saw my mother on the lobby that's very discernable from my spot. Palinga-linga siya na parang may inaabangan.

Natataranta kong kinuha ang cellphone mula sa bag at noon ko pa lang nabasa ang mga mensahe ni Mommy sa akin. 

Mommy:
Anak? I've heard from your friend that you're at I'M Hotel? And I heard from Esperanza that there's a trouble happening there? Hindi ako tumuloy diyan sa club for I don't want to embarrass you. Hence, I'm waiting here at the lobby of your condo. Please tell me you're okay, anak. Nagwoworry ako..

I bit my lower lip. 

Wala ako sa mood na ulitin ang pagsasalaysay ng nangyari kanina. 

"Would you like to have coffee with me?"

Sa tanong kong iyon nahila ang tingin niya. 

Hindi man siya lingunin ay alam ko na nagitla siya sa paanyaya ko. 

Patuloy ako sa pagngangatngat ng labi habang nagtitipa ng responde sa ina, kinakabahan sa matagal na pagtugon ng lalaki. Inabala ko ang sarili sa cellphone. 

Dayamanti:
Yes, Mommy. I'm okay. Wala pong nangyaring masama sa akin. Umuwi na po kayo dahil hindi ako makakauwi sa condo ngayon. I'm at Ellaixa's house and I'll spend my night here po. Sorry. 

Nag-alinlangan ako sa pagpindot ng send pero sa huli ay ginawa ko na rin. Ang sunod kong ginawa ay tinext si Ellaixa tungkol sa sinabi kong palusot kay Mommy at sinabihan siyang pagtakpan ako. 

Sumasakit pa rin ang puso ko sa nerbiyos. Hindi pa rin nagsasalita si Diamond. 

Kasabay ng pagtunog ng cellphone ko ay siyang pagtayo ni Mommy at pagtungo sa elevator. She's probably heading to the parking lot. 

Mommy:
It's alright, mahal. Knowing you're safe and free from trouble is enough. Enjoy your night with your friend. I love you. Sana next time sa bahay ka naman natin matulog..

"Dayamanti, are you serious?" Sa wakas.

Pinatay ko ang phone at seryosong binalingan ang nasa driver's seat nang sa gayon ay maipakita na seryoso ako. I upheaved a brow. 

He wetted his lips. 

"Alam mo ang sagot ko..." marahan niyang sambit, medyo nakayuko ang ulo, ingat na ingat sa bawat kilos at salita. "I'm the one who should be asking."

Napakurap-kurap ako. Kasing bilis ng mga pagkurap ang pintig ng puso kong nagrerebelde sa loob ng hawla nito. 

"Dayamanti, do you want to drink coffee with me? Just like the old times...?" sobrang lambot ng tinig niya ay parang hinihipan ako pabalik sa masasaya naming nakaraan. 

I put down my gaze.

"O-Of course... T-To thank you for what you did earlier..."

Iyon ang naging katapusan ng usapan sa loob ng sasakyan. Nang makapasok kami sa unit ko ay bigla na lang ako naliyo, nagsisisi na inaya siya na uminom ng kape kasama ako. Gusto ko siyang pauwiin na at huwag nang patuluyin ngunit pakiramdam ko ay sobra naman iyon. Baka akalain niya na niloloko ko siya at pinaglalaruan porque alam kong hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya sa akin. 

"Y-You don't like your coffee sweet and creamy, right?" tanong ko sa lalaking nakaupo sa kabilang bahagi ng counter top. Ginamit ko ang kaliwang kamay upang patigilin ang lumilindol na kamay na naghahalo ng kape. 

Tumango lang siya. 

I breathed heavily before shooting a topic. Hindi ko na kasi talaga kinakaya ang katahimikan. 

"Buti ay nasa club ka kanina?" 

Nagsimula akong magtimpla ng para sa akin naman. Hindi ko muna inabot ang sa kaniya dahil ayaw niya ng sobrang mainit na kape. Palamigin ko muna nang kaunti. 

"I heard about the reunion."

Napatigil ako sa pagscoop ng krema sa narinig. 

What?

"I tailed the two of you when you entered the room in your painting shop. I secretly listen to your conversation with the rascal." Magaspang ang pagkakaturan niya sa huling kataga. 

Hindi ko siya makapaniwalang minata. Naaalala ko na naroon nga siya noong araw na sinabihan ako tungkol sa reunion pero hindi ko alam na pumuslit siya upang makitsismis! Sa huli ay ipinagkibit-balikat ko na lang. Hindi ba't ayos na naroon siya?

Natahimik kaming muli. Nagdadalawang isip ako sa susunod kong tanong ngunit sa huli ay hindi na nakayanang ikulong iyon sa sikmura. 

"May relasyon ba kayo ng kapatid ko?" Kasing pait ng kape niya ang paraan ng pagkakatanong ko. 

"What?" He was astounded. 

"A-Ang dalas ko kayong nakita nitong mga nakakaraan na magkasama... Nagkikita kayo sa harapan ng–"

"Wait, what? I... I don't understand it, Dayamanti. Paanong nasama si Juanie sa usapan? Or... is it Junio...?"

Nangiwi ako sa sinabi niya.

"Hindi si Juanie... at mas lalong hindi si Junio." I paused. "S-Si Dyana."

His head tilted in astonishment and confusion.

Huh? Hindi ba niya... alam?

"K-Kapatid ko si Dyana..."

"What..."

Hindi nga niya alam! 

Hindi sa kaniya sinabi ni Dyana! Hindi nababanggit sa kaniya! Kaya pala noong nakaraan ay umaasta siyang hindi kami magkakilala!

Inangat ko ang tasa ng kape niya upang maibigay na sa kaniya iyon ngunit sa pagkakabalisa at kaba, dumulas iyon sa hawak ko. 

"Oh my–" I rattly arched my back to pick up the shards.

"Don't!" Diamond yelled but it was too late. 

Napaatras ako nang mahiwa ako ng bubog. I masticated the insides of my cheeks as I felt the sharp sting of the long cut. 

Agad akong dinaluhan ni Diamond at mabilis na sinilip ang daliri kong nagdurugo. 

"Jesus Christ... Hindi kasi nagdadahan-dahan, e!" yamot niyang hiyaw.

I frowned. Pinagalitan pa 'ko.

"Where's your first aid kit?" aniyang natutuliro, hawak ang kabila kong kamay, hindi alam kung saan ako dadalhin. 

Dios ko, hiwa lang 'to, e!

"Kape lang ang katapat nito."

He eyed me irritably. 

"Where's your first aid kit?" he asked roughly, getting impatient. 

"D-Doon sa sala..." 

Wala na akong nagawa nang kaladkarin niya ako patungo roon. Pinirmi niya ako sa sofa at saka kinuha iyong medkit. 

"Don't you ever pick up the shards with bare hands again," pangangaral niya habang marahang dinadampi ang bulak na may betadine sa sugat. 

Palihim akong napangiti. Galit ang boses niya ngunit ang mga mata niyang nakatanaw sa ginagamot ay tigib sa karahanan. 

"Gusto rin kitang bawiin," saad ko na ikinatigil niya sa panggagamot.

Napalunok ako nang magkabunggo ang aming tingin. 

Malakas ang loob ko ngayon dahil alam kong wala silang relasyon ng kapatid ko. Kilala ko si Diamond. Mapaglaro at mahilig sa lantiran. Dati. I'm aware of that because I was there while he was growing up. I was with him as he was building up his character. Hindi siya iyong tipo na pinagsasabay-sabay ang mga babae. Mataas ang tingin niya sa salitang respeto at pagpapahalaga. 

Thus, with the fact that he left Dyana earlier to attend to me, the fact that I didn't get to see her when we got outside the private room and the fact that he is now with me, taking care of me, it's obvious that there's nothing going on between them.

"Ulit, Dayamanti?" 

"H-Hindi ba at sinabi mo kaninang gusto mo akong bawiin? Diamond, g-gusto ko rin. Gusto rin kitang bawiin."

When his eyes sparkled in wetness, I surrendered. Walang proseso ng pamumuo, sabik na kumawala ang mga luha. 

"Diamond, s-sorry... Sorry, sorry, D-Diamond." Inuga ko ang ulo habang walang kapagurang humihingi ng tawad. Nang mamataan ang pagdaan ng sakit at hirap sa mga mata niya ay mas lalong lumakas ang panaghoy ko. "Sorry... Diamond..."

Inabot niya ang mga nangangatog kong kamay ngunit mabilis kong iniwas sa kaniya iyon. 

"Hindi ko alam kung saan ako k-kumukuha ng lakas ng loob para sabihing... g-gusto kitang bawiin... na... m-mahal na mahal na mahal pa rin kita gayong umalis ako nang walang matinong paalam... N-Na... hindi man lang ako nagdalawang-isip noong nakita kitang n-naghahanap sa harapan ng Kimono Forest. Hindi man lang sumagi sa isip ko n-na... babain kita no'n... Sorry, Diamond for... being selfish... for being D-Dayamanti..."

Umiling-iling siya. "Baby..."

He once again reached for my hands but I immediately buried my face onto it, elbows are weakly standing on my knees. 

"Diamond... n-napagod lang din kasi ako, e. N-Noong mga panahong iyon, iyong wala ka... iyong mga panahong... nag-iisa ako... D-Diamond, napagod ako. Hinahabol ako ng dilim. N-Natakot lang ako.  N-Napagod lang ako. Kaya tinakasan ko ang lahat, Diamond..." 

Lumakas ang pagtangis ko nang marinig ko ang pagpipigil niya ng mga hikbi. 

"Sorry... k-kasi tumakas ako nang hindi ka kasama. H-Hindi ko namalayan na... i-ikaw pala sasalo noong dilim na t-tinakasan ko. Hindi ko man lang namalayan na... sa'yo pala napasa lahat ng sakit na iniwanan ko... S-Sorry, D-Diamond... Sorry... k-kasi... sa tuwing nag-iisa ako, parati kang nasa tabi ko. P-Pero noong ikaw naman ang nakaramdam ng pag-iisa, n-nasa malayo ako at bumubuo ng plano para s-sa kinabukasang h-hindi ka kasama..."

Nang magsimula ako ng bagong buhay, inalis ko na si Diamond sa isip ko at puso. Habang iniisip niya kung saan ako napadpad, pinaplano ko ang kinabukasan kung saan sarili ko lang ang laman.

Naalis ang mukha ko sa pagkakabaon nang kuhanin iyon ni Diamond at mahigpit na hinawakan. I bit my lip as I watched his tears shamelessly roll down his cheeks. 

"I-Iyong Papa ko lang ang totoo kong magulang, Diamond. H-Hindi ko kapatid si Juanie't Junio... Ang Mama..." 

Nagpakita ang gulat sa ekspresyon niya habang isinasalysay ko ang lahat ng sikreto ng nakaraan ngunit hindi rin nagtagal. Natabunan iyon ng mas matindi pang lumbay.

"Iyong gabing iyon... my biological mother took me back... E-Everything back then was dark and blurry. P-Para akong nawala sa sarili. Idagdag pa ang pagkakakulong ng mga magulang kong nagpalaki sa akin na mahal na mahal k-ko... I-Iyong mga kapatid ko na minahal ko nang sobra.... n-nawalay din sa akin. N-Nawala ako, Diamond... Nawala lang ako. At sa paniniwalang mahahanap ko ulit ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-alis, umalis ako. Nabawi ko ang sarili ko, naiwala kita."

Marahas na umiling-iling si Diamond, bumibilis ang paghinga. He let go of my hands and advanced a bit. I stiffened when he buried his face on my neck and wrapped his arms around my waist. He started whispering the word I've been uttering. Sorry.

"You suffered all of that a-alone? Fuck... I'm sorry, Dayamanti. I... I didn't know..." Nasinok siya sa sobrang pag-iyak.

Mariin akong pumikit at hinayaan ang mga luhang magbagsakan sa buhok niya habang pinakikinggan ang nangyari sa kaniya sa gabing iyon.

"That night..." He gasped. "We agreed to meet in your most favorite place in Kyoto. I... I waited. I fucking waited, having no idea that you already left."

"I went to Arashiyama and was not able to find you. T-Then, to your apartment and saw the things you left." Matagal ang hinto na ginawa niya, sumasagap ng hangin upang makapagpatuloy. "Alalang-alala ko pa ang ayos ng mga iyon. P-Paano ba naman kasi ay binabangungot ako gabi-gabi noong mga gamit na tanging naiwan sa akin... The letter that was written by you was placed beside my cap."

Bawat pagbasag ng boses niya ay siyang pagkabasag naman ng puso ko.

"I read it. Then, I fucking cried." Mapait siyang nagpakawala ng magaspang na tawa. "That was when I lost myself. And that was when I knew I died. Dahil Dayamanti, sa unang silay ng ngiti mo na dumirekta sa akin, itinakda na ng kaluluwa ko na ikaw ang buhay ko. Kaya noong mawala ka sa hawak ko, kinuha ng langit ang buhay ko." 

"I was selfish, too, and I-I'm sorry. I planted anger, I doubt your love, I blamed you for losing myself. Naging makasarili rin ako... I was not on your side when you experienced your darkest night. I'm sorry... Dayamanti..." He removed his hold of me and lifted his head. 

I positioned a hand on his jaw ang caressed it lovingly. Pumungay ang mga mata niya.

"You wrote in the letter that the time given to us was enough for you. Dayamanti, I don't care if this will sound ungrateful but forever is still not enough for me."

Nanghina ako sa karubduban na nakadisenyo sa mga tsokolate niyang mata.

"How I wish there's still a point of time beyond forever. So I could give you the love that's more than what you deserve."

After he said that, I leaned closer to him and pressed my lips against his. He was caught off guard at the first flicks of my lips but he quickly regained his consciousness to reciprocate my kisses. A smile crept on my lips as a single tear escaped from my eye.

Ang mga malalambot na labing iyon ang nagsilbing sandata na pumuksa sa emosyon na nanirahan sa akin sa loob ng mahigit na anim na taon. Kapanglawan.

The familiarity of the lips' movement, the familiarity of the bite's softness and the familiarity of the mouth's taste brought me back to the place where I truly belong.

Sa kapayapaan ko. Kay Diamond.

Uhaw sa hangin akong huminga nang pakawalan namin ang labi ng isa't-isa. Ganoon din siya.

But unlike me, he wasted the breath he collected and saved in talking.

"Gabi-gabi akong nangungulila..."

Sinaglit niyang paglapatin ang aming mga labi. "Sa mga labi't halik mo." His kisses plummeted to my bare neck.

His lips were languidly touching my skin as he was siniffing on it. He whispered, "Sa halimuyak mo."

Itinaas niya ang ulo at tinapatan ako ng tingin. "Sa mga matang nagparamdam sa akin ng tunay na tahanan."

Namungay ang mga mata ko sa winika niya. Hindi ko alam kung saan ako naliliyo. Sa tinig ba niyang pawang hinehele ako o sa dagundong ng puso kong kulang na lang ay ipakita ang sarili sa kasama.

"Ngunit kahit na nangungulila, gabi-gabi pa rin akong namamanata." His tongue wandered around his lips. "Na kahit makahanap ka ng iba, na kahit magmahal ka man ng iba, na kahit mag-isa na lang akong lumalangoy sa karagatan na binuo nating dalawa,"

His bloodshot eyes emancipating the thunderbolts of woe, his nose releasing the breeze of aged solitude, his agape mouth freeing the forlorn breath.

Mga patunay na sakdal ang kaniyang ginawang mga pagpapanata.

"Sa'yo at sa'yo lang ako. Parati."

At sa gabing iyon, napagbigyang muli ng pagkakataon na sumiklab ang mga damdaming nilaon ng matagal na panahon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 37.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
2K 157 24
Band Series #2 || Traumatized by daunting experience, Yzel cannot withstand the touch of a man and found herself setting boundaries with them. Nihan...
8.3K 506 55
"Gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa paraan ng pagkanta niya ngayong hating gabi, pero umaasa ako na isang araw, masilayan ko siya, sa umaga, k...
478K 10.9K 60
MUSIC BROUGHT THEM TOGETHER. Huling taon na ni Chord at ng kanyang banda sa CCPA. Konting tiyaga na lang at magbubunga na rin ang matag...