Art In His Breath (Japan Seri...

De whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... Mai multe

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 33

719 46 24
De whiskelle

Chapter 33

I went to Busilak Art Workshop earlier than usual the next day. Nasa likod pa lang ako ng pintuan ng silid, matutukoy na wala pang tao dahil sa katahimikan. Aga pa kasi. But my entrance proved me wrong.

My eyes broadened as I saw Diamond inside! Nang ma-feeling-an ko ang papalapit niyang pagsaulyap sa akin, I returned the normal pace of my steps that became slower after I went inside the room and darted my gaze at the stock room where I was heading.

Sa buo kong paglalakad ay walang kaluskos na naririnig na ang ibig sabihin ay tumigil ang lalaki sa pag-aayos no'ng mga upuan. And that means, he was doing nothing but watching me walk. Muntik-muntikanan pa tuloy akong mawalan ng balanse!

Dios ko naman, Riem! Paglalakad lang!

Inilabas ko ang ilang painting materials at ipinatong sa mga lamesa na siya namang inaayos ni Diamond. Buong oras ay tikom ang mga bibig namin hanggang sa nagsidatingan na ang mga estudyante.

Time flew as hasty as a flash. The moment the hands of the clock pointed at the starting time of the classes, I uncomfortably positioned in front of the students.

Gaya ng napag-usapan kahapon, ipepresent ng mga bata ang kanilang mga gawa isa-isa sa harapan.

"Ako po, 'Cher, I painted strawberries because I super like them! Love ko na nga e! Masarap po kasi!"

Binaba ko ang tingin sa canvas na hawak ni Marigold. At first glance, I thought it was a blush-on of a doll. Iyon bang bilog na bilog. Pero kahit papaano naman ay makikita ang strawberries doon.

"Really? I love them, too!" I commented.

And because kids are kids, they overreacted over it.

"Talaga ba?!" si Jolo na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga kaklaseng nagkukuwentuhan tungkol sa nabanggit na prutas. Huminto ang kaniyang mata kay Diamond.

Napatikhim ako nang madaplisan ng tingin ang pagtango ni Diamond.

Wala pang kalahating oras ay natapos na ang pagpe-presenta. Kasunod noon ay discussion na siyang dahilan para mapabuntong-hininga ang mga bata. Well, their disappointments would not change a thing. Isa't-kalahating oras ang nagugol noon. Sumunod naman ay ang recess.

"Ma'am, ito po, oh." Inabutan ako noong staff ng isang mamon at chuckie na inumin na nasa karton.

"Salamat. Kayo rin kumuha na ng sa inyo."

I acknowledged her response before heading out the area. Subalit nasa tapat pa lamang ako ng eating zone ay pinagtatawag na ako ng mga bata.

"'Cher, sit with us! The more, the merrier!"

Sumang-ayon naman ako. At huli na nang mapagtantong nakahalo nga pala si Diamond sa kumpol ng mga batang ito! At ngayon ay pinapaupo pa ako sa tabi nito!

"Uh..." Dumapo ang tingin ko kay Diamond na nakatalikod sa akin, simisipsip sa chuckie.

I sighed.

Walang problema sa kaniya. Dapat ay sa akin din.

I inserted my legs into the space between the chair and the table. Medyo makitid iyon kaya't hirap na hirap ako. Gustuhin ma't hindi, napakapit ako sa balikat ni Diamond upang kumuha ng suporta. Ayaw ko naman na ipatong ang bigat ko sa batang nasa kabilang side! Baka mamaya ay tumuwad patalikod!

I cleared my throat and mumbled, "Sorry..."

"It's fine," he simply returned and recommenced sipping on the chocolate drink.

The children were loud but I could still hear my scandalous heartbeats. No matter how hard I try to tighten my shoulders, it still wouldn't stop from brushing onto Diamond's!

Lalong dumagundong ang kalamnan ko nang ilahad ni Diamond ang kamay sa harapan ko. Tiningala ko siya. Our eyes locked.

"H-Huh?"

Sinilip niya ang hawak ko na siyang tinunton ko ng tingin.

"Kaya ko naman... 'tong buksan," I said, referring to the chocolate drink.

Hindi na siya nagpumilit pa tungkol doon. Ipinagpatuloy ko ang pagtusok sa bilugang foil gamit ang nanlalambot na straw dahil sa kanina pa ito bumubundol sa karton. I hid my rubescent face with my short curly brown hair when I had too much attempts doing it but nothing happened.

I bit my lip and faced the man beside who was keenly watching me as if my situation is a great movie.

"P-Pabukas na nga..."

I handed out the chuckie to him. I saw how he shrouded a smile through wetting his lips. Kinuha niya mula sa akin iyong inumin. Sa isang tarak, pumasok iyong dilaw na straw sa loob ng karton.

"Thank y-you."

"Always welcome," anito at saka ipinagpalit ang mga mamon sa harapan namin.

Nayupi ang noo ko at aktong tatanungin siya nang mapansin ang palaman ng mamong ipinagpalit niya. The fruit sandwich in front of me now has strawberries in it. Iyon dapat ang kay Diamond. Sinilip ko ang dapat na sa akin na nasa tapat niya ngayon, kiwi ang palaman.

Did he switch the sandwiches in purpose? O baka naman hindi niya namalayan na napagpalit niya?

Bahala na! At least ay napunta sa akin ang strawberry!

I squinted my orbs at the strawberry-flavored dutch mill in front of me. Afterwards, it flew to the orange-flavored one that is now in front of Diamond.

If yesterday, I was doubting that he just switched our sandwiches accidentally, today, I am beyond certain that he is doing it on purpose.

"Uh... Akin 'yan?" I used my lips to point the carton of orange yoghurt juice.

He stared at my protruding lips before eyeing the thing it was pointing. He picked up the carton and pulled the straw glued on it. I difficultly gulped when he placed the straw shielded with plastic between his white teeth and tugged it. Itinuhog niya iyon sa juice at sinimulang uminom.

Nakakaasiwang panuorin siyang humigop at lumunok kaya't nag-alis ako ng tingin.

"You love strawberries, don't you?"

Binalingan ko siyang muli. Nakakulong pa rin ang straw sa pagitan ng kaniyang mga ngipin.

"Oo. Pero gusto ko kasing subukan ang orange. Hindi ko pa 'yan natitikman kaso lang ay inagaw mo," ika ko na hindi naman totoo. Gusto ko lang na tigilan niya ang pagpapalit ng mga pagkain namin. Masyado niyang pinapahalata na may paki pa rin siya sa akin.

His jaw dropped right after I uttered it. Umikot ang straw na kumawala sa bibig niya.

"Uh, I'm sorry I didn't know-"

"It's all fine." Sinulyapan ko ang juice sa harapan ko na hindi pa bukas. "I'll just drink this-"

He shook his head and licked his lips in a quick manner. "Do you want the orange-flavored one?"

Umangat ang kilay ko nang ilapit niya sa mukha ko ang juice na ininuman na niya.

What? Does he think I will drink the juice that has his saliva in it?

Gayunpaman, inabot ko ang juice dahil mukha na siyang nangangawit. Ngunit laking pagkakabigla ko lang nang bawiin niya iyon at mayuming nagpalabas ng halakhak.

"Huh?" Naguguluhan ko siyang minata.

"What I meant is, do you want me to get you an orange-flavored juice like this...?" His eyes were twinkling in laughter. "... 'Cher...?"

Dali-daling bumulusok ang kahihiyan sa kaloob-looban ko. I could feel the scorching heat of my entire body!

Huh! Ano! Inilapit niya kasi sa akin 'yong juice! Ang akala ko tuloy ay iyon ang gusto niyang ibigay!

"Are you trying to get this from me?" he amusingly questioned. "'Cher, may laway ko na 'to. Pero kung hindi ka naman maselan..." he trailed off with a mischievous smirk.

Tumayo ako dahilan kung bakit natigil ang lahat ng nasa lamesa sa pagsasalita. Gumuhit ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Recess is over in ten minutes. Finish your foods already," anunsyo ko at saka tumungo sa opisina ko.

Napahiya ako ro'n, ah!

I went straight to the couch and massaged the both of my temples. Ayaw nang pumasok ulit sa silid kung nasaan ang nanggisa sa akin, tinawagan ko ang isang teacher's aide sa pamamagitan ng phone call. Sinabihan ko na siya na muna ang manguna sa klase dahil wala pa ako sa sariling huwisyo. At hindi ko alam kung kailan ako nito babalikan.

"Alright, Ma'am, ako na po ang bahala. Kami na po ng mga staff ang bahala sa mga bata."

"Okay. Thank you."

"No problem, Ma'am."

After eating the snacks, I took a nap. Kagabi kasi ay napuyat ako kakaisip sa mga mamon na ipinagpalit ni Diamond. Aba hindi ko rin alam! Hindi ko alam kung bakit ginugulo ng walang kakuwenta-kuwentang bagay ang isip ko! Maaga pang nagising! Ang dadatnan naman sa trabaho ay iyong gumugulo ng isip ko!

At pati sa panaginip ay siya ang laman!

"Huh?" Napanganga ako habang nilalalakihan ang mga mata, sinusubaybayan ang pigura ni Diamond sa harapan ko.

He cocked his head as he pursed his lips. Ang nanghihiwa niyang tingin ay nagpagising sa akin sa katotohanang hindi pala ito panaginip!

"W-What are you doing here?! K-Kanina pa ba riyan?!"

Isang pagtikhim ang balik niya at hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin.

I rapidly wiped the drool on my face but thankfully there was none! My fingers repeatedly combed my hair as my another hand stretched the crumpled ends of my yellow frill belt dress.

"You should be in the class, assisting the kids and helping the staffs! Why are you here?" istrikto kong tanong.

"There's–"

"Good aftie, world! Good aftie, my peachypeach!" si Ellaixa mula sa labas na tuloy-tuloy sa pagpasok sa opisina ko.

My brows met when she gave me a kiss on the cheek. Nilipat ko ang tingin kay Diamond na hindi mawari kung anong ekspresyon ang nakaplaster sa mukha. It seemed like he wanted to butt in but was hestitate to do so.

"Bakit ka nandito?"

Ellaixa's pretty and pouty lips arched downwards with my welcome.

"I told you last Monday that I will visit, duh?"

Umasim ang mukha ko. Tutuloy pala talaga siya!

"Hindi pa tapos ang klase ko. Ano ba kasi ang pinunta mo rito?" pagtatanong ko kay Ellai.

Hayaan ko nga si Diamond sa likod! Maghintay siya ro'n!

"Ah, yes!" She chortled. "Naalala mo 'yong plano mong blind date but naudlot because you agreed to help me with my deal with Danilo Vidales?"

Napabahagi ang bibig ko. Hindi dahil sa naalala ko iyong palusot ko iyon kundi dahil nakikinig si Diamond sa likuran! Lumipad ang tingin ko rito at nakita ang nakabalantok niyang kilay habang nakatitig sa sahig.

"A-Ah..." bahaw akong natawa. "Hindi naman totoo-"

"So ito na nga! Since medyo, you see, naguiguilty ako dahil ako ang rason kung bakit dumulas pa sa kamay mo ang isang potential boyfriend, I have set you in a blind date. Ngayong lunch na! The guy is a friend of a friend! 'Di ba you once mentioned that you like Japan that's why you are fond of making Japan the setting of your paintings? I have a big great gift for you!" She drummed on the air as if she's producing a suspense sound. "The guy is from Japan! Half-half, sis! JaPinoy! Roar!"

"Ellai!" saway ko nang itaas niya ang kaniyang pinky finger at itinusok ang kuko ng hinlalaki sa unang hiwa.

"Oops!" She covered her mouth with the back of her hand. "Totoo naman kasi! Sa hentai lang mahaba-"

"Ellaixa," I warned, hindi makatingin sa lalaki sa kaniyang likuran.

Ellaixa did not see Diamond earlier when she entered the office for sure! She would absolutely suppress her vulgar mouth if she knew that we're with someone!

"Cancel it. Ayoko makipag-blind date-"

"Huh! But you were so eager-"

"H-Hindi, ah!" I defended when I felt the man's eyes on me. Isang silip ay nasaksihan ko ang mahigpit na pagtiim ng kaniyang panga. "Ano ka ba naman! Alam mo naman work f-first ako, hindi ba?"

"Hindi. Dati kaya ayaw mo pa ako pagbigyan sa pagpinta kay Rhett Vidales kasi may ka-blind date ka kamo! I'm too young to be forgetful, 'no!"

My eyes automatically shut when she cotinued pursuing me about the date she set up.

"Sige na! Gusto mo ba pakita ko sa'yo ang picture? Guwapo! Magugustuhan mo, sure ako! Kaso lang hindi na blind date tawag do'n!" Napalabi siya.

"Busy ako–"

"Hala Riem naman! Don't tell me you'll let my effort go to waste?"

I narrowed my eyes at her. Guilt-tripping me now, huh?

She sighed heavily. "Sayang naman 'yon... Isiningit ko pa naman sa tight schedule ko no'ng nakaraan kasi akala ko gusto mo at papayag ka..."

"E..."

Kung pumayag ka na kaya ako? Minsan lang naman?

"She can't make it," hindi na napigilang hindi sumingit ni Diamond.

Napanatag ako sa tulong na hatid niya ngunit nagkabuhol-buhol ang kasalukuyang sitwasyon sa sumunod niyang piangsasabi.

The wide-open eyes of my friend traced where the voice came from. Nang makita si Diamond ay matuling binalik sa akin ang tingin.

"Why is he here?" she mouthed.

"Substitute ni Ate Slen."

"A-Ah, oo nga pala! Nag-out of the country!" Hinarap niya ang lalaki. "Rhett, hello!"

"Hi. Ellaixa, right?"

"A-Ah..." Her voice wavered. "Yes! Ellaixa! Right! Uh... what did you say? I sorta didn't get it."

Diamond gazed me. "She can't make it. We will go to her studio later."

My eyebrow upheaved.

Huh? May napag-usapan ba kaming ganoon?

"Studio?" I asked, puzzled.

Pinaglipat-lipat ng kaibigan ang tingin sa aming dalawa, hindi maintindihan kung bakit hindi kami nagkakaintindihan.

"Yes. My potraiture... I'm gonna get it."

"Ipapadala ko na lang–"

"No. May oras naman ako para pumunta roon at para kuhanin. Nakakapaghinayang din ang delivery fee na babayaran mo kung pipilitin mo. Tama?" Kinunutan ko lang siya ng noo kaya naghanap ng kakampi na sasang-ayon sa sinabi niya. "Right, Ellaixa?"

"O-Oo!" Ellaixa agreed with no tint of reluctance. "Oo nga naman, Riem! Saka malapit lang din naman ang condo mo from here? Walang masasagabal! Rhett's idea is an advantage for the both of you pa nga e! Ikaw, hindi na mapapagastos. Siya, makukuha kaagad ang painting!"

"Right," ang lalaki na taas-baba pa ang ulo.

"So what will happen to the lunch date you planned for me?" Humalukipkip ako.

Napaawang ang labi ng babae.

"Wala ng date-date!" si Diamond ang sumagot.

Pinagbalantukan ko siyang muli ng kilay. Akala mo naman siya kinakausap!

"Bakit ka ba narito, Kuya?" patuya kong kasa sa lalaki.

"Ah, 'Cher..." He smirked when he saw my face ruckle up. "Your students are all done painting. The TA asked me to go here and ask you if they can dismiss the class already."

Para hindi na humaba ang usapan, "Sige! Pauwiin na!"

"Alright." Aktong lalabas na ito nang napatigil. Ang mga mata niya ay tumuon sa akin.

Ano na naman kaya?

"By any chance, do you want us to go to your studio together?"

Napanganga ako.

Really, Diamond? In front of my friend?

Ano na lang ang iisipin ni Ellaixa tungkol sa amin? Ito pa naman ay mahilig bumuo ng kung ano-anong haka-haka sa isip!

"Pumayag ka na, Riem. Wala ka namang sasakyan. Sayang naman kung magtataxi ka pa if there's someone naman who's willing to give you a ride. Sa akin lang, ah..." inosente ang pagkakasabi niya noon.

Baka wala naman talagang malisya roon at ako lang ang nagbibigay?

"Hindi rin kasi kita maipagdadrive if ever. I need to go see someone," she added.

Umalis ang dalawa pagkatapos na pagkatapos din noon. Bago umalis ang kaibigan ay pinaalalahanan ako tungkol sa blind date na imomove na lang ang petsa dahil siya ang nanghihinayang sa guwapo at mayamang lalaki. Hindi na ako nagkaroon pa ng tiyansa na tumutol dahil si Diamond ang umookupa ng isip ko.

I want to curse life for being mean to me. Hindi ko alam kung anong laro ang nilalaro nito. Kung anong gusto ko, iyon ang ipinagkakait. Kung ano namang ayaw, iyon ang inilalahad.

"Mailap ang mga taxi ngayon lalo na at rush hour. Katanghaliang tapat," si Diamond na nakasilip mula sa loob ng kaniyang magarang itim na Lexus. "Our destination is just the same. Sumabay ka na sa'kin."

Inirapan ko siya at binalik ang tingin sa daan na tila inabandona na.

Dati ay pakalat-kalat ang mga taxi rito, ah! Bakit nakikisabay na naman ang kalupitan ng kapalaran!

Diamond patiently waited with me. Pursigido ako sa unang kalahating oras na paghihintay ng masasakyan. Hindi ko lang alam kung papaanong nakaupo ako ngayon sa passenger seat ng kotse niya.

"P-Puwede bang pakilakasan pa ang aircon..." I shyly asked when the bullets of sweat continued rolling down my neck. Pati sa gitna ng dibdib ko ay ramdam na ramdam ang pagdausdos ng mga iyon.

I got my handkerchief and used it to expunge the beads of perspiration on my bare upper chest as Diamond adjusted the temperature of the air condition. Isiniksik ko pa ang panyo sa cleavage para tuluyan nang maalis ang pawis. Natigil lang ako sa ginagawa nang iskandalosong tumikhim ang nagmamaneho sa tabi ko.

Ginantihan ko rin iyon ng pagtikhim. Maibsan man lang ang namumuong kahihiyan.

Napansin ko ang pagkakaipit namin sa gitna ng traffic. Hindi malaman kung anong marapat na gawin, hinayaan kong kalikutin ng mga mata ko ang loob ng sasakyan. Itim ang bawat parte at kagamitan kagaya ng kaanyuan nito sa labas, kaya naman kapansin-pansin ang nakakawit na keychain sa may rear-view mirror.

Lubos na napakapamilyar ng japanese cartoon character na si Doraemon na siyang disenyo ng keychain. Ang kulay nito noong binili ko ay walang pagbabago sa tingkad ng kulay nito ngayon. Hindi man lang kumupas. Halatang pinaka-ingat-ingatan.

I shifted my gaze when I felt Diamond looking at it, too.

He is still keeping it? I cannot believe he's still keeping it. At hindi lang itinabi kung hindi nakadisplay pa sa kotse niya.

Dapat ay alisin na niya iyon doon, e. Maliban sa nakakapangit sa hitsura ng mamahalin niyang sasakyan, napakawalang kuwenta ng regalo na iyon. Hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong tungkol doon.

"That keychain... why don't you throw it?"

Because of the ghost of smile on his red lips, I thought he was going to deny it but he didn't.

Napakurot ako sa mga palad nang matanggap ang tugon niya.

"Bakit itatapon? Ikaw ang nagbigay n'yan."

Makailang sandali ay nakarating kami sa condo. Kinuha ko ang painting at mabilis na inabot sa kaniya, nakabalot na sa lalagyanan.

"Salamat sa pagkuha nito rito."

He nodded seriously. Nag-abang ako na umalis siya ngunit nanatili siya sa harapan ko.

"Uh... you can go, uh... now..."

His lips parted and then he lifted his fingers and caressed the front of his neck. "Can I have water? I'm thirsty."

"Oh... okay." Inilibot ko ang tingin sa paligid nang maaligaga. "Upo ka muna sa sofa. Kuha lang ako."

He obeyed my command. Umupo siya roon at dume-cuatro. Ipinatong niya patayo ang portrait at saka ipinatong ang baba sa tuktok. Ang parehas niyang kamay ay nakahawak sa magkabilang gilid.

Umalis ako roon at kumuha ng tubig sa kusina. Nadatnan ko siya sa working area na ganoong posisyon pa rin. He removed the painting from his lap and accepted the glass of water I was handing out.

He just finished the half of it. I thought he would leave already but he did not!

"Puwedeng makahingi ng juice?" medyo makapal na mukha niyang request.

Tutal ay ipinag-drive naman ako papunta rito, um-oo na ako. But the irritation in me was gradually building up. "Kuha lang ako."

I gave him a new glass, but this time it was filled with pomegranate juice. I suppressed the heavy sighs that want to get out from my mouth as I awkwardly watched Diamond drink.

"Isa pa," he said after finishing only one-eight of the drink.

Lengthy trenches developed on my forehead, eyes were fixed on the glass he was holding.

"Hindi pa ubos 'yang juice mo," I reminded.

"I want a different flavor."

Kumawala ang mga pigil na buntong-hininga mula sa akin. Ang boltahe ng inis ay niyanig ang buo kong sistema.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" mariin kong utas.

"No, I'm not trying to play with you. It's just really hot outside that my throat still feels dry even after drinking. And also, I don't want the taste of this juice." Inangat niya ang basong hawak at saka binusangutan iyon. "It's too sweet."

Aba't nagreklamo pa siya!

I inhaled a large amount of air.

"Anong flavor ba?"

"If you have orange, then orange."

I moved quickly for I didn't want him to stay here any longer. Ibinigay ko sa kaniya ang hinihingi niyang juice pagka-galing na pagka-galing ko sa kusina.

"Umalis ka na," I said right after he put the glass down, nauubusan na ng pasensya.

His lips parted because of my rude order. Tipid siyang tumango at tumayo, hawak ang canvas kung saan nakapinta siya.

Sinilip ko ang pintuan ng studio, pinapalabas na siya. He sighed and walked away from me. He was about to open the door when I talked.

"Can I have a favor?"

Hindi pa siya nakakaharap at nakakatugon, nagpatuloy ako.

"Kung puwede lang, huwag ka nang bumalik sa Workshop. Pakiusap. Hindi ka naman kailangan doon. Marami akong katulong kaya hindi na kailangan pa ng ka-halili ng pinsan mo. Huwag ka nang bumalik."

Pinanuod ko ang makupad na pagyuko ng ulo niya. Kung gaano kabagal iyon, ganoon naman kabilis ang pagbagsak ng mga balikat niya.

"But the kids–"

"Gusto ka makita ng mga bata, oo. Pero ako, hindi. Ayokong nakikita ka. Kaya nakikiusap ako sa'yo, huwag ka nang bumalik sa Workshop. Bukas, sa susunod na bukas... Kahit kailan. Huwag ka nang magpakita sa akin. I hope this would be the last one."

I heard him inhale vastly.

"Kung itatanong mo kung bakit..." I clenched my fists, feeling unsure if I should continue. In the end, I did resume. "Wala ng rason para gustuhin pa kitang makita."

I stiffened when he laughed lowly and then turned to face me. Mas lalo akong nanigas nang makita ang pamamasa ng kaniyang mga mata.

"Tangina."

Napakurap-kurap ako.

"Ang sakit."

Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig nang muli siyang magpakawala ng bahaw na halakhak. My chest constricted when I heard pain between the sniggers.

"Dayamanti, ang sakit." He paused when his voice broke. "Ang sakit kasi hanggang ngayon ikaw pa rin. At tangina lang, ang sakit kasi ikaw lang parati."

"Hindi na kita mahal gaya ng dati Diamond, alam kong alam mo 'yan–"

"Alam ko. Huwag mo nang ulit-ulitin," he said rigidly.

I lifted up my gaze to him. Namasa ang sulok ng aking mga mata nang makita ang pagtulo ng sa kaniya.

"U-Umalis ka na." I bit my lower lip when it shivered. "Parang awa mo na, u-umalis ka na."

Suminghap siya at nagpunas ng mga luha. Tanaw na tanaw ko ang mahigpit niyang mga paglunok sa bawat pagpahid.

"For a very long time, I thought you leaving me is the most painful. But now that you're making me leave, I don't know anymore if there's still any pain the world can give me."

"U-Umalis ka na..." nanghihina kong ulit.

"Hindi pa nga ako nakakaahon sa sakit, nilulubog mo na naman ako."

"D-Diamond–"

"How I wish I never spent a vacation in Kyoto. How I badly wish that we never met. Para hindi ganitong husto akong nahihirapan na makalimutan ka." He commenced walking away. 

"Don't let our paths cross again, I'm begging y-you."

He stopped stepping further once again but he just stayed still.

"D... Don't worry. I'll try my best to not let that happen. At kung mangyari man, pinapangako kong nakalimutan na kita kagaya ng gustong-gusto mo."

Continuă lectura

O să-ți placă și

438K 6.2K 24
Dice and Madisson
1.8K 221 54
April 16, 2021 - July 14, 2021 Can Vivian Paige Riguella seduce again? Ano pa nga ba ang masasabi sa isang Riguella? Talino, ganda, at kapangyariha...
9.3K 1.4K 53
Athena Shanaia Ramos, a third year student taking up AB Economics at Primson University, had never gone into a relationship because of her strict fat...
77.7K 4.2K 30
Rare Disorder Series #2 𝘞𝘢𝘵𝘵𝘺𝘴2021 𝘚𝘩𝘰𝘳𝘵𝘭𝘪𝘴𝘵 "I'll stay by your side even at the expense of my own life." Clementine Guinto, a nurse a...