Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 30

767 41 68
By whiskelle

Chapter 30

Ang kidlat ng kaba na walang pahintulot na dumadaloy sa katawan ko ay hindi na makatao't makatarungan. Habang pinapanuod ang lalaking tumitingin-tingin sa mga gamit kong nasa malaking lamesa, sa tabi lang ng salaming pinto, bigla na lang akong sinamaan ng pakiramdam. 

"I'm not the best artist in the city, just so you know. If you want a painting of yourself so bad, I have several veterans to recommend to you–"

"How many days you will need to finish a portrait? In this size?" Ang hintuturo niya ay nakaturo sa isang canvas na hindi gaanong kalakihan. He lifted his gaze up to me, not giving a damn to my words. 

Pumuslit ako ng mabilisang hagod ng tingin sa katawan ng lalaking naghihintay ng isasagot ko. 

He was wearing a snowy white dress shirt that was tucked in his tight black slacks. The upper part of the shirt was fitting his broad shoulders while the rest, from the long sleeves to the waist part, were loose.

"Two hours or so." I coughed once and then went back to the initial topic. "Antonerio Legaspi, one of the best portraitists in the country. Close kami at  puwedeng-puwede na tawagan ko kung gusto mo para makapag-schedule ka na–"

"How about this? Will this take longer time?" He is now pointing at a much bigger canvas.

Ang boltahe ng kairitahan ay gumulong-gulong sa aking sistema. I gritted my teeth, striving to reduce the vexation in me as calmness lingered upon Diamond's face. 

"It surely will–"

"Then, I'll have this. Shall we begin?"

"A-Ano–"

"Can I take off my shirt?" karagdagang tanong pa niya habang humahakbang palapit sa sofa na nasa gitnang bahagi ng area, nakadikit sa pader na katapat ng glass wall kung saan kitang-kita ang malaking parte ng siyudad. 

Sinundan ko siya ng lakad subalit tumigil din nang harapin niya ako. Nanuyo ang lalamunan ko habang pinapanuod ang kamay niyang may suot na relong kulay itim at ginto na kumakalas sa mga butones ng kaniyang suot.

I conventionally accept half-naked painting requests of men but I don't think I will be able to do that today. Especially that Diamond is the one I will be painting. 

Huh, ano, Riem?

Teka nga lang! Nahikayat na ba akong pintahan siya? Wala akong matandaan na nahikayat na ako, ah!

Mahigpit kong sinara ang mga mata. Nang idilat ay kusang bumagsak ang tingin sa ikatlong boton ng polo ng lalaki na kasalukuyang tinatanggal sa pagkakabutones. "Y-You are not allowed to take your clothes off."

He nodded and then stopped. 

"Umupo ka na at kukuhanin ko lang ang mga gamit. Pagdesisyunan mo na ang posisyong gusto mo. Excuse me." Lumabas ako ng working area kahit na lahat naman ng kakailanganing gamit ay naroon na. Dumiretso ako sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Kahit na masakit sa lalamunan, dire-diretso kong nilagok iyon. 

Hindi ako makapaniwalang ako ang marupok dito! Paanong hindi ko napalabas ang lalaking iyon sa unit ko?! 

Dios ko naman, Riem!

When I returned to the room where Diamond was, I quickly grabbed all of the materials and equipments I will be needing and placed them all on the wooden table on casters. 

Dama ko ang panghihina ng mga tuhod ko habang tinutulak ang lamesang pinaglagyan ng mga gamit palapit sa puwestong pagpipintahan ko, epekto ng walang habas na paninitig ng lalaki na nasa sofa. 

I carried the outsize canvas and positioned it on the easel. Umupo ako sa mababang stool na katapat noon at huminga nang napakalalim bago itinagilid ang katawan para masilip ang lalaki sa likuran ng kamanyaso. 

His legs were apart from each other, the space in between is very noticable. Ang likod niya ay hindi nakasandal, bahagya iyong nakahukot, nagbibigay bangis sa mga matang nakapokus sa akin. 

I gulped.

"Ang sabi mo ay wala kang gaanong panahon para rito. S-Sa ganitong kalaking canvas, buong araw kitang kakailanganin para makolekta ang bawat detalye."

Nakita ko ang pagsuot ng kamay niya sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon. Nang iluwal ay namataan ko ang isang buong kaha ng sigarilyo. That wasn't a common and typical cigarette that I see everywhere. Ang ganoong klase ay kung hindi ako nagkakamali, nabibili pa sa ibang bansa. Binuksan niya iyon at itinaktak. 

When a piece was extracted from the cigarette case, he instantly put it in his mouth. "It's fine," aniya, ang tinig ay may pagkagaralgal dahil nakakagat ang kaniyang mga ngipin sa tungki ng sigarilyo. "Puwede ko bang sindihan?" 

Umasim ang ekspresyon ko.

"Puwede naman kaso, hindi ako kumportable sa amoy."

Tinango niya ang ulo at wala nang sinabi. Itinabi na lang niya ang buong kaha na hawak at saka iyong itim na lighter na nasa likod noon sa lamesang nasa tagiliran ng sofa.

Napausli ang nguso ko.

Ngayon ko lang nalaman na nagsisigarilyo pala siya. Ni minsan ay hindi ko siya nahuling gumagamit noon sa Kyoto.

Kapagkuwa'y, dume-cuatro siya ng upo at pinatong ang kaliwang siko sa itim na sapatos niyang nakasampa sa kaliwang hita. Ang kanang kamay naman ay nakasuporta sa sigarilyong nakaipit sa pagitan ng kaniyang mga labi. His head was sort of facing the right side, just enough to see his whole face from my point of view.

When he stopped from moving, I began. Saglit lang ay natapos ko kaagad ang base. Pursigido ako na matapos nang maaga ito lalo na at nakakaasiwa ang katahimikan na namamayani sa amin. I have never felt that in my entire working life. Lagi akong confident sino mang tao ang iharap sa akin. Laging hindi nauubusan ng kuwento para sa mga kliyente. Ngunit ibang-iba ang araw na ito. Hindi naman na ako nagtataka kung bakit...

Sa tuwing sinusulyapan ko rin siya upang kumuha ng isang partikular na detalye, tinatagalan ko na para hindi na tumingin nang madalas. Ilang beses ko ring hinulaan lang ang ibang kulay dahil sa nerbiyos na pagtamaing muli ang aming tingin. 

Pati na nga rin sa paghihintay na matapos ang bawat patong, nagtatago lang ako sa likod ng canvas. Habitually, I'd always offer my sitters a drink or something to eat as we wait for a layer to dry but then again, today is not like the usual. Today is different. Wala akong lakas ng loob para alukin si Diamond kahit na inumin lang.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin na ang sama-sama ko. I feel like I'm so unfair for treating him this way. 

When I couldn't endure the guilt developing in me anymore, I stood up after 3 full hours of sitting still on the stool. Bahagyang napaigtad ang lalaki nang matanaw ang paglabas ko sa silid. 

I quickly grappled two cans of coffee in the fridge and went back to the room. Nadatnan ko roon ang lalaki na nakaupo sa kaparehong posisyon na iniwan ko kanina, hindi gumalaw ni munti. 

I walked gone close to him and handed him the drink. Nakaramdam ako ng pagkapahiya nang hindi siya kumilos, ni pagpihit ng ulo ay hindi niya ginawa man lang. 

Mahilig siya sa kape... dati. Ayaw na ba niya nito ngayon?

Babawiin ko na sana ito nang bigla siyang magtanong.

"Am I allowed to move?" marahan niyang tanong.

"Huh?"

Naguguluhan ko siyang kinunutan ng noo.

"Baka kasi maiba ang posisyon... mahihirapan ka pang magpinta. Kaya, ayos lang ba kung gagalaw ako?" he elucidated, body was stiff as rock. Ang sigarilyo nga ring nakasalpak sa kaniyang bibig ay hindi gaanong gumagalaw sa kabila ng pagsasalita niya, inaalala na baka magulo ang posisyon.

I couldn't refrain myself from laughing so loud and hard. Pinagtawanan ko muna siya at nimamnam sa paningin ang katawan niyang naninigas bago siya binigyan ng pahintulot.

Inalis niya ang stick ng sigarilyo sa bibig at saka kinuha ang lata mula sa akin. Tuluyang nabura ang halakhak ko nang dumaplis ang mga kamay namin sa isa't-isa.

Napasinghap ako habang sinusubaybayan ang pagbukas ng lalaki sa lata ng inumin, buong atensyon niya ay nakapukol doon. Isang singhap muli ang kinuha ko nang mapagtantong ako lang ang naapektuhan sa nangyari. I almost scoffed. What happened is beyond petty. 

Come on, Riem! Act and do better! Pagkatapos ng araw na ito ay hindi na muli kayo magkikita niyan! Huwag ka namang masiyadong papaapekto!

Bumalik ako sa kaninang inuupuan at pinahupa muna ang pag-iinit ng mukha. 

"I'm allowed to move, you said," boses ni Diamond ang narinig ko sa malayo. 

"Hmm," pag-oo ko nang nakasara ang bibig, hindi binibigyan sulyap ang lalaki sa likuran ng may pintang kamanyaso. 

Silence aired after that. Curious, I inclined my body to the left to take a glance of him but for some mysterious reasons, my entire sight was covered with black. It was as if I was in galaxy. The only difference is there are no stars nor celestial body. Pure black. And one more thing, oxygen still exists. When I inhaled, I sniffed a familiar aromatic scent.

Napatigagal ako nang mapagtanto na wala naman talaga ako sa kalawakan, nang mapagtanto kung ano nga ba talaga ang kaharap ko ngayon.

Napakurap-kurap ako habang nakatuon ang atensyon sa umbok ng itim na telang katapat. Para akong nilubuyan ng sariling kaluluwa nang umatras ang lalaki.

Nagkatinginan kami sa mata. 

Bahaw akong natawa. One peek at his pants, I saw the bump once again, but farther this time. 

Ma... ha... ba... gin...

In adrenaline rush and discomposure, I stood up from the low stool I was sitting on. Namamaga na ang lalamunan ko, hindi ko pa rin binalak na tigilan ang pilit na pagtawa. I shifted back my eyes on him.

How ironic. Isa akong pintor pero hindi ko maipinta ang mukha niya.

"I... I was just–"

"Cr lang. Excuse me," I butted in to cut him off.

Imbes na dumiretso sa banyo, tumungo ako sa aking kuwarto. Pagkapasok ay inihagis ang sarili sa kama at pinag-uumpog ang ulo. 

Ang kahihiyan na nararamdaman ko ay walang kapantay! Nanunuot sa buto ko na nakatitiyak akong bibitbitin ko ang pangyayaring ito sa buo kong buhay!

Ayos lang naman iyong pagkakatitig ko roon sa umbok niya dahil hindi naman sinasadya! Ang problema ay suminghot-singhot pa ako!

Dios ko!

Pinag-iisipan kung bababain ko pa ba ang kliyente, tumunog ang cellphone ko na nasa gilid ng kama. Inabot ko iyon at binasa ang kapapadala lang na mensahe ng kaibigan. 

Ellai:
Hello, my peachypeach!! Howdy? Tapos mo nang ipaint ang client mo for today?

Napaungol ako nang maalala ulit ang kahihiyan na natamo kanina.

Dayamanti:
Hindi pa.

Ellai:
Huh! Why! I was about to invite you for lunch! 

Dayamanti:
Painting isn't easy. Leonardo even took 4 years to finish Mona Lisa!!!

Ellai:
Bakit? Magkamukha ba si Mona Lisa at si Rhett Vidales???

Natawa ako roon. 

Kung puwede nga lang na itapal ang mukha ni Diamond sa painting na Mona Lisa para mapadali ang lahat, ginawa ko na! Lalo na ngayong hindi ko alam kung makakaya ko bang harapin pa siya!

I was terminated from thinking hilarious ideas when my phone produced a ding once again.

Ellai:
Btw, I'll go there later tonight. 7 pm, I think? I'll bring dinner so don't cook! I also have a surprise for you! 

Hindi na ako nagreply pa roon. Hindi ko rin naman alam ang irereply. 

Pinagdebatihan ko pa kung babalikan ko pa ba si Diamond o hindi na. Sa huli, may awang bitbit, bumalik ako kahit na taliwas sa gusto. Payapa ang bawat hakbang ko kaya't hindi napansin ni Diamond ang pagpasok ko. 

He was at the farthest side of the room. Nakatayo siya roon sa hilera ng mga pinta kong ayaw ipagbili sa kahit na kanino. Those were my personal favorites that I couldn't sell them even multiple buyers offered icredibly high payments. Nakapamaywang siya habang nakatitig sa isang painting. Nakatabing ang katawan niya roon kaya't hindi ko makita kung ano iyon. 

Ngunit ang puwestong iyon, ang kinatatayuan ng lalaki, sa pinakagilid na halos na mahalikan na ang salaming pader ng unit, nagsimulang nagtatambol ang puso ko. 

"S-Shall we continue?!" malakas kong tanong para maagaw ang atensyon niya. 

He craned his neck and gazed at me. Ang mga labi niya ay nakaawang, mga mata'y pumupungay. He bobbed one time and went back to the sofa. Walang imik.

Ako rin ay bumalik na sa puwesto. Nang masigurong nakatago na ako sa likod ng canvas, tinignan ko ang painting na kanina lang ay tinititig-titigan ng bisita.

Diamond

It was the Diamond painting. Hindi ko iyon ibinenta kay Danilo kahit na nagpumilit ito. Tinawag pa niya akong scammer dahil bigla akong binawi ang pagbebenta roon. Well, it was originally for sale but... a part of me didn't want the idea of it, owning by someone who isn't me. 

Pakiramdam ko ay sa akin iyon. Sa akin lang dapat. 

Pero sana naman ay hindi ko nakalimutang itago! 

Pero kung iisipin, hindi ko rin naman akalaing makakapasok dito si Diamond. Nawala na sa isip kong itabi iyon.

I comforted myself. Ayos lang. Marami naman akong palusot. At magaling naman akong magpalusot. 

"T-That was my favorite Japanese actor. Pininta ko," ani ko habang nasa likod pa rin ng canvas. 

"Okay."

Napakagat ako sa labi. Ang paraan ng pagkakatugon niya ay tunog 'di naniniwala.

"Totoo nga!" pagpipilit ko pa.

"I'm not saying anything."

Sinilip ko siya at sinamaan ng tingin. Himig na himig sa boses niya na hindi niya sinasang-ayunan ang mga palusot ko!

"Hindi ikaw 'yon!" Dinuro-duro ko ang painting na pinatutungkulan ng usapan namin, taas-baba ang dibdib sa hindi malamang sanhi.

Slowly, a ghost of smile formed on his lips. "Okay..."

I resumed painting and glared at the canvas which has the full figure of Diamond. 

Halata pa yata ako!

Sa sumunod na mga oras, tahimik lang kaming pareho. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng aircon at pagkakauntog ng mga materyales sa isa't isa. Nagamit lang sa wakas ang mga boses namin nang dumating ang oras ng pananghalian.

Gaya ng nakasanayan, kahit na may pag-aalinlangan, inalok ko ng lunch ang lalaki na kaniyang tinanggap naman. Hindi ko kasi ugaling pinapauwi ang mga sitter hangga't hindi tapos maliban na lang kung may importante talagang rason para umalis. Kadalasan kasi ay natatagalan sa pagbalik, ang nangyayari sa huli, magkikita pa kinabukasan maipagpatuloy lang ang naudlot na pagpipinta. 

And in my current situation, I would rather eat lunch with Diamond just for today than seeing him again in the next days. 

Nga lang, sa dining ko siya pinakain at sa kuwarto naman ako. 

"Nasabi sa akin na birthday mo ngayon. Totoo ba 'yon...?" tanong ko nang magpatuloy na sa tinatrabaho, ang nagniningas na panghapong araw ay nakalitaw na.

"Yes," he simply answered. 

With that, I unthinkingly halted from stroking the paint brush onto the canvas. I blinked many times. 

"March 20..."

It wasn't a question. There was no need to respond. However, he did respond.

"Yes..." it sounded like a hiss.

"Happy birthday..." I softly greeted, still hiding behind the huge wood covered with white cloth. Napalunok ako.

That... That was my first time greeting him a happy birthday. We were not able to celebrate our birthdays back then. And now that our feet are stepping on the same floor, we still don't have the chance to celebrate it together. And the reason is no longer because we don't know each other's birth dates. But because we're not together anymore. I left him that's why.  

"Malas mo lang at ako ang kasama mo sa birthday mo." I forced a laughter. 

Pananahimik ang naging tugon niya. 

Hours passed again like a thin whirlwind. Ang apat na oras ay parang isang kurap lang. Lalong lalo na at marubdob akong nakapokus sa ginagawa at hindi alintana ang anumang nangyayari sa paligid. 

Nasa parte na ako kung saan pinapatuyo na ang ikalawa sa huling layer. I was incredibly fast today, huh! Kahit na malaki itong canvas ay nagawa kong dalian ang paggawa!

Mixing dark colors for the contours of his face and neck, I heard a loud ring of a cellphone. My forehead crinkled as I glanced at the second floor, where my room is located at, over the glass doors. 

The ringing sound wasn't coming from there.

Nilingon ko si Diamond na tila estatwa sa pagkakaupo. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang makita ang pag-ilaw ng kung ano sa loob ng kaniyang bulsa.

"You can answer the call," I apprised. 

Inaalala na naman ba niyang magugulo ang ayos niya?

"Hindi na. Hindi rin naman importante."

"Tignan mo na. Baka importante iyan at pagsisihan mo mamaya?"

Dinukot niya ang phone mula sa bulsa at nang madaplisan ng tingin ang screen, binalik niya iyon sa kinalalagyan.

"Dan lang," aniyang bagot na bagot ang boses. 

"Bakit hindi mo sinagot?" 

"Why do you want me to answer it?" He asked irritatedly. My lips parted in slight shock. "I already said it is not important."

"H-Hindi naman s-sa nangingialam pero kasi inaalala ko lang na baka kasi importante iyan. A-Ayaw ko lang masisi sa huli dahil baka iniisip mong bawal mo sagutin..." I explained my side discreetly.

He rolled his eyes at me. No. He just swiftly removed his gaze at me.

Tumayo siya at walang sali-salitang lumabas ng silid. Hindi ko alam kung lumayo lang siya nang kaunti o lumabas pa ng unit. Ayoko namang sundan. Baka tuluyan niyang isipin na pakielamera nga ako.

Binitawan ko ang paint brush at palette at saka pinagkukurot ang mga palad. 

Kanina lang ay ninanais kong magalit siya sa akin. Ngayon naman ay nangangamba ako sa inaasta niya. Hipokrita. 

Dali-dali kong hinablot pabalik ang mga gamit nang masilayan ko ang pagbabalik ni Diamond. Wala sa sarili kong sinawsaw-sawsaw ang brush sa pintura nang mapansing humahakbang palapit sa akin ang lalaki imbes na sa sofa.

Bakit dito ka pumupunta?! Balik sa sofa!

"I think you are doing that wrong."

Brows furrowed, I traced where he was looking and saw that the brush I was grasping was turned upside down. Ang tip ng hawakan ang nalalagyan ng pintura. 

"Ay!" 

"You're probably tired."

"Hindi naman... B-Bumalik ka na roon para matapos na tayo kaagad." At para hindi na rin ako maalibadbaran.

"I don't think you're able to finish that today."

"Huh?"

"We can just meet tomorrow again," suhestiyon niya.

Napano ang 'I don't have much time for this' niya?

"Hindi puwede!" mariin kong tutol. I pursed my lips when I saw him startle with my yell. "A-Ang i-ibig kong sabihin... matatapos ko naman 'to ngayon! Huwag mo na akong alalahanin! Hindi pa naman ako pagod!"

Lito niyang itinagilid ang kaniyang ulo.

"Hindi naman kita inaalala," he responded, a bit amused.

Napanganga ako. "Ha?"

"Pinapaalis na ako ni Dan. They prepared a birthday celebration for me and they want me to be there now. I am worrying about nothing but the party that might be wasted if I don't leave now."

Mas lalong nalaglag ang panga ko. Pagkaraa'y pinamulahan nang matindi.

Itinuon ko sa ibang direksyon ang tingin nang makitaan ng pagkaaliw ang mata niya. Siguro ay tawang-tawa na ito dahil sa pag-assume kong nag-aalala siya sa akin!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagligpit na ng mga gamit.

"U-Umalis ka na."

"See you tomorrow, then?" He crossed his arms and put all his weight on a foot. 

I shook my head.

"Hindi na kailangan. I've memorized all of the details I need so... you don't have to come back here tomorrow."

Matagal bago siya rumesponde.

"Okay..." mahinang wika niya. 

I thought he would leave after he uttered that but I was wrong. I stopped arranging the painting materials and glanced at him. He looked away when our eyes met. 

"Puwede ka nang umalis," I informed which he obeyed.

Nang lumaon ay tuluyan na ngang sinakop ng katahimikan ang buong unit pagkaalis ng kliyente. Palabas na ako ng working area upang magpahinga, mayroon akong napansin.

"Talaga nga namang..." I took the whole black and gold cigarette tin and lighter on the table.

Halos mayupi ko iyon sa nararamdamang kairitahan para sa mundo.

Itatapon ko na lang ito! Kapag hinanap sa akin ng nagmamay-ari ay sasabihin kong hindi niya naiwanan dito! Bahala na niyang isipin kung saan napadpad itong mga sigarilyo niya!

My plan to rest that afternoon was successful. But not as successful as what I expected. Alas-sais pa lang ng gabi ay may nag-doorbell na sa condo unit ko. Hair disheveled, mouth so dry, nervousness immediately visited me when I remembered the cigarette case Diamond accidentally left earlier.

Binalikan kaya niya...?

Abot-abot ang tahip ng puso ko habang naglalakad patungo sa pintuan. Nang sumilip sa peephole, napanatag ako.

"Riem!"

"Ellai?" Deep ridges launched on my forehead as she entered. "Akala ko ba ay mamaya ka pang alas-siete?" Bumaba ang tingin ko sa mga libre niyang kamay. "And I thought you'll buy us a dinner?"

Napilitan akong buntutan siya nang magtuloy-tuloy siya hanggang sa kuwarto ko. 

"Hindi ako nagluto ng hapunan–"

"Oh, Riem! Don't worry about it!" 

Mas lalong lumalim ang mga hiwa sa noo ko. 

"Maligo ka na! Mukha kang mabulok!" She giggled.

"Huh? Bakit? Dito lang naman ako? Wala naman akong pupuntahan?"

"Uh-uh! Mali! Imbitado tayo sa birthday party ni Rhett Vidales!" She jumped in arrant enthusiasm. "Kaya maligo ka na at mag-ayos!"

At doon, doon ko napagtantong wala akong karapatan para makaramdam ng kapanatagan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 326 54
January 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo ma...
42.3K 1.6K 98
An epistolary completed Solace Series I: Bittersweet Solace Series II: Any Other Way Rejection, betrayal, agony, and uncertainty, Harelle Elise Ferr...
9.3K 1.4K 53
Athena Shanaia Ramos, a third year student taking up AB Economics at Primson University, had never gone into a relationship because of her strict fat...
268K 16.7K 54
Ikaw ang tahanan. Β© 2021 isipatsalita.