Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 29

734 46 38
By whiskelle

Chapter 29

"Oh! Si Rhett Vidales pala!" she jubilantly voiced. 

In sheer horror, my feet stood up and my eyes blinked several times on their own. Wala nang sinasanto ang katawan ko. Nagpapadaloy na lang ito sa kung anong nararamdaman ko at wala nang pakialam sa nagmamay-ari sa kaniya. 

"B-Bakit?" Napakagat sa kuko si Ellai at sinilip ang cellphone. "Shit. Hentai ba ang naiharap ko?"

Gradually, I sat. I calmly shut my eyes and inhaled a huge amount of air. Kasabay ng pagdilat ay pagngiti. I'm going crazy. 

I shook my head. "E-Ellai... m-marami akong kilalang artist. A-Ako na mismo ang magrerekomenda kay Dan. Huwag lang sa akin."

"H-Huh? Ikaw ang gusto, e..." aniya't napalabi. "Bakit bigla kang back out? Ang sabi mo kanina, magpipinta lang naman. Tama ka naman. You'll just paint Rhett and everything's done. Papanigan na ako ni Dan sa nomination."

I pinched my palms alternately as I contemplated a reason. Wari ay may lumitaw na bumbilya sa tuktok ng ulo ko nang may pumasok sa isip.

"A-Alam mo kasi... M-Magiging busy na ako sa Workshop. Hindi na ako makakapagentertain pa ng kliyente..."

Sumingkit ang mga mata niya at sinabing, "Sa April pa ang opening ng classes, ah? It's still a month from now!"

"P-Pero..." Hindi ko naisip iyon! "K-Kailangan kasi na... m-maghanda, alam mo na... Siyempre kailangan paghandaan nang maigi kasi... 'di ba... may mas mga bata na papasok... 'tsaka... basta alam mo na 'yon!"

She grimaced after hearing my lame reason. 

Itong kaba talaga na ito, ginagawa akong tanga sa pakikipagkomunikasyon. Walang matinong bagay na lumalabas sa bibig ko. 

"It doesn't make sense–"

"Makikipag-blind date din kasi ako!" Mariin akong pumikit nang ilapag ang huli kong baraha. 

Napamulagat ang mga mata ko nang marinig ang pagbunghalit ng halakhak ng kaibigan. Her guffaws were even producing irrelevant whistles. Pinamulahan ako ng mukha.

"Omg? Omg? Omg?" she rapped avidly. "Are you serious right now?!"

I bobbed my head up and down. 

"Nakakatampo ka naman! Where did you find that guy? Dati, kapag may nirereto ako sa'yo, tanggi ka agad!" Nanumbalik ang busangot niyang mukha.

The whole time we were in resto, we talked about the blind date I invented. Mabuti na lang hindi niya nabuking na nagsisinungaling lang ako. The topic about Diamond Vidales being my client vanished as well. But I guess, it's a limited time only. 

Ellaixa restored the subject matter when we arrived in the Spa & Salon inside the Mall. 

I embedded my face into the fluffy pillow when I'd taken a glimpse of my friend's stressed and troubled face. Mercy and guilt developed in me. Hindi man lang siya nag-eenjoy samantalang siya ang magbabayad ng bill mamaya. 

"Ano ang sabi?" tanong ko, pinapatungkol si Dan na kinukumbinsi niya na sa iba na lang magpapinta, habang dinarama ang mahusay na pagmamasahe ng spa attendant sa likod ko. 

She emitted a squeal. "Ewan ko ba sa bobong 'to! Ikaw talaga ang gusto! Crush ka yata!"

Muntikan na akong mapaismid sa hangin. 

That Dan is obviously just trying to piss me and his cousin off! Surely, he knows our past! Pinagyayabang pa nga na chatmate kami sa Instagram dati!

"Lagot ako kay Mom nito..." iyak ng kaibigan na maluha-luhang nakatitig sa cellphone. 

I swallowed hard. "A-Alam ba ni Diamond 'yan?"

Ang kalahati sa akin ay hindi sapat maisip na alam ni Diamond ang kasunduang binuo ng loko-loko niyang pinsan. Looking back at our past interaction, he surely wouldn't want to see me again! 

"Hindi yata, e. Sabi kasi ni Dan sa akin pa-birthday gift niya raw iyong painting sa pinsan niya."

"Birthday gift?"

"Oo! Ang tanga, 'di ba? Bithday gift niya kay Rhett pero pakikilusin pa niya? Parang binigyan lang niya ng pera at inutusan na bumili ng regalo."

Napahaba ang nguso ko at napatango. 

"Hindi ko alam sa Dan na iyon! Matalino kaya 'yon! Nag-summa pa nga noong college! Kaso noong iwan siya noong babae niya, nagkanda-letse-letse na ang buhay. Buti nga at nakamove-on na ngayon. Tatanga-tanga nga lang," sambit niya at bumungisngis.

Hindi ako natawa. Sa halip, nakaramdam ng awa. 

"Hindi talaga alam ni Diamond ang tungkol dito? Paano mapapapayag ni Dan iyon?" tanong ko pa.

She placed her phone to a table near her and rested her chin on the pillow, letting go of her problem and revering the tranquility the spa room was offering us. 

"How would we know if you're not going to accept the client? Tanggapin mo para malaman mo?" Sumilay ang ngisi sa kaniya at inarko-arko ang mga kilay.

I removed my eyes at her and exhaled. Hinaplos ng tingin ko ang mga scented candles na nasa tapat. Ang kulay ay napakalamlam na tila gumitaw ang sunset sa silid. 

Kung pumayag na kaya ako? Sa oras kasi na malaman ni Diamond na ako ang artist na magpipinta sa kaniya, sigurado namang hindi iyon papayag at tatanggihan ang regalo ng pinsan niya. He'll back out and that's for sure. E 'di ang saya? Hindi man maipinta si Diamond, at least napapayag ako ni Ellaixa na um-oo. Ibig sabihin lang noon ay maipinta man ang kliyente o hindi, nasa kaniya ang boto ni Dan sa nominasyon sa magmamana ng kanilang kompanya.

"I'm accepting the client," anas ko na siyang ikinatulos ng kaibigan sa kinalalagyan. Namimilog ang mga mata niya, kasing-bilog ng hulma ng nakabukas niyang bibig. Hindi siya nakapagsalita sa kabiglaanan. Nakatitig lang siya sa akin, hindi makapaniwala na napapayag ako. "Pero ikaw na ang kumuha ng details, ah? I-schedule mo ang session next week. At... pakisabi na lang na hindi open ang nude painting... s-sa mga lalaki..."

Puwersahan akong tumikhim nang madama ang pag-iinit ng mga pisingi pababa sa batok. 

"Okay! Okay! Deal! And I promise you I'm gonna set you up on a better blind date than your supposed date after this stressful happening!"

There is no best way of doing things. That's what I keep in my mind. Decision-making is the hardest part of life. Because making decisions means molding the future using your very own hands. You will be the one who is going to construct your own fate. If you chose the right thing, keep it up. And if you chose the wrong one, learn. We cannot stop ourselves from commiting mistakes. Hence learning is a never-ending process. It is never finished.

The society has developed the mindset that if you failed at this certain thing, you're not good at it at all. But the truth is, you are failing because there's so much more ahead of you. Preeminent lessons and experiences are waiting for you, which will never wait for those who got into the crest without undergoing hardship. 

So what if I committed a mistake? So what if I selected the wrong choice? 

Kung mali ang hindi ko pagtanggi at hindi pagsubok na layuan si Diamond, ano naman? Ang mahalaga ay hindi ko tinakbuhan. Matututo naman ako sa huli. Magiging sulit naman ang aral na mapupulot ko sa huli. 

Iyon ang naging pampalubag-loob ko sa sarili sa mga sumunod na araw pagkatapos kong hayaan ang sariling madawit sa kasunduan sa pagitan ni Ellai at Dan. 

"Since you agreed to do me a favor, I will pay for these."

I quickly eyed Ellai who was already getting her wallet from her purse. Hinarang ko ang kamay sa pitaka niya at mabilis na inabot ang card ko sa cashier. We threw a glare at each other. 

"Akin ang mga 'to at ako ang gagamit kaya ako ang magbabayad," pinal kong sabi, itinutukoy ang mga painting materials. Nang maibalik ang card at matanggap ang mga pinamili, lumabas kami ng kasama sa pinagbilhang Shop. 

"Fine! Kawalan mo! Sayang ang 20k! Akin na nga 'yang iba!" Pagalit niyang inagaw ang ilang bags kong hawak subalit makailang saglit lang ay nakangiti na ulit. "Anyway, next week Saturday daw ang appointment ninyo ni Vidales. You don't have any other appointments, do you?"

"If ever I have, can I cancel my session with Diamond Vidales?" patutsada kong balik. 

"No." She grinned and then laughed. "Basta, ah! Next week Saturday!"

My forehead puckered as I fixed my eyes on the beige marble tiles of the Plaza we were at. "March 20 ang birthday niya?" I asked, pertaining to Diamond. 

Sa mga sandaling iyon ko lang din napagtanto na dating magkasama pa kami, we never celebrated our birthdays together. We didn't even know each other's birth dates. Ngayon ko lang nalaman. 

Napasulyap sa akin ang kaibigan, ang mukha ay may bahid ng pagkabigla.

Mas lalong nadagdagan ang guhit sa noo ko. "B-Bakit?"

"Wala lang. May paki ka pala sa birthday ng ibang tao?" sarkastiko niyang balik.

Hindi naman ibang tao si Diamond sa akin... noon.

"You sure you don't need my help?!" tanong ni Ellaixa pagkahatid sa akin sa harapan ng condominium building na tinutuluyan ko. 

Inangat ko ang mga paper bags na hawak, pinapakitang kayang-kaya ko at hindi na kailangan pa ng tulong. Bago ko pa maisara ang pintuan ng passenger seat ng kaniyang sasakyan, pahiyaw niyang tinuran ang karagdagan. 

"7:00 AM daw ang dating d'yan, ah!" 

Agad kong nakuha iyon. One nod and Ellaixa left. Hinintay ko muna na maglaho sa paningin ko ang kotse niya bago pumasok sa loob. 

The addicting scent of the building's lobby hastily lingered over my senses when I entered. Ang taglay nitong halimuyak ay umaayon sa kaaya-ayang kulay buhat sa chandeliers sa ituktok. Napakalawak ng espasyo kaya't may ka-tagalan ang paglalakad makasakay lang ng elevator.

Nang makapasok sa elevator, isinandal ko ang buong likod sa malamig na pader. When I cocked my head to the right side, I saw my clear reflection in the large mirror. Even though I had applied an eye concealer earlier, the dark circles under my eyes were still showing. Napaabante ang nguso ko nang mapagtantong didilim pa ang mga iyon hanggang sa susunod pang mga linggo. 

Isang linggo na ang nagdaan simula noong pumayag ako sa pabor na hiniling ng kaibigang si Ellaixa sa akin. Simula noon ay nasira na ang oras ng pagtulog ko. Binabagabag ako ng mga maaring mangyari sa oras na magkita ulit kami ni Diamond. Although I had already convinced myself that me making the wrong choice is still an advantage, I couldn't help but still feel nervous and edgy. 

I let out a vast sigh when I got inside my bi-level unit. I could still remember how I hesitated last year in buying this. Noong nag-aaral pa lang ako ng kolehiyo, nanirahan ako kasama ang pamilya sa bahay sa Makati. Buong apat na taong pag-aaral ng BFA Major in Painting akong naroroon. 

Pagka-graduate ay napag-isipan kong bumili ng sariling tinutuluyan. Unang dahilan, lagpas wastong edad na ako para bumukod. Pangalawa, hindi ganoon ka-ayos ang relasyon ko sa nakatatandang kapatid. Started when I lived with them, my stepsister and Mommy's relationship kind of slanted. Hindi naman ako manhid para hindi maramdamang ako ang dahilan noon. Kaya naman matapos isang taong pagkita ng sariling pera, bumili na ako.

I didn't want to waste too much money so what I did is I made my unit also my Art Studio. It has a massive space so it is no problem. Ang malapad na living room sa gawing kaliwa ang ginawa kong pinaka-workspace. Naroon ang lahat ng mga gamit. Pati na rin ang mga kliyente na pinipintahan, doon umookupa. Sa gawing kanan naman ay ang kitchen at isang guest room, pati na rin ang hagdanan paakyat sa second floor na kung saan naroroon ang bedroom na may sariling banyo at walk-in-closet. May glass sliding door din naman na nagsisilbing border sa pagitan ng pinagtatrabahuhan at tinutuluyan.

Tumungo ako sa workspace at pinakasimot ang bawat kalat at duming nakikita. Ito ang palagian kong ginagawa kahit noong nakaraan pa man, inililihis ang isipan sa pag-iisip sa partikular na lalaki. Malakas ang pakiramdam ko na mabubura na itong lugar ng pinagtatrabahuhan ko sa hustong paglilinis. 

After getting satisfied with my cleaning, I took a rest by staring at the pellucid view of Metro Manila's ever-mind-blowing sunset over the clear glass wall of my unit. I gawked at it nonstop, waiting for my eyes to get tired of it. But the things is, such scenery is too exquisite for anyone to get tired staring at it. 

Sa pagkahulog at pagkalunod sa kariktan niyon, mabilis na nagsilipana ang mga araw na tila isang magandang panaginip. The sun rises, the sun sets, repeat. Falling asleep, dreaming of him with eyes closed, losing him by waking up, dreaming of him again but with open eyes, and then the day I fear the most came. 

Napapitlag ako nang marinig ang doorbell ng unit. Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa pintuan, siyang paghabol ng isang tibok ng puso na hindi naman kinakailangan. Ipinaikot ko ang palad sa dibdib upang maiwala ang isip sa pagkalampag noon. 

I did not take a peek at the peephole like what I usually do whenever I am opening a door for a client. My chest was dwindling in jim-jams as I opened the door with no tint of reluctancy.

Para akong napugutan ng hininga nang tumambad sa akin ang inaasahang lalaki. Tiningala ko ang madidilim nitong mga mata. I swallowed the thickening bile in my throat as my gaze went down to his slightly opened mouth. 

Ang nakabahaging bibig na iyon ay wala sa oras na napahugot ng hangin. Nang mapansin ang panunuod ko roon ay itinikom niya at pinagsalubungan ako ng kilay.

Ganiyan nga. Magulat ka. Mainis ka. Magalit ka. 

"Mr. Diamond Vidales," walang tanda ng utal ni yanig ang buo kong tinig.

Kitang-kita ko kung paano bumalantok ang kilay niya dahil sa tinuran ko. Nanginig ang mga labi ko nang hindi ko maatim ang pagiging pormal sa kaniya. 

"D-Diamond... I... I know that you don't want to see me. I know you don't want this. H-Hindi ko rin naman ginusto 'to. Wala akong kinalaman sa anumang laro na gustong gawin ni Dan–" I trailed off when I heard him snort.

"I don't have much time for this. It'd be the best if we'd start already." He wetted his lips and then stepped inward. 

Huh?

Payag siya rito? Noong nakaraan lang ay binugahan ako ng galit at hinanakit, ngayon ay ayon sa sesyon ng pagpipinta? 

So what, Riem? E kung wala na sa kaniya ang nangyari dati? Malamang ay hindi naman aatras iyan! As if he still cares about you!

My nervousness worsened as I watched him walk further away. Pinigilan ko siya nang akma siyang papasok sa may living room.

"If you really want to push this through, then just give me a picture of yours," this was my second shot. Naisip ko na noong nakaraang araw ang posibilidad na hindi siya tatanggi. "Kaya kitang ipinta kahit pa wala ka rito. Ipadadala ko na lang sa'yo kapag tapos na."

He tilted his head in disbelief, mouth splitting into a sarcastic smirk.

"Is that how you treat your past clients? Kapag nakapunta na rito, pauuwiin mo?" Patuya niyang ayuda sa akin at saka pinag-angatan ng kilay.

My mouth fell agape with such remark. Hindi ako makapaniwalang nasungkit ako roon. 

"H-Hindi–"

"Then, let's start?" muling pagpuputol niya sa akin at walang pasubaling pumasok sa tamang silid.

Continue Reading

You'll Also Like

42.3K 1.6K 98
An epistolary completed Solace Series I: Bittersweet Solace Series II: Any Other Way Rejection, betrayal, agony, and uncertainty, Harelle Elise Ferr...
693K 30.9K 45
Masarap talaga ang bawal. Lalo na kung araw-araw kang sinusubok ng tadhana. The more forbidden it is, the greater the urge to have it yourself. Kay d...
9.3K 1.4K 53
Athena Shanaia Ramos, a third year student taking up AB Economics at Primson University, had never gone into a relationship because of her strict fat...
20.6K 993 34
ARCHER SERIES 2 Cashcade Lyle Montage, a girl who's afraid of taking risks and commitments after a great heartbreak from JH never expected to meet so...