Beautiful In White

By QueenAustine

773 144 9

"How's your feeling? Are you in pain now?" "Oh, nadito ka? Si Jace ang kailangan ko, baka hinahanap ka ng fia... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
.17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
Epilogue
Author's Note

35

8 3 0
By QueenAustine

Muli akong nagising ng dahil sa araw, muli na namang nakatutok ang sinag ng araw sa muka ko. Naramdam ako ng pagkairita kaya naman lumingin ko sa kung saan ang pwesto ni Aj. Wala na ulit siya.

Kinapa ko ang side table kung saan lagi ang phone ko. Walang papel. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at binuksan iyon.

From Love
You can go here at 1 pm. I wake you up but you told me you're tired and you want more sleep. Wake up Baby, eat your breakfast. See you later, I can't pick you up. I have meeting with other CEOs. Take Care, I told kuya Rey to take you here. See you! I love you!

Napalitan naman ng magandang ngiti ang aking mga labi dahil sa nabasa. Kanina pang 7:30 iyon at ngayong 10 ko lang nabasa.

Nagkaroon naman ako ng dahilan para pumasok ng masaya at masigla.

Nang makababa ay agad namang sumilay sina Lyn at Lina na nag lilinis. Mukang tapos na sa taas. Dito na kasi sa baba naglilinis.

"Good Morning, Mrs. Lorenzo" masayang bati nila nang maramdaman ang presensya ko

Mas napangiti naman ako sa kanila itinawag sa akin.

"Nasa lamesa po ang umagahan niyo, si Mr. Lorenzo po ang nag luto" nakangiting wika ni Lyn at tinuro ang lamesa sa pamamagitan ng kaniyang pag nguso.

Agad akong napalingon doon at nakita ko ang pulang takip, nag tungo naman ako doon at sinimulang kumain.

Iniwan ko ang phone ko sa taas dahil naichacharge.

Nang matapos ay hinugasan ko na, binalak pang agawin ni Lyn ang pag huhugas ko pero hindi ako pumayag.

Nang matapos ay umakyat na din ako at doon muna nag stay, nakaramdam ako ng pagkahilo kaya't nahiga nalang muna ako.

Ilang oras din akong nakatulog, pagising gising pero nakakabalik naman agad.

Nagising ako tanghali na, agad na din akong kumilos para pumasok. Nang makababa ay amoy na amoy ko na ang baho ng niluluto ni Ate Lina.

"Ma'am kain na po" wika niya nang makita niya ako

"A-ah sige po thank you po" wika ko naman, kumuha naman ako ng plato, baso at kobyertos. Kinuha naman niya ako ng mangkok at doon naglagay ng sarciadong manok

Ako naman ay nag tungo sa ref para kumuha ng tubig. Matapos ay kumuha naman ako ng kanin sa rice cooker at nag upo sa hapag kainan

"Sabayan niyo na po ako" wika ko at agad itong tumango

Hindi pa man sila nakakaupo ay nakaramdam ako ng pag baliktad ng aking sikmura, agad akong napatayo at inilabas mula sa tiyan ang mga kinain kanina.

"Ma'am" tawag ni Lina, halata sa kaniyang boses ang pag aalala. Naramdaman ko ang pag punta niya sa may pwesto ko at binigay sa akin ang tubig

Namimilipit na ako dahil halos wala na din akong mailabas. Hinahagod niya ang aking likod.

"Ma'am, inom ka po" wika ni Lyn, may pag aalala

"Ma'am tawagan ko po si Sir" wika din ni Kuya Rey na agad kinuha ang cellphone niya

"K-kuya wa-ag na p- -" hindi ko pa natatapos na bigla na naman akong maduwal

Agad niyang sinunod iyon, nang umayos na ang aking tiyan ay inalalayan nila ako sa aking pag upo

"Ma'am eto po"wika ni Lina at iniabot ang tubig

Ininom ko naman iyon at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Ramdam ko na ang pamumutla ko.

"Labas po muna ako" paalam ni Kuya Rey "Tawagin niyo nalang ako pag kailangan ako" dugtong nito bago umalis, agad tumango si Lina at Lyn.

"Ahmm Ma'am, may gusto lang po sana akong itanong" wika ni Lina, hindi ako nag salita tumingin lang ako at kita sa akin ang kyuryosidad

"Pang ilang beses niyo na po ang pag susuka?" Dahan dahan niyang tanong, napaisip naman ako at inalala ang mga nakaraang pag susuka ko

"More than two" pag aalinlangan ko, hindi ako sigurado

"Eh ang pag kahilo po?" Tanong naman ni Lyn

"Napapadalas na eh" wika ko

"Ma'am ano po yung madalas na gusto niyong kainin? At 'yung mga ayaw niyo po na amoy?" Agad naman tinikom ni Lyn ang kaniyang bibig ng piitin ito ni Lina

Agad akong napaisip, naalala ko ang gustong gusto kong kainin nitong mga nakaraang araw. Mangga at asukal, 'yung amoy na ayoko. Napasimangot ako habang nag iisip.

"Ma'am dinalaw na po ba kayo nitong buwan na ito?" Tanong muli ni Lina, dahan dahan iyon na pagtatanong

"Nito po, w-wala pa po" wika ko at nakaramdam ng kaunting kaba

"Hindi po kaya, Ma'am juntis ka?" Kagat hintuturong tanong ni Lyn

"Ha? J-juntis? You mean buntis?" Sunod sunod kong tanong, napatingin naman ako sa aking tiyan. Hindi pa ganoon kalaki kung buntis nga ako

"O-opo" wika ni Lyn, agad itong muling piniit ni Lina

Muli ko silang tiningnan "May pakiusap lang po sana ako" wika ko at tiningnan silang dalawa, tumango naman "Hangga't hindi pa po natin alam kung anong nangyayare sakin please po sa'tin nalang po munang tatlo please" pakikiusap ko sa kanila, ngumiti naman sila at tumango

"Thank you po" pasasalamat ko at ngumiti.

Agad sila kumilos at kumuha ng plato nila at ako naman ay bumalik sa aking pwesto. Napasimangot ako dahil sa amoy.

"Ilayo mo muna kay Ma'am, Ate" wika ni Lyn kay Lina at kinuha kay Ate Lina ang ulam

"Pasensya na po" wika ko, ramdam ko ang tingin ni Lyn sa akin.

Alam ko ang ibig sabihin ng tingin na iyon. Hindi ko nalang muna pinansin ang tingin. Pinag patuloy ang aking pag kain.

"Tawagin ko po muna sina Rey at Boy" paalam ni Lyn, tumango naman ako

Umalis siya at kami ni Lina ang naiwan. Tahimik lang kami at kita ko sa peripheral ang pag sulyap nito sa akin.

Nasarapan naman ako sa aking kinakain kaya't tahimik akong ngumunguya.

"May anak po ba kayo?" Walang isip kong tanong kay Lina, agad itong tumingin sa akin at ngumiti

"Sana po meron, pero noong una gusto ko pero ngayon hindi na." wika nito, tumango naman ako at patuloy sa pakikinig

"Kung hindi niyo po itatanong eh may naging nobyo na po ako, hindi ko na po sasabihin ang pangalan. Noong sinagot ko po siya ay pinapili niya ako, sasama daw ba ako sa kaniya dito sa Maynila na kasama siya o si Lyn ay maiiwan" pag papatuloy niya

"Mas pinili ko po si Lyn, kapatid ko 'yan eh. Siya nalang ang pamilya ko" nakangiting wika nito

"Eh nasaan na po siya?" Tanong ko naman

"Nadito lang siya sa siguro sa Maynila, baka din may pamilya na iyon" sagot niya, tapos na kaming kumain. Dumating si Lyn at sina Kuya Rey at Kuya Boy kanina habang nag kukwento si Lina

"Kami na po" wika ni Lyn nang makitang nag liligpit ako ng pinagkainan

"Mag handa na po kayo para sa pag pasok" wika ni Kuya Rey na mag hahatid sa akin sa office

Agad naman akong sumunod dito, umakyat na ako at nag handa ng isusuot. Napatigil ako sa harap ng malaking salamin sa cr.

Tinaas ko ang t-shirt ni Aj na sinuot ko kagabi, nasabik ako sa amoy ng kaniyang damit.

"Kung may baby man ako sa aking tiyan, tiyak na mas sasaya ako at si Aj" mahina kong wika habang hinahaplos ito

Napangiti ako sa aking iniisip, may kumawalang luha sa aking mata. Dahil siguro masaya ang nararamdaman ko.

Agad na din akong naligo at nag bihis. Handa na sa pag alis.

Nang makababa ay kita ko si Kuya Rey na nag aabang sa akin sa terrace

"Tara na po" magalang kong wika at agad itong tumango at iniwan ang magazine na hawak niya.

Agad naman akong napatingin kay Kuya Boy na nag bukas agad ng gate.

Nang makalapit ako sa sasakyan ay agad binuksan ni Kuya Rey ang pinto.

Nai-start na din niya ang engine at umalis. Nag tanguan naman silang dalawa.

Hindi pa man kami nakakalabas ng subdivision ay tumigil ang sasakyan, namatay ang makina

"Ano pong nangyare?" Pag tataka ko

"Ma'am tumirik po" wika niya

Nakaramdam ako ng pagkairita ngunit hindi ko pinahalata, hindi naman niya kasalanan. Hindi ko pwedeng awayin ito.

"Sige po, mag taxi nalang po ako" wika ko at akmang mag bubukas na ng pinto

"Nako. Ma'am magagalit po si Sir" wika nito, halata sa boses ang takot

"'Wag po kayong mag alala, ako na po bahala doon" wika ko, hindi na niya ako napigil kaya naman tuluyan na akong bumaba

Binilinan ko pa siya bago umalis. Nang makarating ay nag bayad ako bago bumaba.

Hindi pa man ako nakakatapak sa tiles ng building ay agad may tumawag sa akin

"Ysa" tawag ng pamilyar na boses

"Kuya, what's up?" Nakangiting tanong ko, si Kuya Lavian

"Nakita kita sa taxi kaya sinundan kita" wika nito, nakangiti at mukang sabik na makasama ako

"Ilang beses kong sasabihin sayo na Lav nalang?" Reklamong tanong nito

"Sorry na, teka bakit nga ba? Miss mo na ba ako?" Pagbibiro ko

"Hindi pa ako kumakain, tara kain tayo?" Pag aaya nito, agad akong napangiti.

"Osige"Nag lakad kami hanggang sa mapunta kami sa isang karinderya, walang kaso sa akin ito dahil lutong bahay. Masarap.

Nang makapasok ay agad kaming umupo sa malapit kung saan nag ooder ng pagkain.

"Sir Ma'am" tawag ng isang lalaki, lumapit ito at may hawak na 1/4 na papel "Ano pong gusto niyong ulam?" Magalang nitong tanong

"Sa akin, Menudo" wika ni Lavian at tumingin naman ito sa akin. Sinulat ni Kuya ang binanggit ni Lavian

"Sa akin, ahmm Calderetang Baka kuya" wika ko at agad itong ngumiti

"Coke mismo nalang" wika ni Lavian sa akin at agad akong tumango

Umalis na si Kuya...

"Kamusta? Nag uusap na ba kayo ni Tito?" Tanong nito, si Tatay ang kaniyang binabanggit

"Hindi, mas pinili niya si Irene eh. Masakit pa din sa akin ang ginawa niya. Ayos lang sana kung ayaw na niya kay Nanay at wala siyang iba kaso hindi eh, nagkagusto siya sa iba" hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso, sa tuwing napag uusapan kasi ang tungkol kay Tatay at sa Irene na iyon ay mas madaling mag tubig ang mata ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko "Alam ko nasasaktan ka, kayo nila Tita at Kio pero wala na tayong magagawa. Tatay mo pa din siya, siguro kay Tita ayos na at tanggap na niya" wika nito, napatingin naman ako dito

Naalala ang sinabi ni Nanay bago sila umalis, noong hinatid namin ni Aj si Nanay at Kio sa airport

Nakayakap si Nanay sa akin "Pag gusto kang kausapin ng Tatay mo, pag bigyan mo. Tanggap ko na, tanggap na namin ni Kio, sana ikaw din. Oo mahirap anak, pero masaya naman na ang Tatay mo. Maging masaya nalang din tayo para sa kaniya" bulong nito habang nakayakap, ramdam ko ang pag pipigil niya ng kaniyang hikbi.

Kumalas ito sa yakap at hinaplos nito ang aking pisngi. Matapos ay si Aj naman ang hinarap niya. Si Kio naman ay yumakap sa akin "Let's just accept the facts, Ate. We all know that he is happy now, tulad ng sabi ni Nanay. Maging masaya nalang tayo kay Tatay kahit pa masakit ang dinulot niyang iyon. Tawagan mo ako pag gusto mo ng kausap, I will miss my Ate" ramdam ko din ang pag buntong hininga nang banggitin niya ang huling sinabi, hinaplos ko ang likod nito

"Take care of Yourself and Nanay okay? I am far away from you." Wika ko at tumango naman ito. Maya maya lang ay pumasok na sila.

Bumalik ako sa reyalidad nang bigla nitong punasan ang luhang nag simula na palang gumuho, hindi ko manlang naramdaman

"Kamusta ka naman ngayon? Sa trabaho mo?" Pag iiba nito ng usapan.

Dumating na ang pagkain at sinimulan na namin ang pagkain.

Pinunasan ko ang luha mula sa mata ko, inayos ang sarili at uminom ng tubig na dinala ni kuya.

"Masaya, 'yung boss ko? Boyfriend ko na matagal na. Nasa ibang bansa ka kasi kaya di mo na alam" wika ko at nakita ko naman ang pag ngisi niya

"Pwede mo naman akong i-chat o tawagan" asik nito at ngumisi pa

"Mas maganda kasi pag personal, wag ka na ngumisi eto na nga sinasabi ko na sayo hahaha" wika ko naman

"Sinasaktan ka ba naman? Sabihin mo uupakan namin ni Liam" wika nito, napatingin naman ako sa kaniya

"Liam? Kasama mo siya? Asan?" Masayang wika ko, anak niya iyon at kung susumahin ay nasa lima o anim na taong gulang na iyon ngayon.

Huli ko kasi kita sa kaniya ay isang taon palang at dinala na sa ibang bansa

"Nasa bahay, kasama Yaya niya" nakangiting wika nito, pero alam kong sa likod ng ngiting iyon ay may hinanakit. Hinanakit sa Ina ni Liam

"Hindi na kayo nag kaayos?" Dahan dahan kong tanong, hindi ko sigurado kung gusto na ba niyang pag usapan o handa na siya pag usapan ang tungkol doon

"Hindi na, She's already Married with her exboyfriend. She left us because of her ex" malungkot niyang wika

Nakonsensya ako dahil sa tanong ko, sana pala ay hindi ko na iyon tinanong. Sana ay nag isip muna ako.

Hindi ako nakapag salita, nakatingin lang ako dito

"Ano ba! Wala na sa akin iyon. Si Liam lang ang iniisp ko, patuloy pa din siyang nagtatanong tungkol sa Mommy niya" wika nito, nakatingin sa kung saan

"Anong tanong? Anong sinasagot mo?" Sunod sunod kong tanong

"Busy, minsan gusto ko na din sabihin ang totoo pero natatakot ako dahil alam kong hindi pa niya maiintindihan. Minsan ang sagot ko din ay nasa ibang bansa" kwento niya.

Nang matapos kami sa pag kain ay agad na din kaming tumayo.

Nag lalakad na kami pabalik sa Lorenzo, patuloy ang pag kukwento ko. Tungkol sa nakaraan ng pamilya namin, simula kasi nang umalis siya ay wala na siyang naging balita sa amin at ito na ang pagkakataon para makapag kwento kahit kaunting oras lang.

"Narito na tayo, ingat ka pag uwi" wika ko dito, nakataas na ako sa hagdan at siya naman ay umakyat kung saan ako nakatayo.

Hinila niya ako at niyakap. Niyakap ko din siya pabalik.

"Ingat ka, Kuya is always here for you. If you want something to tell Tito, but you can't. You can text me, you can tell me." Wika nito, napangiti naman ako.

Bumalik na ang kuya ko at wala na siyang balak bumalik pa sa ibang bansa.

"Thank you" wika ko, hinaplos niya ang aking ulo.

Bumitaw na din siya at tuluyan na nag lakad patungo sa sakayan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 148K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
676K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...