50: SANTI MEET CHRISM

159 18 3
                                    

Santi's POV

Natitigan ko na lamang siya habang kausap sila Kaze... Sobrang ganda niya at ramdam ko ang buti ng kalooban niya masasabi ko na ang swerte ko kung talagang asawa ko ang babaeng ito.

Pinipilit kong alalahanin lahat ng sinabi niya, lahat ng mga memories na yun pero wala kahit isa hindi ko makuha sa utak ko ang mga yun.

Ang tangi ko lang naaalala ay ang pangalang Saxia, ang pangalan niya ng taong minahal ko daw ng sobra sobra.

Saxia.

"okay ka lang"
aniya na hindi ko manlang napansing nasa harapan ko siya

I smiled and held her hand

"Oo may kailangan ka ba? "
I asked

ngumiti siya pero wala ni isang salita na nilabas mula sa labi niya

Para siyang anghel pag ngumingiti... madalas ko din naman titigan si Saxia (he's referring to Debbie)  ng ganito pero hindi ganito.

nakakahawa ang ngiti niya.

"Mas maganda ka pag nakangiti, kaya sana.... sana huwag ka ng iiyak"
nakangiti kong sabi

hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko yun pero ang alam ko lamang ay hindi niya deserve ang masaktan ng dahil lamang sa akin na walang alam

"Hindi na ako iiyak dahil kasama na kita Erick."
she said

Hinawakan niya ang mag kabila kong kamay na mas nagpalapad sa ngiti ko

Pakiwari koy ligtas ako pag kasama ko siya

pakiramdam ko lahat totoo at walang pag lilihim pag siya ang nag sasalita ganoon ang tama mo sa akin Miss.

Hindi pa man kita lubusang kilala pero alam ng puso ko na naging malaking parte ka ng buhay ko.

"kasama mo akong alalahanin ang lahat lahat Erick, ngayon... ako ang mag aalalay sayo sa magulo mong pag iisip"
naiiyak niyang sabi

walang pag dadalawang isip na hinapit ko siya sa akin at niyakap ng mahigpit.

at sa yakap na yun naramdaman ko ang kakaibang kaba na sa kaniya ko lang naramdaman.

hindi ko mapigilang ipagkumpara ang pag mamahal na pinapakita ni Sash sa pinaparamdam ni Saxia.

magulo ang lahat!

"aasahan ko yan miss"
madamdamin kong sabi

mas humigpit lamang ang yakap niya bilang sagot and sobrang gaan noon sa pakiramdam.

"Ehem"

nakalas naman kami sa yakap ng nag silapitan sila sa amin... nakakatuwa lang na andami ko palang kaibigan kasi sa mga taon na mag kasama kami ni Sash parang wala akong ibang nakakausap kung hindi siya at ang mga katulong and nurse.

"Ano na naman"
ani Saxia

natingin naman ako sa mga kaibigan niya

"Happy ka na niyan kasi nakabalik na ang pinaka mamahal mong si Love"
malokong sabi ng isa niyang kaibigan

kung hindi ako nag kakamali siya si Yena na kanina pang kwento ng kwento sa akin

sa sobrang dami niyang kwento nag halo halo na sa isip ko lahat pero ni isa wala akong maalala may kwento siya na hindi ko akalain na kaya kong gawin at mga kwento na kahit hindi ko maalala nasasaktan ako kasi nasaktan ko pala ang babaeng ito.

"Sobra"
aniya she got my eye

"sobra din akong masaya na kasama ka"
I randomly said while staring at her

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now