27: SAXIA AND SANTI

195 19 0
                                    

Santi's POV

Masakit ang ulo ko ng magising ako dahil na din sa araw na sumisilip sa aking kwarto.

Nasapo ko nalang ang sintido ko at hinilot ito.

Akmang tatayo ako ng biglang mag bukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Mama.

"Ma"
Nagtataka kong tanong

Nangiti lang siya at may inabot sa aking tasa na pinapainom sa akin

"Sige inumin mo bago ka tumayo,lasing kasi ng lasing"
She said

Naku po sermon na naman ang abot ko nito kay Mama

"Sorry na Ma medyo kailangan lang"
Napakamot naman ako sa aking batok

Hindi ko maalala kung paano si Mama nakapunta dito sa bahay ang alam ko ay nag iinom ako kagabi at pinigilan ako ni Dave pero nagmatigas ako dahil gusto ko lang uminom ng uminom kagabi para manlang makalimot ako kahit papaano sa nakita ko

"huy ano natulala kana diyan"
Pag agaw ng atensyon ni Mama sa akin

"Po oo nga,ay ano? Sige Ma baba na kayo susunod ako"
Aniko ng makatayo

"Sige bilisan mo ha para sabay na tayong mag breakfast mag hahain na din ako"
Anito bago lumabas ng kwarto

Matapos kong maubos ang iniinom ko ay magtungo ako sa cr para mag ayos. Natingin nalang ako sa salamin at nakita ko kung gaano kamaga ang aking mata.

"Hayyy naku"
Nahilamos ko nalang ang aking mga palad sa mukha ko

Paano ko ba siya haharapin ngayon!

Gusto kong magpaliwanag sa kaniya pero paano kung hindi na naman niya ako makuhang pakinggan tulad ng dati

"Ano ka ba Santi gawin mo ang lahat para sa mahal mo"
Bulong ng mabait kong anghel

"Dave shut up,bakit ka ba nandito"
Aniko habang nag pupunas ng mukha

"Eh kuya pinapatawag kana ni Mommy e sabi bumaba kana dahil padating na si Tito Oscar"
He said

"Sige tapos na din ako sunod nalang k osa inyo"
Aniko

Nakalabas siya ng kwarto ay lumabas na din ako ng cr pero nanatili ako sa aking kama dahil wala pa din naman akong ganang kumain.

Hinanap ko ang cellphone ko pero lowbat kaya sinaksak ko na muna at muling nahiga.

"Pppssshhh sana sagutin mo ang tawag ko mamaya love"
I whispered

Pumikit nalang ako muli at nakaramdam na ng antok...

Saxia's POV

Maaga akong nagising dahil nga may usapan kami ni Daddy na pupunta kanila Erick para doon mag breakfast at makapag usap kami ni love....

Pero hindi ko namam alam kung anong sasabihin ko dahil panigurado na galit yun sa akin

Ewan ko pero hindi ko rin kasi alam basta naguguluhan ako na natatakot sa kung ano ang pwedeng tunguhan nito!

"Nak tayo na nag hihintay na si Mommy mo at baka gising na din si Santi"
Aya pa ni Daddy ng makapasok sa kwarto ko

Natango ako at kaagad na dinampot ang bag ko ng biglang tumawag si Reun

Sinagot ko naman iyon ng walang pag dadalawang isip

"He-llo"
Ani ko

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now