CHAPTER 2

150 9 10
                                    

*COLE'S P.O.V*

Haaayyssss! Hindi ako makatulog. Di ako maka get over sa nangyare sakin kanina... Abot langit talaga yung kahihiyang sinapit ko nun... Bakit mo pa kasi pinatulan yung dimonyong mokong na yun Cole! Tss!

"Micaela anak! Bumaba ka muna dyan! May bisita tayo!" haays! Si mama talaga! Sabi ko Cole ang itawag sakin eh..Hmmm.. It's almost 12am na ah!? Sino kaya yung bisita?

"I'm coming ma!" tugon ko kay mama habang pababa ng hagdan. "Sino po ba yung bisita na-". Teka, kilala ko to ah.

"Hi Pretty Cole!! Miss me!?" Si tita Minerva!

"OH MY GOSH!!!! Tita Minerva! I've missed you so much!! Kelan ka pa dumating tita!?" sigaw ko habang nagtatakbo papalapit sa kanya para yakapin sya.

Bestfriend ni mama si tita Minerva. Sya yung nagaalaga sakin noon habang nasa trabaho si mama. Super bait nya sakin, lagi syang may dalang dolls and chocolates pag pupunta sya dito sa bahay nung bata pa ako...

"Kanina lang Cole, naisipan kong dumaan muna dito bago umuwi sa bahay. Nga pala may pasalubong ako sayo. Heto oh! It's your favorite" Yey!! May pasalubong ako!

"Nako Minerva, ini-spoiled mo nanaman yang si Micaela" . Si mama talaga ang KJ..

"Hayaan mo na Pia.. Ilang taon na kong di nakakadalaw dito. Pagbigyan mo na ko". sabi ni tita kay mama..

"Wow tita! Thankie sa Chocolates!" pasasalamat ko kay tita sabay yakap ng mahigpit.

Habang tuwang-tuwa akong kumakaen ako ng chocolates sa dining table.. Naririnig ko yung pinaguusapan nila...

"Kamusta na pala kayo ni Enrico?" tanong ni mama kay tita Minerva.

"Matagal na kaming hiwalay Pia. May iba na syang kinakasama ngayon" malungkot na sagot nya kay mama. "Iniwan nya nalang kami bigla ng anak ko, naglaho sya na parang bula. After a week ayun, nalaman ko may ibang babae syang kinakasama". Pagpapatuloy nya..

Grabe pala sitwasyon ni tita Minerva ngayon, pero teka. Ngayon ko lang nalaman may anak sya.. Wala naman syang naikukwento noon.

"Ahm.. Tita may anak ka po?" tanong ko..

"Oo iha, Di ko lang sya nababanggit sayo noon. Sa katunayan nga nung isang araw pa sya umuwi dito sa Pilipinas galing States. Pinauna ko na sya kasi may inaasikaso ako nung mga araw na yun" sagot ni tita Minerva.

"Ganun po ba tita?" nakaka curious naman.. Parang gusto kong makilala anak nya.

"Ipapakilala ko sya sa inyo bukas" whoa! Mukang nasense ni tita yung iniisip ko. "Alam kong curious ka Cole, kita sa muka mo" nakangiting sabi ni tita Minerva sakin. Ganun ba ka obvious yung muka ko? Nakakahiya naman...

"Pia, mauna na ako. Late na masyado kelangan ko nang umuwi" -tita Minerva

"Osige Minerva. Alam kong pagod ka na" -mama

"Tita! Dito ka nalang matulog please!" malungkot kong sabi kay tita Minerva with matching puppy eyes at pouty lips.. Hehe..

"Anak! Pagod na si tita Minerva mo kelangan nya nang magpahinga, saka baka hinihintay na sya ng anak nya" panenermon ni mama. Hmp!

"Pretty Cole, babalik pa naman ako bukas saka sa kabilang kanto lang naman yung bahay namin diba? Ikaw talaga". Oo nga pala..muntik ko makalimutan.. Malapit lang pala bahay nila dito. Shunga ka talaga Cole kahit kelan!

Nagpaalam na si tita Minerva samin. Ako naman dala-dala yung chocolates na pasalubong nya paakyat sa kwarto. Nakalimutan kong itanong kung lalake o babae anak nya. Mas lalo tuloy akong nacurious aah.. Di bale malalaman ko bukas..

Stuck With Him (On-Hold)Where stories live. Discover now