CHAPTER 7

89 8 6
                                    


Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Sam ngayon.


Habang nagkukwento ako kay Sam. Ang loka kinikilig. Parang kinikiliti ang tagiliran dahil hindi sya mapakali..

"Huy! Anung nangyayari sayo dyan??" I asked her. "Kilig na kilig ka masyado ah!" Sabay bato ng kinakaen kong boy bawang.


"Eh kasi naman bessy! Nakakakilig talaga! Kyaaaaaa!!!!" sigaw nya. "Don't tell me na hindi ka kinikilig ha??? Aminin mo na!!??" Pang aasar nya.

"A-ako? H-hindi noh!!! Over my hot and sexy body!" Pagmamalaki ko. "Never akong kikiligin sa demonyong mokong na yun!! NEVAH!!"


"Wag magsalita ng tapos bes! Baka lulunin mo yan pagdating ng araw. Sige ka!" Sam said with a grin.

Napalunok naman ako sa sinabi nyang yun... Tsk!

Hindi naman ako kinikilig diba? Bakit ako kikiligin? Hmp!

"Uyyy! Namumula!" Kantyaw nya sakin. Lakas talaga mang-asar nito.

"Ewan ko sayo Sam!" sabay bato ng unan sa kanya.


"Aw! Hahaha! PILLOW FIGHT!!" Sigaw ni Sam ng pagkalakas-lakas.

Para kaming bata dalawa sa kama nya na nagtatalon , naghahampasan at nagbabatuhan ng unan..

Tumigil si Sam saglit sa sobrang pagod.


"You know Sam, parang matagal ko na syang kilala. Hindi ko alam kung paano at kailan" I uttered.

Naibuga ni Sam yung iniinom nyang juice.. "MAY NAAALALA KA NA??" Sam shouted.


Naaalala? Huh? Pinagsasabi nito?


Napatingin ako sa kanya with full of curiosity in my eyes. "Anong naaalala? Anong ibig mong sabihin?" I asked her.

Bigla syang pinagpawisan at parang hindi mapakali sa sarili "H-ha!?? A-ah... E-ehh.. A-ang sabi ko.. Gagala tayo. Oo! Tama.. Gagala tayo..Di ka ba sasama?" She said.

After I tell her what I thought lately.. She began to act weird..

Hmm.. Di naman yun yung sinabi nya kanina.. Hayaan na nga..

"Ah.. Ok.. Sasama ako loka! Tara! Para naman makapag unwind ako" I answered.

--

After 30 minutes of walking here at the park. Me and Sam decided na maupo sa bench para kainin yung isaw at kwek-kwek na binili namin.

Inikot ko ang tingin ko sa kalawakan ng park.

May naalala ako bigla..

11 years have passed.. Apat kaming nagiikot dito sa Park. Me, Sam at yung dalawa pa naming bestfriends na si Shandriea at Clarissa. 9 years old palang kami ni Sam nun sila nasa 11 years old na parehas. Ate Riea at Ate Clari ang tawag namin ni Sam sa kanilang dalawa noon. Sila nga nagbigay ng nickname na Cole sakin eh.

We play a lot here sa park. Takbuhan, chinese garter, tagu-taguan at marami pang iba.

Walang makakapaghiwalay saming apat nun. We're like sisters from different mothers.

Pero pag dating namin ng highschool. Nagkahiwalay na kami. Si ate Riea, sinama ng mom and dad nya sa Canada. Dun na daw sya pag-aaralin.

Ganun din si ate Clari kaso sa Australia naman siya dinala ng papa nya.


Sobrang lungkot namin ni Sam nun. To the point na iyak kami ng iyak noon pag naaalala namin silang dalawa..

Luckily, Sam is always with me. Hindi sya umalis, hindi sya nang-iwan.. Pero hindi ko maiwasang mamiss yung dalawa.. Simula nung umalis sila, no communications na..

Kamusta na kaya sila? Miss na miss ko na talaga silang dalawa... Kami kaya namimiss nila? I sighed heavily.


Napansin ko si Sam, kanina nya pa hawak yung cp nya.. Text ng text..

"Oy! Baliw! Bakit pangiti-ngiti ka dyan mag-isa? Whats with you? Jowa mo ba katext mo?" I asked.

Bigla syang lumingon-lingon sa paligid..


"Kyaaaaaa!!!" She screamed with full of excitement on her face..

Nababaliw na yata tong babaeng toh! Jusko!

She pointed something behind me. Before I got a chance to look. Someone covered my eyes from behind.


"Sino t--" hindi pa natatapos yung sasabihin ko, may dalawang taong biglang nag salita..


"Guess who!?"

That voice... K-kilala ko k-kung kanino yung boses na yun.

Tinanggal na yung pagkakatakip sa mata ko. Nakita ko si Sam. Naluluha at namumula ilong.

My eyes are starting to get teary.. I slowly turn my head behind me...

I burst out in tears nung nakita ko kung sino nasa likod ko..


"SURPRISE!!!!"

~~~~~~~~~~~
A/N:

Short update for today!!!

Gusto mag thankyou sa lahat ng nakaintindi sa decision ko about sa P.O.V. thingy!

Lalo na sa mga characters ng story ko..
<3 <3

Anyways!! Sino ba ang nagbalik? Kilala nyo ba???

Lemme know! Just vote and comment!
Thankie!!! ( ˘ ³˘)♥

Stuck With Him (On-Hold)Where stories live. Discover now