saan ba kita hahanapin Santi!

"nahihirapan din ako Oscar, pero ano bang pwede nating gawin para mawala na ang problemang ito"

"Let me do this Hon hahanapin ko si Santi"
he said

"thank you Hon"
i said

Saxia's POV

nagising ako sa tanghaling tapat mag isa lang ako sa kwarto, kanina bago ako matulog ay katabi ko si Mommy.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari, pakiramdam ko mali yun na hindi dapat nangyari yun.

Gusto ko nandito ka Erick... gusto ko kasama ka.

Pero kung ganoon lamang ang pangyayari mas gugustuhin ko nalang na sana panaginip na lamang yun.

Hindi kita kayang makita na may minamahal at kinakasamang iba love.

"mahal na mahal kita"
i whispered

Bakit ganun, ang bilis bilis mapalitan ng lungkot ang kaninang saya.

parang sobrang daling mawala ng saya pero ang lungkot napakahirap pakawalan at iwanan kahit gustong gusto mo itong alisin.

kapag naiisip kita hindi ko mapigilan na maluha sa kahit simpleng ala ala lang para bang sasabog ang dibdib ko.

"Saxia"

napahid ko ang luhang kumawala sa pisngi ko at nag inat inat

"Hmmm"
ani ko

kaagad na tinabihan ko ni Yena sa kama kasama si Morisse

"hindi ka okay alam ko"
malungkot ang boses na sabi ni Morisse habang nakaupo sa harapan ko

I smiled but my eyes got this tears

natatawa ako pero at the same time naiiyak.

Imagine antagal tagal ng panahon mong ginawang impyerno ang buhay mo yung tipong nakulong ka sa lungkot at dilim dahil ang buong akala mo patay na siya.....

pero... pero ito nakita ko buhay na buhay!

"Saxia uy wag kang ganyan kinakabahan ako sayo e"
kabadong sabi ni Yena

"h-indi ko kasi alam yung gagawin ko... t*angna ang sakit kasi! imagine how they ruined my past two years! "

galit na galit ako kasi hindi ko alam kung bakit!

galit ako kasi hindi ko alam kung paano labanan yung sakit

yakap yakap ako ni Morisse habang hawak ni Yena ang kamay ko

gustong kong mag wala gusto kong ibato lahat ng gamit gustong kong ilabas lahat pero bakit pa kung wala naman magbabago pag nagawa ko yun!

"alam niyo hindi ba? kita niyo yung buhay ko, nakaya ko na ng wala siya e pero.... hayop lang bakit bumalik siya tapo-s g-anito! "

"pagod na ako! pagod na pagod na akong masaktan ng dahil sa lalaking yun! Pagod na akong mabuhay ng dahil sa lintek na pag ibig na yan! "

halos mapaos ako sa sigaw para lamang mailabas ang mga salitang hindi ko na alam kung paano ko nailalabas.

nadala ng galit!

ng sakit!

ng takot!

lahat na ata ng salitang pwedeng ibato!

"Hindi ka pagod, hindi ka takot, hindi ka ganyan Saxia ano ba"
galit ang tonong sabi ni Yena

natahimik ako habang naiyak

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now