What's wrong with Adda?

1 0 0
                                    

*brrttt brrrttt*

Nagising ako sa vibration ng cellphone ko. Pikit mata, kinakapa mahanap ang cellphone para patayin ang alarm.

Pagkapatay ko sa alarm, agad akong bumangon, nag-inat ng kaunti.

Paglabas ng aking kwarto agad kong diniligan ang nag iisa kong munting halaman na sa paso, at agad itong inilabas sa apartment ko at inilapag sa gilid ng pintuan, sa pwestong nasisikatan ng araw.

Madali akong pumasok uli ng apartment at nagtimpla ng kape.

Isa ito sa listahan ko na ginagawa ko araw-araw bilang self-love. Matapos akong magtimpla ay nagprito ako ng itlog at ipinalaman ko ito sa tinapay. Ito ang lagi kong almusal.

Habang nag -aalmusal ako ay nagbabasa ako ng libro. Madaliang pagbasa lang hanggang sa matapos akong mag almusal. Gumayak ako at lumabas na ng apartment para pumasok.

Paglabas ko ng apartment, nakita ko nanaman ang babaeng ka-eskwela ko, katabi ko siyang nangungupahan rito ng apartment. Kada umaga ng alas-otso, nakikita ko siyang laging nakabilad sa sa sikat ng araw.

Hindi ko alam kung anong trip niya sa kaniyang buhay at talagang kina-career niya ang pagbibilad sapagkat wala siyang payong, ni sumbrero. Namumula na ang kanyang balat sa pagkabilad at mangiyak ngiyak sa pagtitig sa araw.

Noong pagkalipat ko rito, ay nandito na siya sa kabilang apartment. Pagkakita ko sakanya noon, ay nagpakilala ako pero natikim lang ako ng snob mula sakaniya. Pero sa pangalawang araw ko rito ay muli ko siyang kinausap at pinansin naman niya ako.

Siya si Adda. Parehas kami ng unibersidad na pinapasukan, nasa kolehiyo na rin siya at ang kurso nya ay nursing. Dati ay lagi kaming nagk-kwentuhan dito lang sa labas ng apartment namin. Wag kayong malisyoso, hindi kami naglalandian, kami ay magkakilala lang. Subalit noong nagkasakit siya noong nakaraang taon, kami ay hindi na nagpapansinan pa uli.

Noon kasi ay palagi siyang kumakatok sa aking pintuan para humingi ng tulong. Parati siyang may sakit, tila ba ay parang sakitin talaga siya. Ako ang nag aalaga at nagbibigay ng gamot niya, tubig at pagkain, lahat na, syempre maliban sa mala-piolo pascual kong katawan. Biro lang!

Ngunit noong nagkaroon siya ng boyfriend ay natigil na ang aming koneksyon sa isa't isa, ni magturingan na magkakilala ay wala na.

Ang nangyari noong gabing yon ay muli siyang kumatok sa pintuan ko at agad kong nakita ang dugo-dugo sa collar ng kaniyang suot na puting polo-shirt. Nataranta ako at nagtanong ako kung anong nangyare, panay ang ubo niya na may kasamang dugo at tila naghahabol siya ng kaniyang hininga. Sobrang putla ng kaniyang mukha at ang itim sa kaniyang mata ay nanginginig. Agad ko siyang pinahiga sa kama ko, tatawag na sana ako ng ambulansiya para maisugod siya sa ospital.

Ngunit bigla na lamang may humawak sa balikat ko at pag lingon ko ay bigla akong napatumba sa lapag, nahihilo at hindi agad makapag isip.

Sinapak ako.

Sinapak ako at tumama sa ilong ko. Ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay ay ang boyfriend ni Adda at binuhat si Adda palabas ng kwarto ko, at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Kinabukasan pagkagising ko nung gabi na yon, ay ipinaliwanag sa akin ni Adda na ayaw nang boyfriend niya na kami ay mag-uusap pa.

Ay.. Ganon? Nagselos?

Ang sabi ko kay Adda ako ay makikipagusap sa boyfriend niya para makapagpaliwanag at makipag-ayos. Ngunit ang sabi niya ay naipaliwanag na niya ang lahat. Pero ito raw ang desisyon nilang dalawa.

Isa lang masasabi ko...

Edi wow sakanilang dalawa.

Mula sa araw na iyon, walang nabago kay Adda. Palagi paring nagkakasakit, at palagi siyang pinupuntahan ng kaniyang kasintahan para alagaan.

Pink Diary ni TON-TONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon