"Iha, lami ni. Try some, will you?" Nakakahiya namang tumanggi kaya naman kumuha ako ng limang piraso.


If there's a certain word I understand, that would be "lami". Miss Adel, a regular teacher in this school, taught me that it means masarap.


I've never tried Durian in my whole life, to be honest. But on my first day here, the teachers made me try it. Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang itsura at amoy. Masyadong matapang. But when I tasted it, it was really good.


They often offer me sweet pastries like durian tarts and egg pies. Mayroong mga ganon sa Maynila pero iba ang pagkaka gawa dito. I've also tried mangosteen and marang, and they were really mouth-watering.


Minsan ko na ring nabisita ang Roxas Night Market at ang Magsaysay Park kasama ang mga kakilala kong teachers. We ate a lot of Davao delicacies and they were all delicious and satisfying.


Natatawa nalang ang mga kasamahan ko minsan sa ka-ignorantehan ko sa mga pagkain dito. Madalas ay ako talaga ang pinipilit nilang pakainin ng mga ipinagmamalaking pagkain sa Davao dahil bago lang ako.


Sa apat na araw dito ay hindi ko akalaing madaming lugar na ang napuntahan ko.


"Ay tama diay, Aria."


Napatingin ako sa isang teacher na tumawag sa akin. Si Miss Karla.


"Naistorya sa among principal ang imong teacher didto sa Manila. Ang sabi niya ay may ipinadala daw na isa pang estudyante dito. Ugma siya muabot."


Miss Karla smiled at me and I gave her an awkward one. Hindi ko masyado maintindihan. Isa kasi siya sa mga hindi gaanong magaling sa pagsasalita ng Tagalog at English dahil Mother Tongue ang itinuturo.


Bumaling ako sa isang English teacher na si Ma'am Mery Ann. She smiled at my reaction.


"Your school secretary called the Principal a while ago, Aria. Ang sabi ay may ipapadala pa daw dito na makakasama mo sa ilang araw mo nalang sa Davao at sa byahe mo sa Davao Oriental. He or she will be arriving tomorrow."


Napatango-tango ako. Sino naman kaya ang balak ipadala ng school? Wala na nga akong gaanong ginagawa dito, may makikihati pa sa mga gawain ko.


It was true. All I do in this school is type memos or record notes, run errands and then do nothing. I was honestly bored to my wits. 'Yun nga lang ay hindi naman ako pwede'ng magreklamo. This was my last card for an internship.


The day went on fast. Wala naman kasi kaming gaanong ginagawa sa school ngayon kundi ang mag record ng stats at magplano ng activities.


At 3pm, we were already dismissed by Sir Allan— the school principal. Paglabas ng school ay nilakad ko ang kaunting distansya patungo sa overpass. Inakyat ko iyon at sa pagbaba ay kaunting lakad lang tapos ay mararating na ang apartment na tinutuluyan ko.

Reach [Complete]Where stories live. Discover now