Kabanata 42

781 56 34
                                    

Nang magising ako ay ang malungkot na mukha ni Zephyr ang nakita ko. Katabi niya ang ob gyne kong si Dra. Alyn Tan.

"H-how's my baby?" Kinakabahang tanong ko. Hindi sila makasagot. Nakatingin lang sila sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

"Ang baby ko? Okay lang ba siya? Anong lagay niya?" Sunod-sunod na tanong ko. Naiinis na ako dahil hindi man lang sila sumasagot.

"Miss. Delevigne, I'm really sorry. You lost your baby." Natulala ako sa sinabi niya. 'You lost your baby.' Parang paulit-ulit kong naririnig 'yon. I can't breathe properly. Ang buong katawan ko ay nanginginig sa matinding gulat. Parang sinaksak ang puso ko sa nalaman ko. Ito ang mas pinakamasakit na katotohanang nalaman ko. Napailing ako, umiiyak.

"N-no... That's not true. My baby is not dead. I don't believe you! You are a f*cking liar! Don't f*cking say that again!"

"Shan..."

"No!!!" Naimulat ko ang aking mga mata. Sobra-sobra ang tahip ng aking dibdib. Pinagpawisan din ako ng kaunti. Damn! I had a bad dream. When I looked around nasa ospital na ako. Naalala ko ang mga nangyari. Gano'n na lang ang takot ko nang maalala ang nangyari sa engagement party ni Ciara at Zephyr. Dinugo ako dahil sa kagagawan ni Cassidy. Dinala ako ni Zephyr dito sa ospital. Nang makarating kami rito ay nawalan kaagad ako ng malay. Sh*t! How's my baby? Okay lang ba siya? Sana hindi magkatotoo ang panaginip ko. Hindi ko talaga kakayanin. Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Zephyr. How can I explain to him?

"Is my baby okay?" Tanong ko, kinakabahan. Nakatayo lang siya sa gilid ko ngayon, sobrang seryoso.

"Safe ang baby. Mabuti't nakarating kaagad tayo sa ospital. Naagapan ang pagdurugo mo. Basta mag-iingat ka lang palagi dahil baka kapag nangyari ulit 'to baka tuluyan nang mawala si baby." I swear hindi na mauulit. Hinding-hindi na talaga!

Napahawak ako sa tummy ko. Thank you dahil strong ka baby. Hindi mo ako iniwan. Naiiyak ako. Sobra akong naaawa sa baby. Sobra akong naging pabaya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nagmukha akong tanga na walang kaalam-alam na magkakaroon na pala ako ng anak. We both know that is mine. ONLY MINE! I am the father, but you never bother to tell me about the baby. You're eight weeks pregnant and counting. Tapos ngayon ko lang malalaman na may nabuo pala.  Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Galit talaga siya. Kitang-kita ko rin ang hinanakit sa mga mata niya.

"Motherf*cker! How dare you say that? Lalaki ka. Sa ating dalawa dapat mas alam mo kung may mabubuo. Palibhasa puro ka lang tira! Lint*k ka. H'wag mo akong sisisihin kung bakit nagmukha kang tanga. Sasabihin ko naman sayo...hinintay kita sa school. Pumunta pa ako sa condo mo para lang sabihin sayo na magkakaanak na tayo. Pero nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sayo kasi sinabi mong engaged ka na kay Ciara. Para saan pa kung sasabihin ko sayo? Hindi ko naman hinahangad na panagutan mo ako. Ang gusto ko lang ay malaman mo ang tungkol sa bata. Hindi natin mahal ang isa't-isa ka__"

"Gano'n na lang 'yon? Sinasabi mong hindi natin mahal ang isa't-isa. Ano kung hindi? Hindi natin iisipin ang magiging kapakanan ng bata? Shan! Anak natin 'yan. Ginawa natin 'yan. Karapatan niyang magkaroon ng kinikilalang ama kaya dapat kitang panagutan. Hindi naman 'yan pagkakamali. Pareho nating ginusto ang nangyari. Damn! Kaya pala ang laki ng mga pagbabago mo kasi dahil 'yon sa pagbubuntis mo. Sobrang saya ko nang nalaman kong buntis ka. When I saw you bleeding sobra akong natakot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nawala si baby. I'm really sorry kung wala ako lagi sa tabi mo. Babawi ako. Aalagaan ko kayo. Hindi ko kayo pababayaan. Hindi ko na hahayaang maulit ang nangyaring 'to." Naupo siya sa gilid ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Hindi na kailangan. You don't need to effort. Kaya ko ang sarili ko."

"What do you mean?"

"Hindi kita pinipilit na panagutan ako. Sapat ng alam mo na may anak tayo. Ako ang nagpabaya. Pinutol ko lahat ng pagpipigil mo. I let you touched me. Hinayaan kita dahil ginusto ko kaya hindi kita bibigyan ng responsibilidad. Mag-isa ko 'tong haharapin."

Book 1: RuthlessWhere stories live. Discover now