Kabanata 16

668 36 0
                                    

ILANG araw din akong hindi kinausap ni mommy at daddy. Wala akong ibang inatupag kundi makipag-away kasama ang gang ko. Uuwi lang ako sa mansion kapag matutulog at magbibihis ako.

Masyadong busy si mommy at daddy sa paghahanap sa nawawala nilang anak. Ngayon nga ay nabalitaan kong nahanap na raw nila ang nawawala nilang anak. Umuwi ako para malaman kung totoo ba 'yon.

"So, ganito talaga ang maaabutan ko rito? Balita ko nahanap niyo na ang anak niyo?" Tanong ko nang makarating sa mansion. Naabutan ko rin si Thea roon. Bakit siya nandito? Di ba sa condo na siya ni Zay nakatira.

"Shan, baby yes we found her." Masayang sabi ni mommy. Lumapit siya sa akin saka ako niyakap. "Baby, nahanap na namin ang kakambal mo. Si Thea ang kapatid mo. Siya si Sabrina." Natigilan ako sa narinig ko.

"What? Are you kidding me?" Natatawang tanong ko saka lumayo kay mommy. Anong si Thea? Nasisiraan na ba sila ng ulo?

"No, Shan. Totoo ang sinasabi ko."

"I don't believe you."

"Baby, makinig ka sa sasabihin ko." Saad ni mommy saka sinimulang ikuwento ang lahat sa akin.

Pumunta raw sa ospital nun si Yulie Valderoza--- umampon kay Thea, para sana alamin if she is pregnant? Pero nabigo raw siya dahil hindi pa rin pala talaga. Pauwi na raw siya nun nang magkagulo sa ospital. Nagkakaroon na pala ng isang malaking sunog. Nagkagulo na at lumaki na rin ang apoy. Napadaan daw si Yulie Valderoza sa isang silid kung saan malaki na ang parteng nasusunog. Sa pintuan ay may mga lalaking nawalan ng malay---- sila ang bodyguard sa silid na 'yon. Aalis na raw sana siya, pero napahinto siya nang narinig niya ang malakas na iyak ng sanggol na nagmumula sa silid na 'yon. Naglakas loob siyang pumasok sa silid kahit na malaki na ang apoy at do'n niya nakita ang isang babaeng nakahiga sa kama at walang malay---- 'yon ay si mommy. Nakita niya rin ang dalawang bata na umiiyak---- 'yon daw ako at ang kakambal ko. She asked for help, pero walang may nakapansin sa kanya. Kukunin niya sana kaming dalawa ng kambal ko para mailigtas. Pero dahil sa laki ng apoy ay isa lang ang nakuha niya. Si Sabrina ang nakuha niya. Nailigtas din kami ni mommy. Dahil raw sa kagustuhan ni Yulie Valderoza na magkaanak ay nahirapan na siyang ibalik ang kapatid ko. At magmula raw nun ginawa niya ang lahat maitago lang ang kambal ko. Si Sabrina Delevigne ay ginawa niyang si Althea Ellez Valderoza. Natakot siya kaya wala siyang lakas ng loob na ibalik si Sabrina sa amin. Mas naging komplikado pa raw ang lahat dahil nakialam si Reneyvar Walker----- ang business rival ng parents ni Zay. Plano niya raw gamitin ang pagkawala ni Sabrina para pag-awayin ang parents ko at parents ni Zay. Mabuti na lang daw at hindi siya nagtagumpay.

Tapos nang ikuwento ni mommy sa akin ang lahat. Lahat-lahat ay sinabi niya sa akin. Pero ayaw kong maniwala. Hindi p'wede! Hindi si Thea ang nawawala kong kapatid.

"No! I still don't believe you. She's not my sister! Siya pa? Hindi ko matanggap!"

"Shan, just accept the fact that she's your sister. What's the proof you need to know? Hindi mo ba maramdaman na kapatid mo si Thea? Kasi kami ramdam na ramdam namin na anak namin siya."

"No! No! No! I need a strong evidence! I need a DNA test. Ipa-DNA test niyo si Thea. Paano kung niloloko lang tayo ng mama niya? Oo nga, ampon lang siya. But it doesn't mean tayo na ang totoo niyang pamilya." Pagmamatigas ko.

"Shan, we don't need a DNA test here because we know she's really Sabrina" Saad ni daddy.

"If you want me to believe you, papayag kayo sa gusto ko. DNA ang kailangan kong patunay. Now, if you can't give what I want, I will not consider her as my sister." Ngumisi ako saka lumapit kay Thea.

"Are you afraid to have a DNA test? Why? Because you're not really a Delevigne. You're a mock! Attention seeker! If you need money, I can give you a substantial amount of penny. Just leave my parents. They don't need a crook like you!" Akusa ko sa kanya.

Book 1: RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon