Tumayo ako at saka lumabas ng opisina sumama naman ito sa akin.

Pagdating namin nakita ko si Mavie na parang balisa. 

"Si Levin?" Tanong ko. 

"Eh kasi bakla..." pabitin nasabi nito.

"Diretsahin moko Maverick." banta ko.

"Si Levin kasi nawawala." diretsong sabi niya

"ANO?!" sabay na sabi namin ni Gail.

"Sinabihan ko siyang wag aalis kasi bibili lang ako ng tubig pagbalik ko hindi ko na siya nakita." paliwanag nito.

Agad akong humarap sa mga bodyguards na kasama ko. 

"Nawawala ang pamangkin ko tulungan niyo kong maghanap." sabi ko.

Tumalima naman agad sila.

Nagsimula nadin akong maghanap, alam kong hindi pa nakakalayo si Levin.

"Levin? Levin baby? nasaan ka?" sigaw ko. pinagtitinginan na ako ng mga empleyado kaya nagtanong ako.

"Have you seen any 5 year old kid roaming around?"i asked.

"Meron po pero papapunta po siya sa labas." sabi nung girl.

"Lumabas?" tanong ko. tinanguan niya lang ako. 

Tumakbo ako palabas ng building hindi ko inalintana ang pagtawag ng mga bodyguards ko.

"Levin?! Levin anak nasan ka?!" sigaw ko habang umiiyak.

"Levin anak nasaan ka?" umiiyak parin ako.

Nang hindi mahanap napag pasyahan kong humingi ng permiso kay Kuen para gamitin ang sasakyan nito sa paghahanap.

I walked very fast, papunta sa elevator at pinindot ang last floor.

Instead of knocking, agad kong binuksan ang pinto and i was about to talk when i saw him kneeling of the floor with a kid?

Si Levin

"Levin?!" tawag ko.

"Titamommy!" umiiyak na tawag nito.

Mahigpit ko siyang niyakap. 

"Saan ka ba nagpunta? pinag-alala mo ako alam mo ba yun?" umiiyak na sabi ko.

"S-sorry po titamommy." sabi nito habang sinisinok.

Nakita ko lang siyang nakatayo kaya naman kinarga ko si Levin at humarap dito.

"S-salamat." nahihiyang sabi ko.

"It's okay with me if you want your nephew to live with you, I don't mind."He said before returning to his swivel chair and started to type on his laptop.

"Thank you so much, don't worry, pagbabawalan ko siyang maglaro sa kung saan." I said.

He only raised his eyebrows, sarap talaga ahitin ng kilay niya kainis.

Pinunasan ko ang mukha ni Levin gamit panyo ko saka dinala sa opisina ko sa harap.

"Sa susunod wag na wag kanang aalis ng walang kasama okay? sige ka gusto mong kunin ka ng mga bad guys?" Pananakot ko

"Ayoko po sa mga bad guys titamommy." sabi nito. 

Pinaupo ko siya sa couch at tinawagan si Mavie at Gail.

Nang masabing nakita ko na si Levin pinaakyat ko sila dito.

"Ano nang gagawin mo?" tanong ni Gail.

"Pumayag si Kuen na patirahin ko si Levin doon, kaya wag kang mag-alala babantayan ko siya ng maigi." pangako ko.

"Bakla sorry talaga! Di ko sinasadya promise!"sabi ni Mavie.

I rolled my eyes.

"Bakla para kang tanga dyan." I said.

Nagtawanan kami.

Niyakap nalang ni Mavie si Levin habang nginitian naman ako ni Gail.

"Feel ko mabuting tao yung asawa mo."biglang sabi ni Gail.

"Sana nga ay mabuti."sabi ko.

---- 

Gabi na at nakauwi na kami walang ibang suot si Levin maliban sa suot nitong jumper at long sleeve shirt. 

kaya naman nagtanong ako sa mga kasambay kong may mga damit pambata sila. buti nalang meron pang naiwan ang anak ng isa sa mga kasambahay dito.

"Magtoothbrush ka na tapos tabi kana sakin okay?" sabi ko.

"Opo tita."sagot nito bago tumalon pa alis sa kama.

May kumatok sa pinto kaya naman tumayo ako at binuksan iyon.

Nagulat ako ng makita ko si Kuen sa labas, naka pajama na ito at kakagaling lang siguro sa banya dahil na aamoy ko ang shampoo na gamit nito.

"Bat ka nandito?" tanong ko.

May inabot itong sobre at saka tumalikod, akmang maglalakad ito ng magsalita ako.

"Bat mo ba to ginagawa?" tanong ko.

Hindi ako nito pinansin, tinalikuran muna niya ako bago ng salita.

"Asked the turtle not me."He said saka na naglakad papunta sa kwarto niya.

Talagang! nakainis yung lalaking yun alaka ko pa naman nagbago na ang ugali nito. bipolar talaga! Kainis! Nakakainis talagaaaa!

**

 THE MAFIA BOSS ACCIDENTAL BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now