I heard loud gasps around us and soon enough event the loud music stopped. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking pisngi habang nakasalampak ako sa sahig at hawak ang kanang pisngi kung saan tumama ang kamay ni Rookie.

I closed my eyes tightly when it started to get all blurry because of the tears forming. Never in my life have I ever experience being hit by anyone. Hindi sa ampunang pinanggalingan ko o kahit sa poder ng mga magulang ko ngayon. Kahit kailan ay hindi ako napag-buhatan ng kamay ng kahit na sino kaya naman sobrang bago ng pakiramdam na ito sa akin ngayon.

Mabilis akong dinaluhan ni Paige sa may sahig. She immediately cupped my face and made me look at her. Nang buksan ko ang aking mga mata ay ang nag-aalala niyang mga mata na may halong galit ang sumalubong sa akin.

"What the fuck do you think you did?!" Ang galit niyang boses ang pumuno sa ngayon ay tahimik na auditorium ng school kung nasaan kami.

Ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng tao sa paligid. They were all too stunned to talk or do anything.

Kilala ako sa buong school. I am the top student of my batch, the president of the student council, one of the best debaters, and the title holder of the university's beauty queen. I was a person whom they see to be always on top. An unwavering model of theirs. But tonight, they saw me on the ground, wordlessly clutching my aching cheeks after being hit by the varsity captain.

"T-Teagan . . ." Nauutal rin sa gulat na tawag ni Rookie habang nakatingin sa akin.

Sa gulat niya ay hindi siya agad na nakapanimbang ng buong lakas siyang itinulak ni Paige bago ito sumampa sa kanya at malakas na sinapak ang lalaking napahiga na ngayon sa sahig.

"Paige!" Pakiramdam ko ay nalimot ko na ang sakit na dulot ng hapdi ng sampal ni Rookie, mabilis akong tumayo mula sa lapag at may pagmamadaling dinaluhan ang dalawa para ilayo si Paige kay Rookie.

I think masyado kong minaliit ang kakayahan ni Paige. The gasps were now louder as we saw how Rookie struggled to push her up. Eksperto ang bawat galaw ng mga kamay niya at walang mintis ang pagtama ng mga ito sa mukha ng malaking lalaki.

"Paige!" pilit kong awat kasabay nang paghila ko sa kanya palayo. "Please!"

"Tegs!" sandali ko lamang na binalingan ng tingin ang mga kaibigan naming humahangos na lumapit sa amin at mabilis ring ibinalik ang atensyon sa paglalayo kay Paige.

My guy friends immediately help by pulling Rookie away while the girls joined me as we pull the angry Paige out of the auditorium.

"Dumb asshole! Alamin mo kung sino kinakanti mo!" patuloy niyang panghahamon kahit na nakalabas na kami ng auditorium.

"Paige!" sigaw ko, ramdam na ang bahagyang pag-akyat ng iritasyon dahil sa inaasal niya. Hinihingal niya akong binalingan kasabay nang paunti-unting pag-re-relax ng kanyang tense na katawan.

"You okay?" hinihingal niyang tanong.

I stared at her for a while before sighing heavily with my eyes closed tightly as I gently massaged my temples.

"Ano ba kasing nangyari, Tegs? Hinatid lang namin iyong mga freshies sa booths pagkabalik namin nagkakagulo na!" ani Kat na pabalik-balik ang tingin sa amin ni Paige.

"That dumbass—"

"Paige," I called out in a warning tone making her jaws clench as she swallowed her upcoming profanities.

"Sinaktan ka daw ni Rookie, Teg?" tanong ni Lawrence na kalalabas lang rin ng auditorium kasama ang iba pang boys.

Imbes na sagutin siya ay tinanong ko lamang siya kung ano ang nangyayari sa loob. "Pinapatawag ka sa loob," he answered with a sigh.

"Ayos ka lang, Paige?" baling niya sa kasama kong tumango lamang sa kanya habang tila galit sa mundong iniwas ang tingin.

They mouthed for me to talk to her pero wala pa akong oras para gawin iyon ngayon. Hinahanap ako ng facilitator sa loob kaya kailangan ko na munang bumalik sa loob.

"Paige," tawag ko ngunit hindi niya iyon pinagtuonan ng pansin.

"Paige," ulit ko na hindi niya parin pinansin.

Umakyat na ang inis ko at pakiramdam ko ay sasabog na ako dala ng pinaghalo-halong inis, galit, takot, pagkapahiya, at sakit sa pisngi. Kaya naman ay tiim ang bagang na muli kong sinubukang kunin ang pansin niya.

She probably realized that I'm finally starting to get mad kaya naman ay binaligan na niya ako ng tingin.

"You behave here. Babalik lang ako sa loob para kausapin ang mga facilitator. Babalik ako. Don't make any trouble," mariin kong paalala kasabay nang pagpapaalam.

"I'm not a freaking five o'clock, Teagan," she mumbled coherently.

"But you just acted like one a few moments ago. Dapat ay hindi mo na siya pinatulan pa—"

"At ano? Hayaan siyang bastusin ka na lang? Hindi mo ba nakita ang mga tingin niya sayo, Teagan? That man was shamelessly peeking at your cleavage!" she hissed angrily. Tahimik ang lahat ng mga kaibigan namin at tahimik lamang kaming pinapanood na magsagutan. Natigil lamang ang palitan namin nang labasin ako ng isa sa mga juniors namin dala ang utos ng facilitating faculty na pumasok akong muli ang auditorium.

Matalim kong tinignan si Paige. This is the very first time I had a quarrel with someone. Ni hindi ko in-expect na my first fight would be with her!

"You wait here. Hindi pa tayo tapos," ani ko bago sumunod sa junior pabalik sa loob ng auditorium para kausapin at isalaysay sa facilitator at sa iba pa ang tunay na nangyari.

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Where stories live. Discover now