3

7 0 0
                                    

Lumipas ang ilang mga linggo at tuluyan na ngang nagbago ang aming buhay. Lumipat kami sa mas maayos at mas malaking bahay. Nasagot na rin ang lahat ng mga katanungan ko sa bahay. Noong gabing nalaman ko ang totoo, ayaw pang magsink-in sa utak ko. Habang tumatagal mas naiintindihan ko na ang mga bagay na dapat kung malaman.

Pagkatapos ng isang linggo pagkatapos ng gabing iyo ay bumalik na si mama, papa, kuya, Jay at tita sa ibang bansa. Sinasama nila kami ni ate Shai pero hindi kami pumayag. Feeling kasi namin mas masaya at mas ma-eenjoy namin si life pag andito kami sa bansang kinalakihan namin.

Syempre dahil lumipat kami ng bahay, kailangan din naming lumipat ng papasukang school. Ewan ko ba kung bakit pero inenrol kami ni tito sa mamahaling school. Sayang pera, hayz. Nag-umpisa na ang classes this year, September na kasi ngayon. Ang umpisa ng pasukan sa kanila ay July. Late enrolless kami buti nalang tumatanggap pa sila. Ngayon, kinakabahan ako kasi bukas na kami papasok. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko. Merong kaba, lungkot, saya, hiya at iba pa. Sana lang talaga maging okay bukas.

Grade 9 na ako, ambilis ng panahon pero bakit ganun? Naalala ko pa rin yung lalaking nasa birthday. Halos mag-aapat na buwan na nung huli ko siyang nakita pero shet, why? Habang nag-iisip ay may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Are you ready for tomorrow?" tanong sa'kin ni ate Shai

"Ikaw ba?" balik kong tanong sa kanya

"I ask you first kaya, ikaw din una sumagot" naiinis na sabi niya

"Ready ako, kinakabahan nga lang" pag-amin ko sa kanya. "Ikaw?"

"Ewan, hindi ko alam" she said while fiddling her nails

"Psh, ano kaya 'yun. Doon ka nga" pagtataboy ko sa kanya

"Atittude ka girl. Sige bye, goodnight!" sabi niya at lumabas na ng kwarto.


K I N A B U K A S A N


"GOOD MORNING ATE GAB!" nagulat ako pagdilat ko ng bumungad sa akin si Vince. Ano kaya ang nakain ng isang 'to? Bakit kaya siya andito sa kwarto ko?

"What do you need?" deretsong tanong ko sa kanya

"Ikaw naman ate, porket andito lang may kailangan na agad?" nagpapa-awang sabi niya. Akala niya naman bagay sa kanya.

"Bakit ba kasi?" medyo inis na sabi ko sa kanya. Panira siya ng tulog ko. 'Yun pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

"Pinapagising kana ni Dad" sabi niya habang nagkakalkal ng mga gamit ko

"Wow asensado ah. Dad na ang tawag kay tito" pang-aasar ko sa kanya

"Edi wow ate! Bumangon ka na dyan ha. Lalabas na ako" he said. I just nodded as a response to him.

Nakahiligan na talaga namin ang pang-aasar sa isa't-isa. Bawal ang pikon at kailangan walang killjoy. Well, minsan hindi talaga maiiwasan na may mag-away. Agad naman naayos kapag may mga ganitong bagay. Isang sigaw lang ni tito, tiklo agad kami. Kaya naman walang away ang nagtatagal ng isang araw.

After bathing, I put on my uniform and went downstairs to eat. It is so early in the morning but everyone in the house was awake. Everyone is preparing. I never thought that this day will come. It was like a wonderful dream. While eating breakfast, tito and tita talk about their businesses and other stuff.

Pagkatapos kumain ay umalis na kami sa bahay. Mabilis kaming nakarating sa school. Habang naglalakad sa hallway ay pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Hindi pa kasi nag-uumpisa ang klase kaya naman mga nakatambay sila sa labas ng classroom. Habang naghahanap ako kung nasaan ang classroom ko ay may biglang lumapit sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MEMORIESWhere stories live. Discover now