Jurais opened his eyes when the hit he expected didn't even touch him. Nasa bisig niya ang halos walang malay na katawan ni Athena. Nanginginig ito sa pagod at takot. Nang iangat niya ang paningin ay nakatayo pa din sa harap nila si Ares. Pero hindi katulad ng kanina ay wala na sa kanila ang atensyon nito kundi sa bagong dating na si Gee. Tila bulkan na nagpipigil sa pagsabog ang itsura ni Gee while Ares seems to be enjoying himself. Hawak ni Gee ang nakataas nitong kamay na sana ay tatama sa kanya nang tangkain niyang protektahan si Athena.
Jurais wanted to be pissed dahil nawalan ng silbi ang pagharang niya para hindi tamaan ni Ares si Athena. He wanted to curse Gee for making him feel useless. Pero hindi niya magawa. He's just happy na ligtas si Athena. Kahit na sino pa man sa kanila ang dahilan noon.
"Oh Gee! Buti nakarating ka! Nainip ka bang hintayin ako sa bahay ko?"
Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ni Ares sa sinabing iyon but for some reason, lalong dumilim ang anyo ni Gee dahil doon.
"Take Athena and leave," utos sa kanya ni Gee nang hindi inaalis ang tingin kay Ares.
Ayaw man niyang sumunod sa utos ng isang kagaya ni Gee, wala siyang magagawa. Gee's right. Dapat na niyang alisin si Athena dito. Tinapik-tapik niya ang pisngi ng dalaga. She's conscious but her face is blank. "Athena, it's okay. You're safe."
"Ooops... hindi pwede yan," pagtutol ni Ares pagkatapos kasabay ng pag-angat nito ng isang paa.
Then it all happened at the same time.
Athena screamed in pain.
Jurais cursed himself.
And Gee snapped at Ares.
Lalong ikinatuwa ni Ares ang naging reaksyon nila. Bahagya itong tumawa kahit pa hawak na ni Gee ang kwelyuhan ng damit nito. "Ano Gee? Kaya mo?" paghahamon nito kay Gee. "Bago mo pa ako masuntok ay kaya ko nang paghiwalayin ang binti at paa ng syota mo."
Jurais hushed Athena. Nakasubsob ito sa dibdib niya at mahinang dumadaing sa sakit. Her knees lay half bent towards Ares enabling him to step unto her ankle. Paulit-ulit na niyang minumura ang sarili sa kabagalan niyang ialis si Athena doon. If only he scoop Athena in his arms quickly then she would not be experiencing this kind of pain.
"Gee!" saway niya dito.
Nang makita ni Gee ang pamimilipit sa sakit ni Athena ay agad nitong binitawan si Ares. "Let her go. Huwag kang duwag, Ares. Wag kang mandamay ng iba!"
"Kayo 'tong tago ng tago ni Von, tapos ngayon, ako pa ang duwag," Hindi makapaniwalang sabi nito. "Eh, gago pala kayo!" Ares raised his feet once more then stomp Athena's ankle with full force.
"Aahhh!" Athena bit her lips hard to prevent her scream.
"Ares!" nagbabantang sigaw ni Gee.
"Gee!" galit ding sigaw ni Jurais kay Gee dahil sa ginagawa nitong pagpapagalit kay Ares. "Huwag niyo ngang idamay si Athena sa gulo niyo!" he snapped.
Inungusan siya ni Ares. "Sino naman tong isang to? Lover ng syota mo? Pumapayag ka nun?" nangungutyang tinawanan ito ni Ares si Gee. "Sabagay maganda tong syota mo. Baka pwedeng paiskor din ako."
Parehong nagtangis ang bagang nila ni Gee. All of their muscles flex in anger.
Unang nakabawi sa kanila si Gee. Bumuntong-hininga ito para kalmahin ang sarili. "Ano bang gusto mo, Ares? Away? Gulo?", sinulyapan nito si Athena. Jurais can swear he saw pain in Gee's eyes. "Fine, I'll give it to you. Just let her go."
"Yun! Papatulan niyo din pala ako, pinatagal niyo pa." Ngumisi si Ares. "Mamayang gabi sa sementeryo, isama mo si Von. Ipapakita ko sa mayabang na iyon na kaya ko na siyang ilampaso."
YOU ARE READING
A Mystery to Athena; It'sYou
RomanceHighest Ranking: 55th in ChicLit (09/28/17) 965th in Romance (10/14/17) She had stop waiting for someone to come along and fix what's wrong. She had stop feeling sorry for herself. She realized that no one else...
