PROLOGUE

147 20 7
                                    

-Work of fiction
-To be edited

—Vote And Comment

"Takbo, Daniel! Takbo! Bilisan mo!" pasigaw kong sabi sa kanya habang hingal na hingal.

Kanina pa kaming takbo nang takbo dito sa bandang parangan dahil sa paghabol sa amin ng isang lalaki na nakatira dito.

"Hoy mga bata, bumalik kayo!" Pagalit niyang sigaw matapos naming maikalat ang dayami sa bahay niya. Di naman namin sinasadyang maikalat yun eh.

Habang naglalakad kami sa tapat ng bahay niya ay nakakita kami ng mga dayami di kalayuan doon. Eh, may taglay kaming kakulitan na dalawa kaya napag-interesan namin na likutin yun at parang ang saya niyang laruin. Hindi naman namin alam na may tao pala doon kaya 'BOOM'!

Aamin na namin, kasalanan din namin. Parang kaming mga bata na sobrang kukulit. Karipas na kaming tumatakbo ni Daniel at parang magco-collapse na ako dahil sa kabog ng puso sa kaba.

"Jake, di ko na kaya. Masakit na ang mga paa ko" sabi niya sa akin at kita nga sa kanya. Sino ba naman kasing hindi hihingalin kung parang limang water jug ang timbang mo.

"Daniel, ano ba? kayanin mo yan. Anong gusto mo? Itakin tayo dito? Aba, mahal ko pa buhay ko. Dalian mong tumakbo tsaka tanda mo? Birthday ni Aling Bebang na kapitbahay niyo. Dalian natin at baka maubusan pa tayo ng pagkain doon!" sabi ko sa kaniya habang tumatakbo.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko na, pre. Bilis at ako'y gutom na gutom na." pagmamadali niyang sabi.

Lalo pa naming binilisan ang pagtakbo. Yung lalaki na may dalang itak ay natatanaw pa namin at nagulat na lang ng bumilis siya sa pagtakbo.

"Wahh!" pasigaw kong sabi. Kabog nang kabog ang dibdib ko  Sana hindi na pa ito ang ending of my layp!

"Eto na yung motor!" sabi ni Daniel at kaagad kong pinuntahan.

Agad kaming sumakay sa dala naming motor at kumaripas ng alis. Tig-isa kami ng motor.

Si manong, may sasakyan din, huhu. Sumakay siya sa isang motorbike na nakaparada din doon.

Mabuti at walang masyadong sasakyan kaya nakakaripas kami ng andar. Napadaan si Daniel sa kaliwa at ako naman sa kanan.Di ko na alam kung saan ga napadpad yung lintik na manong na iyon. Malamang sa malamang ay sinundan siya ni manong itak.

Karipas pa rin ako sa pagpapaandar kasr baka nagshortcut siya para maabutan ako. Bakit sa lahat ng maghahabol sa akin ay si manong itak pa pero ang hindi niyo alam ay crush ako ng bayan.

Masyado kong nabilisan ang pagpapaandar ko kaya di ko namalayan na may dadaan pala sa pedestrian lane. Isang malakas na busina ang aking ginawa pero hindi niya ako naririnig dahil may suot suot siyang headphone. Bumusina ako nang bumusina para marinig niya pero hindi.

"Hoy tabi!"

Angel of Your LifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin