Chapter 46:Tattoo

26 2 0
                                    


Nagising ako sa panginginig ng aking katawan.Ang lakas rin ng tibok ng puso ko halos hindi na ako makahinga sa kaba.

Gumalaw siya nang maramdaman na gising ako.Hanggang ngayon nakayakap parin siya sakin.

Chubs...okay ka na?

Malungkot akong umiling at tumingin si kisame.

Niyakap niya ako ulit.hayaan mo na yun,hindi naman yun mangyayari chubs.pagpapakalma niya.

Ngayon lang ako nagkaganito chubs,ewan ko ba kung ano ang ginawa ng lalakeng yun sakin at ganito yung epekto niya sakin.marami naman talagang nananakot sayo pero iba yung sakanya,as in matatakot ka talaga na para bang si satanas yung dating niya.

Ilang beses ko na yang na-encounter chubs pero tingnan mo ngayon,buhay pa ako.Hindi totoo yang mga sinasabi nila kaya kalimutan mo na yun.pilit kong ialis sa isipan ko yung mga pangyayari kagabi pero lagi talaga itong umiikot sa isipan ko.

He kissed me.Pinagdikit niya yung noo namin.can you tell me about what happened last night?

Dahan-dahan akong bumangon kaya bumangon rin ito para alalayan ako.

Ngayon ko lang narealize na wala pala akong lakas.Yung mga kamay ko nanghihina at ramdam ko na ganon din ang buong katawan ko.

Sabay naming sinandal sa pader yung ulo namin.

Hindi niya inalis yung tingin niya sakin.Nag-iisip lang ako kung paano ko sisimulan.Kung maiintindihan niya ba yung nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa nga nawala yung trauma ko dati dumagdag pa to,tss.yung nakita kong may nagpakamatay sa mall,hindi pa nawala ang takot ko dun.

How about to love?may takot ka parin ba?

What the---the heck that question chubs.humarap ako sakanya.sa tingin mo,sa mga nangyayari sa atin nakita mo bang may takot pa ako?actually,oo pero hindi ako sure?

Hmm,wala na siguro kasi halata naman kung gaano ka kainlove sakin.mayabang niyang sabi.

Teka,wait narealize ko oo takot pa ako at wala pa akong tiwala sayo.pang-aasar ko.

You'll not succeed chubs so please give up.sabay nalang kaming natawa.

How about my question?hindi mo pa po nasasagot.

Tattoo.tipid kong sabi.

Umayos siya ng upo at mas lumapit sakin.anong tattoo?

Hindi ko na masyadong maalala yung mga nangyari kagabi basta ilang beses niya akong sinipa para lumingon ako sakanya at pagbaba niya...nakita ko yung tattoo niya sa kamay na may nakalagay na---na...na end at may ahas pa.huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Siguro matagal na siyang nakatingin sakin nung nasa jeep kami tas hindi ko lang napansin kasi ang dami kong inisip kaya sinipaan niya na lang ako para agawin ang aking atensyon.

Hindi mo ba nakita yung mukha niya?

Hindi,balot na balot kasi siya.mabuti nalang talaga at tinandaan ko talaga yung tattoo niya.

Magpapaimbestiga tayo mamaya kaya wag mong kalimutan yung mga nakita mo lalo na yung tattoo.Kung pwede isipin mo ulit yung mga nangyari kagabi,kung saan ka pumara,kung saan ka banda umupo baka may iba pang makakatulong sa pag-iimbestiga.

Are you sure?parang nag-aalalangan kasi ako kung magpapaimbestiga.

Mas mabuti yung ganon chubs para mawala na yang takot at kaba mo.sabagay.Hinawakan niya yung kamay ko.basta sa ngayon,wag mo na muna yung isipin ah,ligtas ka kasi andito ako.sabay halik sa kamay ko.Tipid ko siyang nginitian.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now