Chapter 10:Bakla vs. Manyak

56 4 0
                                    

Now Playing:Till My Heartaches End

I was afaid this time would come

I wasn't prepare to face this kind of hurting from within

I have learned to live my life beside you

Maybe I just dre---

Bigla nalang naputol ang kanta na pinapakinggan ko kasi may tumanggal ng earphones sa aking tainga.

Nang tumingin ako sa aking gilid,bwesit kahit kailan talaga,panira ng moment.

Ang ganda pa naman ng kanta,para sakin.Siguro para sakin lang ito maganda at sa mga iniwan ng mga gago nilang jowa.

Ba't andito ka?diba sabi mo ayaw mo akong makasama?may topak din tong kuya ko eh.

Sabi niya kasi kaninang umaga na hindi siya sasabay sakin kasi boring daw ako kasama.

Edi no choice,alangan naman ako pa ang mag-aadjust sakanya?

Pagkasama niya kasi ako nakikinig lang ako ng music para hindi niya ako maasar.

Napadaan lang ako noh,ayaw talaga kitang makasama madam bertud,hehe.pagkasabi niya nun,agad niyang nilakas ang kaniyang pagpadyak sa kaniyang bisikleta.Sus!pumapalusot pa,hahahaha!

May pagkabaliw din ang kuya ko noh kasi sabi niya sakin dati na ang boring daw mag-bike tapos kahapon bumili pala ng bike.

Tinanong ko naman siya kung bakit siya bumili at sabi niya lang sakin na trip niya lang daw.

Hiyang-hiya nga ako,rich kid yarn?gumagastos ng malaki kasi trip lang?hanep ah!

Sa Classroom...

Sisi may gusto sana akong sabihin sayo.pabulong na sabi ni Ella.

Oh ano naman yun?mukhang excited na ako ah.

Basta wag na wag mong sasabihin sa iba lalong-lalo na kay bakla.kay kuya?ehh.....bakit kaya?bahala na nga,ang importante makakachismis ako,haha!

Oo naman wala ka bang tiwala sakin?tungkol saan pala yang isasabi mo sa akin?pero parang alam ko na kung ano na naman ang magiging topic namin.Isang boring na topic.

Ano about sa crush ko.nahiya pa ang bruha,eh sanay na ako sakanya.

Oh sige na sino naman yang crush mo?para naman akong ina nito na tinatanong ang aking anak kung sino ang crush niya,tss.

Ano si...si---

Good morning Sir Ken!sigaw ng mga kaklase namin sabay tayo kaya nagmadali kaming tumayo.Ano ba naman tong si Sir,wrong timing.

Sino ba ang crush mo?tanong ko sabay upo sa aking upuan.

Mamaya nalang Sisi baka kasi makita ni Sir na nag-uusap tayo tapos mapagalitan pa tayo.tumango nalang ako sakanya.

Pero curious lang talaga ako about sa crush niya.Si Jungkook lang kasi ang alam kong crush niya.

Kahit araw-araw pa yang nagkukwento tungkol sa prince charming niya,hindi ko talaga alam kung sino ba talaga yang si prince charming.

Kakilala ko kaya?nag-meet na ba kami?gwapo ba?

Aish!dami kong tanong,inip na inip na akong malaman.Nangangati na nga tong bunganga kong tanungin siya kung sino ba talaga,psh!

Anyare sa kuya mo?

Bakit ano bang nangyari sakanya?tanong ko pero tinuro niya lang si kuya na nasa likuran namin na umuupo.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now