Chapter 48:Explain

34 3 0
                                    


Iyak alak,iyak alak.Ganyan,ganyan lang ang nagawa ko simula pa kahapon.

Ayaw kong magpaistorbo,ayaw kong bumaba,nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay at gusto kong mapag-isa.

Ilang araw na akong walang kain pero hindi man lang ako nakakaramdaman ng gutom.

Nagalit na nga si kuya sakin kasi ang putla ko na raw pero tinawanan ko lang siya.

Naranasan ko na to dati kaya sanay na ako.

Nakaya ko nga dati,ngayon pa kaya?pero sabagay,nakakamatay talaga yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Urgh!kinuha ko yung alak sa tabi ko at inubos ito.

Nasa sahig lang ako at nakasandal sa kama.

Gulong-gulo na yung kwarto ko,yung buhok ko,pati narin yung buhay ko.

Pinanghihinayangan ko lahat,lahat-lahat.
Sana hindi ko nalang pinilit yung sarili ko na mahalin siya dahil sa huli,ako lang yung talo.

Kung sana nakinig lang ako sa isipan ko at inisip kung ano ang pwedeng mangyari,siguro hindi ako magkakaganito ngayon.

Pero wala na,huli na yung pagsisisi,nangyari na eh.Nasaktan at niloko na ako dahil puso yung pinakinggan ko.

Nakakapagod lang talaga,okay na yung buhay ko eh,may katahimikan na pero gumulo na naman ito dahil sa isang maling desisyon.

Kailan pa ba ako matututo?kapag durog na durog na talaga ang puso ko?kapag wala nang pag-asang mabuo ito ulit?

Kung ganon,siguro ngayon na yung araw.Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,sobrang sakit as in.

Na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Kung iiyak ako nasasaktan lang ako.Kung iinom ako iinit lang yung ulo ko.Kung aantukin ako,hindi naman ako makatulog.

Nakakabaliw sobra.Hindi biro yung nararamdam ko ngayon.

I'm so down!I'm experiencing freaking depression!

Knock...

knock...

Apo...bumaba ka na,kahapon pa nag-aalala si lola.naiyak na naman ako nang marinig yung boses niya.

Okay lang po ako.sambit ko pero piyok nang piyok.

Sakin ka pa ba magsisinungaling?sige na,gusto mo bang dadalhin ko nalang yung pagkain dito?

Wag na la,bababa nalang ako mamaya,kapag may gana na ako.pati pamilya ko nadamay pa sa kagaguhan niya.

Tumayo ako at napahawak nalang sa aking ulo,nahihilo ako.

Dali-dali akong pumunta sa banyo para sumuka.

Suka parin ako nang suka,halos lahat ng laman sa tiyan ko sinuka ko na.

Nang matapos ako,hinugasan ko yung bibig ko at napatulala nalang sa salamin.

Kaya mo pa ba?tanong ko sa sarili ko at ngumiti sabay iling.

Napasandal nalang ako sa pader at umiyak na naman.

Ang sarap magwala!ang sarap sumigaw para lang mapalabas yung kirot sa puso ko.

The worst feeling is the feeling unwanted by the person you want the most.





Narinig siguro ni kuya yung pagbaba ko kaya agad ako nitong inalalayan.

Ang higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya,wala talaga akong lakas kahit konti.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now