"Hello Girls" nakangiting bati samin ni Maine.

"Hey!" pokerface na sabi ko. Maarte ako eh!

"Uy, Angel, ay Kathryn pala, este Maine pala!" natatawang sabi ni Marlo.

Inis na inapakan ko sya dahil kanina pa nya ko pinagttripan. Pesteng bakla to!

"Slowmo?" nakangiting sabi naman ni beach.

"Hinde, hindi naman ikaw si Angel eh. Si Kathryn ka, kaya ikaw yung fastforward nya" sabi pa ni Marlo sabay turo sakin.

"Oh"

"Pwede ba? Ang aga-aga, nambbwisit kayong dalawa!" painis na sabi ko. Matakpan man lang yung kahihiyan na ginagawa sakin ngayon ng bwisit na Marlong to!

"Wooshoo, si beks, umaarte, namumula naman!" tukso pa sakin ni Marlo.

"Excuse me? Natural lang yan, rosy cheeks ako!" sabay irap ko sa kanya.

"Cute!" komento naman ni Maine.

"Tsk, ginawa mo pa kong aso!"

"Cute na cute na aso." Sabi pa nya sabay kindat.

"Ano ko hayop?"

"Nope, bagay ka, bagay ka sakin!" nakangiti pa rin nyang sabi.

"Aba bumabanat na si lover girl!" sabay palakpak ni Marlo.

"Okay ba?" tanong sakin ni beach.

"Okay mo mukha mo! Ewan ko sa'yo!"

"Princess, pwedeng kiligin!"

"Kilig nyo mukha nyo! Eh bakit ba kasi ang bagal mong maglakad kanina? Akala ko tuloy slowmo talaga! Tsk!"

"Ah, naaksidente kase ko kanina eh" biglang lumungkot yung itsura nya habang sinasabi yon.

"Ha? Anong nangyari? Saan? May masakit ba sa'yo?" MEDYO nag-aalalang sabi ko.

"Nuks! Konsern na konsern beks!" tukso naman ni Marlo.

"Okay lang ako. Kase kahit naaksidente naman ako, yun yung pinakamagandang aksidenteng nangyari sakin. Yung nahulog ako sa'yo" sabi nya sabay smile na naman.

Potek! Akala ko seryoso. Leche talaga! Isang malaking LECHE. Hindi ko tuloy mapigilang magsmile. Shet kase, ang daming alam!

"Ayun naman eh! Banat pa more Maine! Gora mo yan! Napapasmile mo na si beks!" sabi na naman ni Marlo.

Bigla ko namang binalik yung pagpokerface ko. Kinagat ko din yung lips ko para mapigilang ngumiti dahil sa cute na smile nya ngayon.

"Nabasa ko yan kaninang umaga eh. Ikaw agad yung naisip ko." Nakangiting sabi pa nya.

"Sus, wag mo kong gamitan ng ganyan Maine at hindi ako nakukuha sa ganyan!" iiling-iling na sabi ko.

"Sure?"

"Oo no!"

"Bat nakasmile pa rin yung mata mo?"

"Asa ka! Wag ka nga. Hala, tsupi na at may ginagawa pa ko"

"Grabe ka naman, kakarating ko lang, pinapaalis mo na agad ako."

"May gagawin ka pang script diba? Shupi na! Shoo!"

"But—"

"But-butin kita dyan ha. Magtrabaho ka!"

"Foine" sabi nya while rolling her eyes. Tss, hindi na sana bumalik yung mata nya pagtapos umikot.

Pero bago pa sya tuluyang makalayo, nakangiting lumapit samin si Andy. At nangisay na naman sa kilig yung katabi kong beki!

"Hey girls." Bati nya samin. "Nga pala Ms. Love Guru, may dumating na naman na something para sa'yo galing kay JAM!" sabi nya sabay abot ng kahon.

My Love GuruWhere stories live. Discover now