Charotera 19

22.3K 642 79
                                    

A/N: O ayan, pasensya na kung medyo natagalan, sabi ko bukas pa diba? Kaso nahiya naman ako sa inyo, hahahha! Charot lang!

O sya, ayan na muna, bukas na yung iba, nagmamadali lang ako kase gogorabels ako somewhere down the road. CIAO! Enjoy! Mwah!

==========================================================

PRINCESS' POV:

"Ayan na naman yung bestfriend mo at yang kemerut mo! Igigisa na naman tayo. Ang aga-aga tapos isasalang na agad tayo dahil absent si Andy. Kamusta naman na hindi ako prepared, and heller, tatlong oras tayo magbibigay ng payo? Jusmiyo, haggardo versoza yung peg natin nito mamaya. Juice colored!" reklamo sakin ni Marlo.

Pa'no kase tinawagan kami kanina ni Joel and ni Maine para sabihin na kailangan naming pumasok ng mas maaga kasi nga wala si Andy so papaagahin ng isang oras yung TLG and tulad ng sabi ni beks, 3 hours kaming makikinig at magbibigay ng advice sa mga callers. Gusto ko din sanang magreklamo kaso nung nakita ko yung smile sakin ni Maine pagpasok ko, napa-oo na lang ako ng wala sa oras. Sana sa mga susunod na araw hindi sya magsmile ng ganon dahil baka kahit hilingin nila na gawing buong araw yung TLG eh baka mapapayag ako. Charot!

"Okay lang kayo girls?" pinigilan kong mapasmile nang marinig yung boses nya.

"Mukha ba kaming okay ha Maine? Try nating magpalit ng posisyon, ikaw maghost don, uh, kayong dalawa pala ni Joel tapos kami ni Fifi yung magsusulat!" pagtataray sa kanya ni beks.

"Whoa! Chill Marla. This isn't my idea. Kahit ako nangarag dahil kailangan kong dagdagan yung sa script. Wag ka sakin magreklamo, kay Joel at kay Andy. Idea nila 'to." Nakangiti namang sagot ng future ko. Charot!

"At ikaw Fi! Kanina mo pa pinipigilan yang smile mo, tigilan mo yan dahil baka kung anong lumabas sa'yo mamaya pag nasa booth na tayo dahil sa pagpipigil mo" natatawa nang sabi sakin ng bwisit kong kaibigan. At na-feel ko talaga na nag-blas ako.

Narinig ko naman na tumawa ng mahina si Maine kaya mas lalo akong namula. Tsk! Nakakainis sila!

"Oo nga naman 'my love' wag mong pigilin yang smile na yan kase baka mas lalo kang mainlove sakin" narinig kong bulong sakin ni Maine.

At tulad ng dati, para mapagtakpan ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon, inis ko syang tiningnan at tinarayan.

"Hoy Jarmaine, bumalik ka nga sa pwesto mo at imbyernadette sembrano pa kami sa inyong dalawa ni Joel. May kailangan pa sana kong asikasuhin kanina pero pinagmadali nyo kong pumasok. Tapos ngayon ngingiti-ngiti ka, para ano? Para mabighani ako at mapa-oo agad sa kahit anong hilingin nyo? Dahil sa smila na yan, napapayag nyo ko ng hindi man lang nagrereklamo. Kaya please lang, wag ka na lang munang magsmile dahil baka---" bigla naman akong natigilan nang mapagtanto lahat ng sinasabi ko. Lalo na nung makita ko yung reaksyon nya habang sinasabi ko yon.

"Baka ano 'my love'?"

"W-wala. N-nevermind. Umalis ka na muna"

"Nah, ituloy mo yung sinasabi mo. I want to know kung ano yung kasunod nung baka" nakangiti pa rin nyang sabi.

Tumingin ako kay Marlo para humingi ng tulong pero mas naimbyerna ako nang magsalita sya.

"Fi, hindi kita matutulungan dyan, hindi ko naman kasi sinabing magpakataklesa ka at ilabas mo yung nararamdaman mo. Ang sabi ko lang, wag mong pigilin yung smile mo. Naloka ko sa'yo nung bigla kang nagmonologue dyan at ibinuking yung sarili mo" natatawa pa ring sabi ng bakla.

Agad ko naman syang sinamaan ng tingin pero binelatan nya lang ako.

"Pano ba yan? So pwede na naming malaman kung ano yung kasunod nung baka?"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon