Charotera 30

11.2K 450 17
                                    

AN: Surprise! Hahaha. Gulat kayo no? Enjoy guys!

===============================

PRINCESS' POV:

"So, what do want to eat?" tanong sa akin ni Joel habang nandito kami sa restaurant.

"Kahit ano na lang." walang ganang sagot ko.

Oh yes. Si Joel nga yung kasama ko. Eto kasing si Maine, biglang may ibang gagawin daw nung nagpilit sumama sa'min 'tong si Joel kaya eto, badtrip na badtrip ako.

Sya nga yung niyaya ko diba? Ibig lang sabihin, sya yung gusto kong makasama ngayong gabi. Napakamanhid na babae!

"You okay?" nag-aalalang tanong sa akin ng bestfriend ko.

No. I'm not okay.

"Y-yeah. Masama lang talaga siguro yung pakiramdam ko." sabay ngiti sa kanya ng pilit.

"Bakit hindi mo sinabi kanina? Sana hindi na lang kita niyayang kumain. Gusto mo bang iuwi na kita?" puno pa rin ng pag-alala nyang sabi.

Ngumiti naman ako sa kanya. Ang unfair kasi kay Joel. Matapos nya akong padalhan ng kung anu-ano na magpapasaya sa'kin, ganito lang yung gagawin ko sa kanya. Ang bad mo Princess.

"I'm okay Joel. Seryoso. Order ka na at nagugutom na ako." sabi ko sa kanya.

"Sure ka?" tanong pa nya.

"Hay nako, ayaw yata akong ka-date ng bestfriend ko. Nakakatampo." pag-iinarte ko.

Agad naman nya akong pinisil sa ilong tulad ng lagi nyang ginagawa kapag naccute-an sya sa akin noon. Hay, kung wala lang talaga si Maine sa buhay ko ngayon, siguro, kanina pa ako namamatay sa kilig ngayon.

Pero wala eh, ilang araw ko ng pinapakiramdaman yung sarili ko. Si Maine na talaga yung mahal ko ngayon.

"Huy Princess! Ano 'to? Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang sa akin? Sinaasabi ko na nga ba eh, crush mo talaga ako no?" tatawa-tawang sabi ni Joel sabay wagayway ng kamay sa harap ko.

Agad ko naman syang tinaasan ng kilay.

"Kapal mo! Ikaw nga dyan eh. Mga pakana mo Mr. Maquez. May pa-JAM-JAM ka pang nalalaman. Ikaw yung matagal ng HD sa'kin bui!" sakay ko naman sa biro nya.

At least medyo naging okay yung dinner namin dahil dun sa biruan na yon. Hindi nga lang ako masyadong nakakain dahil hindi pa rin mawala sa isip ko na sana si Maine yung kasama ko ngayong gabi.

"Pahinga ka na ha. At uminom ka ng gamot. Hanggang ngayon kasi matamlay ka pa rin. Kung hindi mo pa rin kaya, pwedeng hindi ka na muna pumasok bukas, okay?" nakangiting sabi ni Joel matapos akong ihatid.

"Yes sir. And salamat pala sa dinner ha."

Tumango naman sya sa akin bago tuluyang paandarin yung sasakyan.

Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng bahay dahil pagod na rin ako at gusto ko nang magpahinga.

"Ang tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay dito. Gutom na gutom na ako." napakahawak ako sa dibdib nang biglang may magsalita.

"Jarmaine naman! Papatayin mo ba ako sa takot?" ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

"Sorry. I didn't mean to startle you. Naexcite lang ako nung pumasok ka." mahinang sabi nya.

My Love GuruWhere stories live. Discover now