IKA-LABING APAT NA KABANATA

Magsimula sa umpisa
                                    

_________________________________

THORIN

"Pare! " Sabay-sabay na bati sa akin ng barkada. Kauuwi ko lang dito sa maynila galing hacienda ngunit, dito na ako tumuloy sa bar na pagmamay-ari ni Helios. Kumpleto kasi ang barkada namin, dahil sa halos apat na taon ay umuwi na si Rhys galing America. Nagkamayaan at konting yakapan pa ang nangyari bago nagkanya-kanyang upo sa isang pabilog na mesa.

"Whoah. P'wede kana ba naming tawaging Don? Huh Thorin? " biro ni Mckenzie sa akin sabay tungga ng bote na may lamang alak.

"Hoy Mc! Hwag ka ngang umastang ikaw ang celebrant, kanina kapa laklak nang laklak d'yan! " sigaw ni Nicolo sa kanya sabay bato ng isang paketing sigarilyo.

"Pabayaan n'yo nga 'yan, alam n'yo namang brokenmind- este brokenhearted ang tao pinipigilan n'yo pang icelebrate ang pagkaburol ng puso n'ya." saad naman ni Azul sabay akbay kay Mac.

"Tangna! Mandiri nga kayo sa pinaggagawa nyo." Sigaw sa kanila ni Jod.

Hindi naman s'ya pinansin ni Mc, kinuha lang nito ang bote at muling uminom.

"Tangna mga pards! Ang pag ibig pala, parang sugat, hindi mararamdaman ang sakit hangga't di mo napapansin! " saad nito sabay taas ng bote sa ere na s'yang ikinatawa naming lahat.

Napailing-iling na lamang ako sabay sabi ko sa kanya ng gago.

"Ikaw Thorin," bigla akong itinuro ni Mac. "W'ag kang papatuklaw sa ahas na nasa paligid mo." saad nito. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto ng VIP room at pumasok roon si Helios at Rhys.

"Pards! " bating sigaw ni Mc. Tumingin naman ako kay Rhys at tumango.

"Naligaw ata ang Don dito huh?" turan ni Helios na malaki ang ngisi.

"Kamusta? " tanong nito. Hindi ako kumibo pero nginisihan ko s'ya sabay tapik sa balikat nito, ganoon din kay Rhys.

Naupo kami ulit at nagsimulang magk'wentuhan tungkol sa mga babae.

"Anong problem n'yan?" Tanong ko sa kanila sabay turo kay Mc na nakasandal na ang ulo sa bangko.

"Iniwan na ni Ella, gago ee." sagot ni Nicolo na sinabayan nang malakas na pag tawa.

"Ow ikaw Rhys, kamusta ang America? tang na pre, tagal mong inugat dun aa, nakamove on kana ba? " tanong ni Jod. Napakunot noo naman ang noo ko sa tanong ni Jod dito. Ngunit bago ko pa marinig ang sagot ni Rhys ay naramdaman ko ang akbay sa likod ko.

"Pards!" bati ni Helios."Hindi lang ikaw ang hindi pa nakakamove on dito. Pati 'yang si Rhys." Saad nito.

"Fuck you Dude! " Sigaw naman nito kay Jod sabay inom din ng alak.

"Hoy Rhys, Kamusta nga pala 'yong babaeng hinahanap mo? " sambit ni Andrei.

Napasimangot naman Rhys. Pero bago pa s'ya makapagsalita ay inunahan na sila ni Mc.

"Hindi mo talaga mahahanap ang babeng ayaw magpakita- tingnan mo nga 'yang si Don Thorin, abay naligaw lang sa Tarlac, Akalain mong nandoon lang pala si Joan! " tumingin s'ya sa akin sabay ngisi. Tumingin din s'ya kay Rhys, ngunit nakataas ang kilay nito.

Nang tumingin ako kay Rhys, nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Pinakatitigan ko s'ya. Hindi ko alam kung para saan ang reaksyon na iyon, pero parang kakaiba talaga.

"Tarantado ka Mc. Lasing kana." sigaw ni Rhys dito.

Hindi ko na lamang pinansin kung ano ang mga sinabi ni Mc at nakihalo na rin sa kanilang usapan tungkol sa negosyo at babae, pero nagsalita muli si Mac.

"Pards, Hindi mo ba nakita 'yong anak ni Joan? " tanong nito.

Kasama kasi ito ni Andrei noong gabing nagkaroon ng salo-salo sa Hacienda.

"May anak na si Joan? " gulat na tanong ni Rhys. Napakunot noo naman ako sa naging reaksyon nito pero binalewa ko na lamang. Inisip ko nalang na matagal din s'yang nawala at naging malapit na kaibigan din nito si Joan.

"Oo pare, tant'ya ko nasa tatlong taon na iyon ee. Napansin ko lang buhat n'ya papasok ng mansyon. Pero pards ang nakakapagtaka, kamukha ni Thorin, lalo yung mata, Dela fuente." saad nito.

Hindi ko alam kong anong nangyari pero napayukom ang dalawang kamay ko.

"Ano ba yang sinasabi mo Mc, alam natin yung totoo hindi? " Kunot noong sambit ni Andrei.

"Oo na oo na, malay mo naman diba. Noong time pala na nagbubuntis si Joan napaglihan si Thorin kaya naging kamukha--Pero wait, may picture ako dito ee... Sa cellphone ko." saad nito

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Lalo na nang mailabas na ni Mc yung cellphone n'ya.

____________________________

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon