IKA-LABINLIMANG KABANATA:

100K 2K 137
                                    

THORIN

"Time has a way of showing us what really matters "

Ano nga ba ang mas masakit? Ang mang-iwan o ang iwanan?

Para sakin, higit na masakit ang iwanan at talikuran ka ng ganoon na lamang matapos mong ibigay ang lahat ng meron ka. Matapos mong ibigay ng buo ang puso mo-- matapos mong isagad ang pagmamahal mo sa isang tao.

Sobrang sakit na hihilingin mo nalang na sana, bukas hindi kana magising at salubungin ang umaga na wala s'ya sa piling mo. 'Yong tipong gumigising ka lang para umiyak ulit, 'yong gigising ka lang para maglasing hanggang mawala ka sa sarili mo. Iyong tipong babasagin mo lahat ng bagay na nakakapagpa-aala sa kanya, pero sa huli luluhod ka at iiyakan ang mga na iyon.

Iyong sakit na paulit-ulit mong tinatanong ang sarili mo kung saan ka nagkamali, kung saan nagkulang, kung sumobra ba? Kung naging mali na ba ang pagmamahal mo, kung naging mahigpit kaba o sadyang napabayaan mo na ba s'ya? At sa huli ang itatanong mo.... Bakit?

Bakit kahit ipaglaban mo s'ya sa lahat ng taong gustong sumira sa inyo. Sa huli, talo ka pa rin sa laban, dahil s'ya mismo ang sumuko at tumapos sa isang digmaan na sana magkakampi kayo. Iyong tipong s'ya ang nagtarak ng espada sa puso mo para tumigil ang pagtibok nito, pero sa bandang huli buhay kapa. Humihinga, gumagalaw, pero wala nang dahilan para magpatuloy mabuhay.

Totoo nga ang sabi nila

Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is, what dies inside while still alive.

Isang buwan na ang matuling lumipas nang iwanan ako ni Johanna. Isang buwan na halos magpabaliw sa'kin sa paghalughog ko sa buong mundo para lang mahanap s'ya at patunayang muli ang aking sarili na ako ang karapat-dapat para sa kanya. Isang buwan na parang baliw akong naglalakad sa kalsada para lang makahanap ng impormasyon tungkol sa kanya, ngunit umuuwi akong bigo. Mula sa pagkakayuko ay narinig kong malakas na bumukas ang pinto.

Hindi na ako nagulat, ni hindi ko na nga pinag kaabalahang iangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang dumating, alam ko namang isa sa mga kaibigan ko ang papasok magmula roon.

"I know, I'm messed up! And I know why you are here. You want to lecture me on how to move on and go on with my life, but what the fuck dude!?" Bulyaw ko. Maybe it was Andrei, or Azul or any of them.

"Get up Thorin! " hiyaw sa akin ng bagong dating. Napangisi ako nang makilala ko ang boses na iyon. Si Ian, ang kambal ko. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko para tingnan s'ya at kawayan.

"Wow! Dinalaw mo ako Ian anong bago? " pupungay-pungay ang mata kong tiningnan s'ya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Thorin? " madilim ang ekspresyon na tanong sakin ni Ian. Nakatayo lamang s'ya sa likod ng saradong pinto habang nakaikom ang dalawang palad na parang nakahandang manuntok.Inilang hakbang n'ya lang ako at hinawakan ang k'welyo ng damit na suot ko para mapatayo. Nakangisi lang ako sa kanya nang magkaharap na kaming  dalawa.

"Ganyan na lang ba ang gagawin mo Thorin? Ganyan ka na lang ba? Nag iisip ka ba? para kang tangang binubuhay ang isang taong iniwan ka!" mariin at nanggigil n'yang usal sa'kin. Mahigpit rin ang pagkakahawak n'ya sa damit ko kaya tinabig ko lamang iyon. Tinalikuran ko s'ya at naglakad patungo sa kusina para kumuha na naman ng alak.

"Wala kang pakialam kung nagmumukha na akong tanga! Hindi naman ikaw ang nasasaktan di ba? Hindi maman ikaw ang iniwan Ian. Hindi ikaw." lasing kong saad dito.

"Putang ina Thorin! " Hiyaw n'ya sa'kin.

"Same to you dude! " natatawa kong saad sa kanya bago ko buksa ang fridge at kumuha ng dalawang beer. Pagewang- gewang akong bumalik sa p'westo kung nasan si Ian sabay hagis ng beer in can sa kanya.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now