IKA-LABINPITONG KABANATA:

100K 1.7K 83
                                    

"Maramot ako Joan-- ayoko ng kahati, kahit ang anak mo"

Napatda na lamang ako at hindi nakasagot nang hapitin at sakupin ni Thorin ang nakaawang kong mga labi sa pagkagulat sa sinabi n'ya. Hindi man lang ako nakatanggi o nakagawa ng salita para doon.

He want's me.
Like years ago.
Only me.

Pero ang anak ko. Kailangan ako ng anak ko.

"H--Hindi!" buong lakas ko syang itinulak kasabay ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi na s'yang nagpaatras rito.

"Hindi mo p'wedeng gawin sa akin 'to Thorin. May anak ako, at kailangan ako ng anak ko!" hinihingal kong bulyaw sa kanya. Umatras ako sa kanya. Tumayo naman ito na nakayukom ang mga kamay.

Nagtaas baba ang dibdib ko sa pinaghalong galit at takot. Pinunasan ko ang labi kong hinalikan nya.

Ngumisi lang s'ya at humakbang paikot ng mesa. Magkaharap na kami ngayon at ang mesa ang syang harang naming dalawa.

Itinukod n'ya ang dalawang kamay sa ibabaw n'on at marahang gumagawa ng tunog ang mga daliring n'yang kumakatok sa ibabaw n'on. Nakakatakot kung paano tumunghay ang kanyang mga na parang sigurado ito sa gusto.

"Mas kailangan mo ako Johanna." pinag-diinan n'ya pa ang pagsambit sa pangalan ko. Halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng pagkabog nito kasabay nang papalakas na palakas na ingay na ginagawa ng mga daliri ni Thorin.

"Kailangan mo ako para makasama ang anak mo. Pero dahil ayaw mo naman nang hinihingi kong pabor...." iniangat n'ya ang kanang kamay at itinuro ang pinto. "You can open that door and fucking leave." matigas n'yang saad.

"Hindi mo ako pag-aari Thorin, mas pipiliin ko ang anak ko kesa makasama ang demonyong katulad mo. Sayo na ang limang milyon mo!" bulyaw ko dito bago binirahan nang pagtalikod.

"Kung sabagay." Anas nito nang tuluyan akong makatalikod.

"Madaling paikutin ang mundo gamit ang pera. Goodluck nalang kung pagkatapos mong lumabas ng pintuang iyan ay makahanap kapa ng trabaho." nakangiti n'yang saad.

Napailing-iling ako sa mga sinabi nya. Akala ko nagkasundo na kami. Akala ko okey na. Akala ko matatapos na ang problema ko.Pero bakit gan'on?

"Pero-- Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to Thorin." Nag alpasan ang mga luha ko sa magkabilang kong pisngi. Kung papaalisin n'ya ako, napaka imposibeng maisalba ko ang buhay ng aking anak.

"Try me. " saad nito bago ako tiningnan nang matalim na tipong masusugatan ako nun.

"At kung sabagay, madali lang naman hanapin ang anak mo. P'wede kong madaliin ang paghihirap n'ya para hindi kana mahirapan at makapagpahinga na rin ang anak mo." dagdag pa nito bago s'ya ngumiti sakin. Isang ngiting demonyo na kukuha ng isang kaluluwa. Tumayo ito mula sa kinauupuan at nagpalakad-lakad hanggang sa narinig ko ang malakas na kalabog na s'yang nagpaigtad sa akin. 

"H--Huwag mong idamay ang anak ko. Wala s'yang kasalanan sayo." nanghihina kong saad sa kanya.

"Wala nga ba? Mmmmmmm" hinagod pa nito ang buhok at tila nag-isip. "Pero sa tingin ko meron.. Paano kaya kung....--" ibinitin n'ya pa ang kanyang sasabihin, ngunit kitang-kita ko sa abuhin n'yang mata na may masamang balak. Kilala ko si Thorin ginagawa n'ya ang lahat ng gusto n'ya at walang kahit na sinuman ang makakapigil rito.

Walang sabi-sabing humakbang ako patungo sa kanya at pinagbabayo ang kanyang dibdib na hinahayaan n'ya lang.

"Hayop ka Thorin. Ang sama- sama mo. 'Wag mong idamay ang anak ko. Hayop ka! 'wag mong patulan ang isang bata na walang masamang ginawa sayo! hayop!" Hinihingal akong nagsisigaw sa kanya hanggang mahuli n'ya ang dalawang kamay ko at hinila patungo sa nakasarang pinto at doon malakas na ibinalya ang aking katawan.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now