Chapter 6

281 8 1
                                    

Chapter 6

First day of school ay late ako. Ako na lang ang hindi naitu-tour sa Academy. Yung ibang transferees at mga fresh students, nauna na dahil dumating sila on time not like me na dakilang late!

Dahil dun, nagdecide yung isang teacher na ang SC President na lang ang magtu-tour saken. Naglalakad na kami papunta sa office nung Sc President na yun at nakarating din naman kami after a while.

"Majhierod Gonzalvo, please meet the SC President of Herge Academy - Arch Almazar!"

Automatic na nagbanting ang dalawang tenga ko nang marinig ko ang pangalang yun. Nakita ko ring nagsalubong ang mga kilay nya nang makita ako

"YOU?!!" we squealed in unison.

"Oh, you know each other na? That would be great! kasi Arch, ikaw ang magtu-tour sa transferee na ito."

'"WHAAAAT? WHY MEEE? I WON'T!!"

Mariing binaba ng teacher ang suot nyang eyeglass na tila ba may malaking question mark sa ulo nito.

"I mean, I'm still busy,... Yeah, right! I'm busy pa! See?"

"Busy? First day of class today kaya wala ka pang dapat ika-busy. Kaya, sige na! Gawin mu na ang pinag-uutos ko at may kailangan pa kong gawin! Ok? I have to go.. " lumabas na yung teacher. So, ang heartless pala na ito ang Presidente dito? Hindi na ko magtataka dahil nananalaytay na sa dugo nya ng pagiging bossy! TSSK!

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" inis na tanong nya saken. Nakatitig na naman pala ko sa kanya. Jesus Christ!

"Hinihintay kang tumayo dyan at i-tour ako! Ano pa ba?!"

"Tumayo na sya at nauna nang lumabas. "Shit! Istorbo!" he mumbled "Ano pang tinatayu-tayo mu dyan? Bilisan mo na! Inaaksaya mo oras ko eh!"

I puffed at sumunod na lang ng tahimik sa kanya.

The next moments, naging awkward dahil walang umiimik samen.

Sa paglalakad namin, may girls at pa-girls na nagpapacharming sa kanya pero di nya pinapansin.. Isnabero!

May mga pusit at dikya ang pumulupot sa kanya pero parang mga langaw lang sila kung itaboy nitong Heartless na to.

Yung iba naman eh nag-aabot sa kanya ng regalo na mostly ay mga foods.

"Pakibigay na lang sa alalay ko!" Seryosong sabi ni Arch

Napatingin naman ako sa likod ko, pati na rin sa left and right sides ko. Sino naman kaya yung tinutukoy nyang alalay?

"Miss yayabels, take good care of these gifts ok?!" they said in chorus as they hand me their gifs nga.

"Ako??" tanong ko habang tinuturo sarili ko.

"May iba pa ba? " naiirita na yatang sagot nila "Pakibilisan naman oh! Sumasakit na kamay nami!"

Before I could react ay isa isa na nilang pinatong yun sa braso ko kaya nataranta naman akong pinagsasalo yung mga yun.

Halos naikot na namin yung buong Academy. Sobrang laki nya at napakalapad. Pero sa dami ng insektong umaaligid kay Arch, wala na kong naalala sa pinuntahan namin!

"Goodness~! " I mumbled habang binababa ko yung mga dala ko. Nandito na kami nagyon sa office nya.

"Hoy, penge akong chocolate, ha! Bayad mo sa pagpapabitbit saken! Lechugas ka! Ginawa mo pa kong yaya mo!"

"Grab 'em all! That's all yours! "

"Sure ka? Di nga?"

"Ayaw mo ?"

"Syempre gusto! Salamat! May puso ka rin pala kahit papano!"

'M"Makakaalis ka na!"

"Teka, san ako pupunta ?"

"Stupida! Di mu alam? Tinuro ko na sa'yo kanina yung room mo ah! Sa room 21, 3rd floor ng 4th building! Tsupi!"

"Maka-tsupi naman to!" I grumbled sabay diretso na sa room ko. Good thing is wala pa yung teacher. Dali-dali akong naupo sa vacant seat.

Tapos mga ilang saglit lang ay may kaklase akong nag-shriek. Don' know why. Pero nung iangat ko yung ulo ko, nakita kong papasok si Daryl Castro.

Kaya naman pala..

Ang gwapo nya. Nakabukas yung first 3 buttons ng polo nya tapos may suot syang headset habang nakatago yung dalawang kamay nya sa bulsa nya.

He came nearer to me at naramdaman ko na lng na bumibilis yung kabog ng puso ko.

"Majhierod? Dito ka rin? Wow! Magkaklase pa pala tayo eh! Akalain mu yun? " said he with a dimpled smile. Naupo sya sa tabi ko.

I smiled back at him.. Di ako makapagsalita. Feeling ko, bigla akong naputulan ng dila out of the blue.

"Hey!" sabi nya sabay snap ng fingers nya sa mukha ko. Natauhan naman ako realizing na nakatitig na ko sa kanya kanina.

"Alam mo, ang cute mu"

"Ha? Aha.ha.ha"

'"Ang tagal nung teacher nuh? Here oh, makinig ka rin muna!" piansk nya sa isang tenga ko yung pares ng headset nya.

"Haha! Oo nga eh! Sana lang hindi masungit!"

"Bakit naman? Takot ka ba sa mga conceited teachers?"

Bigla kong naalala si Arch. Conceited kasi yung isang yun eh. Pero di naman ako natatakot.

"Not really. Pero kasi mas nagaganahan akong mag-aral at mag-participate sa class kung approachable yung teacher"

"Ganun ba? Ako kasi, I prefer strict ones.."

Bigla syang napatitig saken.

"Baket?" tanong ko.

Bigla nyang kinilos yung kamay nya papunta sa mukha na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Nag-move din yung mukha nya palapit sa mukha ko.

God! My heart skipped a beat!

"May dumi ka sa mukha." sabi nya habang pinupunasan yung part ng face ko na may dumi.

Wooh!~ Akala ko naman kung anu na.

Silent HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon