Chapter 37

123 6 0
                                    



Chapter 37

*My First Dance*

Majhie's POV

Naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin nang mapansin kong pinapaskil na sa paligid ng Academy and mga tarpaulin para ipaalala sa lahat na malapit na Anniversary ng Herge Academy.

Isa sa pinakaaabangan sa mga events nito ay ang Academy Ball dahil 'yun yung time para maisasayaw mo 'yung taong gusto mo o malapit sa puso mo.

Pero sa mga kagaya kong single, hindi kami excited sa Academy Ball na 'yun. Sana nga wala nang ganung event na mangyari.

~*~

After class ay niyaya ako ni Ralyn na magpunta sa isang sikat na designer ng gown.

"Wala akong planong mag attend ng ball."

"What?" Nakakunot-noong tanong ni Ralyn.

"NO! You will go whether you like it or not!"

"'Yung Academy ball na 'yun,para lang 'yun sa may mga lovers!"

"Madali lang 'yan! Sa ganda mong yan, makakahanap agad tayo ng pwede mong maging ka-date sa ball!"

I sighed. Sabagay, minsan lang dumaan sa buhay natin 'yung mga ganitong experiences. Mind as well ma-experience ko kahit ibang lalaki ang makapartner ko. Kung sakaling meron mang magyaya na isayaw ako sa gabing 'yun

Dumiretso kami ni Ralyn sa designer ng gown. May pinakita sya sa'ming sketch ng design nya.

"So may napili ka na?"

"I don't think I can afford this! May lumang gown ako sa aparador namin. Lalabhan ko nalang 'yun" Pabulong na sabi ko.

"Che! Pumili ka na diyan dahil ililibre kita!"

"Naku, Huwag na Ralyn! Ang laki laki na ng utang ko sa'yo!"

"As if naman na sisingilin kita, noh!"

Mga ilang minuto matapos kaming makapagdecide ng design na ipapatahi namin ay sinukatan na kami.

"We need those gowns before next week. Kaya ba?" Tanong ni Ralyn sa designer.

"Yup, but there will be an extra charge para sa pagpapa-rush"

"I don't mind paying basta dapat before next week matapos nyo na."

"Not a problem"

"Thank you."

At umalis na kami.


~*~

Herge Academy Ball.

Masquerade theme 'yung ball so naka-mask kaming pupunta ng Herge Academy.

Tiningnan ko 'yung wrist watch ko. It's already 8:00 pm. Alas nuwebe magsisimula ang ball. Sabi ni Ralyn dadaanan nya na lang daw ako. Hindi na kasi ako sumama sa kanya sa parlor. Nakakahiya naman kung pati pagme-make up sa sarili ko e ipapalibre ko pa sa kanya. Kahit pinipilit nya ko kanina, hindi na ko pumayag. Marunong naman akong mag-make up gn sarili ko. Besides, kung pangit man, ok lang dahil naka-mask naman kami.

Tinitigan ko 'yung sarili ko sa salamin.

"You're so pretty, Majierod Gonzalvo."

The fck! Nakakatibo tingnan 'yung sarili ko sa sobrang ganda! Echos lang!

Silent HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon