Chapter 28

3 0 0
                                    

Nagising ako at inisip ko na agad kung sino nasa paligid ko. Masaya naman akong nakitang ligtas sila Keila, Talia, Rino at mas lalo akong masaya ng makita ko si Maysee pero nawala rin yun ng maalala ko na bakit ngayon lang siya dumating.

"Iwan niyo muna kami." Sambit ko habang nakatingin sa kay Maysee.

Nang kami na ang natira dito sa room na ito, tumingin naman siya sa labas ng bintana.

"Alam ko tatanungin mo na naman ako kung bakit ngayon lang ako nagpakita."

"Dahil ang paalam mo magbabakasyon ka lang."

"Sorry... tangina kasi ng buhay ko Xadleigh eh, yung akala ko na sasaya ako pag nahiwalay na ako sa mundo niyo."

"Alam ko na gusto mo na makalayo... halata rin sayo nung nagpapaalam ka dati."

"I'm sorry.." Sabi niya muli.

"Okay lang yun, so ano balak mo?"

"Balak natin... nung nakita kita kahapon na pinag hahampas parang hindi ko na kaya na makita kang ganun."

"Huwag ka plastic tss." Napatawa naman siya habang ako naman nakangisi lang.

Nagulat naman si Maysee ng biglang bumukas ang pinto at habang ako naman ay nakatingin lang sa pinto.

"Anong nangyare sayo?" Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Wala 'to, nasuntok lang."

"Babe... walang ligaw na suntok ang tatama sayo." Seryosong sagot niya sakin.

"Wait? Sino kayo?" Eksena ni Maysee kay Ahxelius at kila Lucas.

"Ikaw ang dapat namin tanungin sino ka?!" Mataray na sabi ni Lucas.

"Bro.." Awat niya kay Lucas sabay turo sa duguan na kamay ni Maysee.

"Boyfriend ko." Sabay turo ko kay Ahxelius.

"Naks!!! Taena akala ko kay Art ka na habang buhay eh! HAHAHA." Sabay palo niya sa braso ko.

"Eh ikaw sino ka?" Sabi ni Ahxelius kay Maysee.

"Ako lang naman ang bestfriend ni Xadleigh at Keila." Mataray na sabi niya sa tatlo.

"Weh? Akala ko dalawa lang sila." Sabat ni Lucas.

"Obvious naman diba? Na hindi niyo ako kilala dahil hindi niyo naman ako nakikita."

"Hehe sasapakin ko 'to." Bulong ni Lucas kay Zekiel.

"Parehas kayo ni Keila, si Xadleigh lang nakakasundo namin hmp." Sabi ni Lucas sabay upo sa sofa.

"Bakit kayo nandito?" Pag iiba ko ng usapan.

"Naki usap kasi kami na makita ka nang mabalitaan namin kay Talia na nasa hospital ka." Sabi ni Zekiel.

"Dagdag mo pa si Ahxe na nag aalala sayo." Napatingin naman ako may Ahxe na nasa gilid ko lang habang hawak ang kanang kamay ko.

"Dapat nga nasa taping yan ngayon eh." Sumama naman ang tingin ko kay Ahxe nang maalala ko na ngayon pala first shoot nila.

"Oo nga  pala bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre hindi ko kaya na umacting pag nag aalala ako sayo."

"Okay lang ako."

"Ayan ka na naman.... 10 minutes lang hiniling ko kay Manager Cha para makita ka tapos mag sisinung—"

"Okay na ako kasi nandito kana." Pag tatapos ko sa kanya.

"May sapak ata jinowa mo eh." Sinamaan ko naman ng tingin si Maysee dahil alam ko na asar talo itong si Ahxe.

Soulmates Aren't Just Friend.Where stories live. Discover now