Chapter 1

36 3 1
                                    

AHXELIUS P.O.V.

Fuck!!!!!!! Late na ako! Kainis naman bakit hindi ako nagising, ganun na ba ako kalasing kagabi? Deretsyo C.R. naman ako at nagsimulang maligo habang nagsisipilyo. Matapos kong maligo ay agad naman akong nagbihis saktong tumunog ang cellphone ko.

"Hey! You're late AGAIN!" Sigaw ni Lucas sa tawag.

"Stop yelling! I'm not deaf!" Binaba ko ang tawag at minadali kong magbihis. Bwisit naman bakit ngayon pa ako na late, nakaka inis!

S C H O O L

Sakto naman ang dating ko at medyo maraming estudyante na nagkakalat sa hallway. Nakita ko naman sila Lucas at Zekiel na naghihintay sakin sa parking lot. Pagpasok namin sa campus halos mabingi kami sa tili nila.

"TANGINAAAAAAA ANG POGI AHXELIUS!"

"KYAAAAAHHHH SHIT NAIIHI AKO SA KILIG!"

"SI LUCAS ANG BET KO TEH!"

"I LOVE ZEKIEL, SO SWEET NIYA!"

"MAY NEW ALBUM ATA SILA?"

"SI XEDRIC NALANG KULANG! HUHUHU BAKIT KASI NASA THIRD YEAR NA SIYA HUHU."

Psh..

"BWHAHAHAHA THANK YOU GUYS." Sambit ni Lucas habang kinakawayan niya ang mga babaeng nakakasalubong namin. Si Lucas ay isa sa mga kaibigan ko at Pianist ng banda namin. Pinaka maingay sa aming tatlo, pero sobrang maraming talento.

"Lucas, Can you shut your mouth?" Mahinang sambit naman ni Zekiel. Siya ang Drummer, at pinaka tamad at masungit sa aming tatlo.

At si Xedric Zon isa siyang base guitar ngunit mas ahead siya samin ng 2 years kaya nasa third year na siya.

"Ang OA talaga ni Zekiel! Minsan lang maging ganto! Badtrip ka! Bading!" Natawa naman ako sa sinabi ni Lucas pota alam na nga niyang pikon rin si Zekiel minsan bwahaha.

"Bullshit! Akala ko malalate na ako e." Pag iiba ko naman ng usapan bigla naman akong binatukan ni Lucas.

"Siraulo ka dre! Nag inom ka nanaman kagabi no?"

"Konti lang naman, pero hindi ko alam na ang lakas pala ng tama sakin. Tinatapos ko kasi yung sinusulat kong kanta kaso, kahit utak ko hindi nakikisama e." Sinamaan naman nila ako ng tingin.

"Tsk. Eh kung isumbong ka namin sa Mommy mo?" Ngising sabi ni Zekiel.

Agad ko naman na binatukan si Zekiel, ano kami bata para mag sumbong minsan talaga isip bata 'tong si Zekiel. Mahal na mahal ata siya ng Mommy niya at ginawa parin siyang baby.

"Gagooo! Para kang bata, nag inom lang naman ako e." Ngusong sambit ko sa kanilang dalawa, umiling iling nalang sila sakin.

"Tandaan mo dre! May image tayo na dapat ingatan ha." Paalala naman sakin ni Zekiel at tyaka tinapik ang balikat ko.

Naglakad naman kami sa bulletin board ng school at hinanap namin ang room namin. Nasa third floor naman ang room namin at hindi naman nawala ang mga babaeng nagsisigawan at nagbubulungan sa paligid namin. Hanggang sa makapasok kami sa room namin at umupo kami sa pinaka dulo. Inaantok kasi kami pag nasa harap kami, mahirap na at baka masita kami. Kinapa ko naman yung bulsa ko para tignan yung phone ko kasi natigilan naman ako ng maiwan ko pala ang cellphone ko sa sasakyan, kaya nagpaalam ako sa dalawa na pupunta ako sa parking lot.

Habang naglalakad ako ay ayun nanaman ang tilian, sigawan, bulungan. Ngumingiti nalang ako at bilis na pumunta sa parking lot. Pagkarating ko ay may paparating na dalawang sasakyan na naagaw ng atensyon ko. Dalawang Porsche Boxsters 2019, Isang Itim at Isang Pink matatawa ka nalang talaga dahil blackpink ang pumasok agad sa isip ko. Pero laking gulat ko parehas silang babae nagpark naman silang dalawa sa tapat ng mga sasakyan namin nila Lucas.

Soulmates Aren't Just Friend.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant