Sia, unimpressed, turned her back to me again and cotinued walking. "Bahala ka jan."

Nakanganga, I stared at her. "What's with you today?" I asked and followed her to the living room.

Hindi sumagot si Sia. When I sat beside her, she glared at me, kaya lumipat ako. Nang makaupo ako sa armchair, bumalik siya sa kaniyang phone. Naubos ko na't lahat ang kape ko'y hindi niya na ulit ako pinansin.

○●○

Nasa kusina ng second floor si Nanay nang dumating kami sa Rosalie's. 

Tinanong ako ni Sia kanina bago kami umalis kung ba't ako sasama eh sinabi kong busy ako. I defended myself, saying that I was only joking, but she didn't have any of it. She only slid on the driver's seat and strapped herself with a seatbelt. Buti na lang ay nakatunog agad ko. I slipped into the passenger's before she can step on the accelerator.

"Nay," bati ko kay Nanay. Nagluluto siya ng tanghalian kaya isang half-hug lang ang naibigay ko sa kaniya. Sumunod si Sia.

"Kailangan n'yo po ng tulong?" agad na tanong ni Mameh matapos humiwalay kay Nanay. Nanay smiled at her gratefully and pointed to the vegetables on the table.

Sia went to work almost immediately, still not talking to me. Habang naghuhugas ako ng kamay bago tumulong, napatanong ako kay Nanay kung nasa'n si Jhe. Hindi ko siya nakita sa baba. Wala rin sa sala.

"Ayun sa kuwarto niya, may sakit," nguso ni Nanay sa direksyon ng mga kuwarto namin.

"Anong nangyari?" 

Saglit na humarap sa 'min si Nanay hawak-hawak ang isang sandok. "Ilang araw hindi naarawan kare-review," aniya. "Nang maulanan noong isang araw, ayan. Nilagnat na agad."

"Kailan pa po siya may sakit?" nag-aalalang tanong ni Sia. Nakaupo na siya sa harap ng mesa, naghihiwa ng saging na saba.

"Dalawang araw na."

Naupo ako sa harap ni See at kinuha ang kutsilyo at labanos. While prepping my station, I eyed Sia. Na-recognize ko ang expression sa mukha niya. So I said, "You can't check on him, See. Baka mahawaan ka." 

I almost regretted saying it when she whipped her head to my direction, looking at me for the first time since we arrived. Genuine irritation laced her stare.

"Ay, naku. Huwag, anak," ani Nanay. Bigla itong lumingon nang marinig ang sinabi ko. "Mahirap na kapag nagkalagnat ka."

Sia nodded and said, "Opo." Pero ang tingin niya, nasa 'kin pa rin. The irritation in there never leaving, nor decresing.

"Ako na lang sisilip sa kaniya," sabi ko para hindi na siya magalit. "You stay here."

But Sia didn't buy it. Inirapan niya lang ako bago bumalik na sa kaniyang hinihiwa.

○●○

"Rafael."

Nagitla ako nang marinig ang boses ni Nanay sa likod ko. I was standing by the entrance to the kitchen, watching Sia as she lounged on the sofa. Nanunuod siya ng TV habang kumakain ng mangang pinitas mula sa likod-bahay. I averted my gaze and turned to look at Nanay.

Inabot ni Nanay sa 'kin ang isang tray ng pagkain. "Oh, para kay Jhe," aniya. "Tulungan mo na ring maghilamos ang kapatid mo, ha?"

Tumango lang ako.

Nanay, my ever so sensitive Nanay, picked up on my mood.

"May problema ka ba?" tanong niya.

Saglit akong natigilan at napatingin sa sala. Sinundan ni Nanay ang tingin ko. 

"Nag-away ba kayo?" tanong niya sabay balik sa 'kin ng kaniyang tingin.

I shifted my footing. "Actually, hindi ko po alam? Ilang araw niya na 'kong kinakausap. Mag-usap man kami, galit siya. Ni hindi ko alam kung anong ginawa ko."

Natawa si Nanay sa sinabi ko. She put a hand on my shoulder and said, "Sige. Aalamin ko."

"Nay," I whined. "Edi lalo 'yan magagalit kasi nagsumbong ako sa 'yo."

"Hindi," pilit ni niya. Kumapit siya sa braso ko at pinisil iyon. "Para malaman mo kung galit talaga sa 'yo o mood swings lang."

Natulala ako sa ngiti ni Nanay. "Mood swings? 'Di ba't tapos na s'ya jan?"

"May mood swings ang buntis kapag first trimester, tapos bumabalik kapag third trimester. Ganoon talaga 'yun. Kaya pagpasensyahan mo na."

Napakurap ako sabay baling kay Sia. She's still watching the TV, focused on it like it's the most interesting thing in the world. And I thought, she's not mad?

I can't believe how, for a moment there, I thought she changed her mind about being with me; that I thought she's actually going to Cierra Estrella as soon as we got home and leave me. 

Oh my god, I gasped internally. Suddenly, the familiar feeling had a name.

"Sige na, Rafael, at baka lumamig na 'tong sabaw ng kapatid mo," ani Nanay, dahilan para matauhan ako. Tumango na lang ako sa kaniya sabay lakad papunta sa kuwarto ni Jhe.

But ever since then, the thought of patterns and familiar feelings never left me.

○●○

11/15/2018
D, are you mad? I miss you, when are you coming home? -R.

12/06/2018
Kevin's back from the shoot, right? You have time for me now? -R.

12/07/2018
Is it normal to miss you kahit na nasa kabilang kuwarto ka lang naman? -R.

02/14/2019
D, why did the usual feel different? Are you okay? -R.

08/30/2019
Dino, may plano ka pa bang umuwi? - R.

I stared at all the messages I wrote for Dino sa journals naming dalawa. Nakapalaman ang anxiety-laced questions na 'to sa mga sweet at random naming conversation. And it dawned into me that I'm starting to fall into this pit again, with Sia this time.

I said that my job required me to take notice of patterns in a person's behavior. At kapag sa tingin ko'y self-sabotaging ang behavior, doon ako magsusuggest ng intervention.

Now, I'm noticing such behaviors in myself. I need to do something about this, before it bacame out of hand.

To be continued...

note --
Short update, but still an update, right?

Anyway. Kumusta kayo? I hope you're doing well. Salamat sa paghihintay, ha? Hindi ako mapapagod na sabihin sainyo 'yan. Ilang chapters na lang naman, and I'm determined to finish this ngayong February, so. Cheer me up! Ilaban na natin 'to.

Ingat kayo lagi!
-A. 💜

PS. Random question: kung isang character ka sa story, anong story 'yun at ano ang role mo? (can be an existing story in a published/online book, movie, series, etc. Or random plot you thought of.) Humor me. :)

Before RosaWhere stories live. Discover now