Chapter 39

7.6K 204 3
                                    


Blaire Marie

NASA ibaba kami ngayon ng building kung saan hinihintay namin ang aming school bus dahil ngayon na rin kami uuwi since tapos na ang aming OJT. Nang matanaw ko at ng aking mga kaklase ang bus ay agad na nagsipagkilos ang mga kaklase ko. Napahawak naman ako sa strap ng bag ko.

Lalapit na sana ako sa bus no'ng harangin ako ng magaling kong bestfriend. I rolled my eyes. Nagtatampo pa rin ako dito.

"Maiwan ka nalang muna dito best" sabi nito na ikinakunot-noo ko.

"Gano'n? Ayaw mo na ako makasabay? So iiwan mo na ako dito?" Mataray kong tanong dito. Natawa naman ito na lalo kong ikinasimangot. Mukang inaapi ako ng bruhildang ito ah!

"Napaka emotera mo talaga. Gusto ka lang naman makasabay ng boyfriend mo 'no! Yieeeh! Sige mauna na ako, baka naiinip na sa akin si Kent ko eh" sabi nito na ngiting-ngiti pa. Landi!

Napapansin ko sa babaeng ito, napakahyper ngayon. Kent ko? Sila na ba? Hay nako! Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Marigold kaya naiwan lang akong nakatayo sa pwesto ko. Napansin ko pa na hawak-hawak nito si Athena at parang pinipigilan. Hindi pa naman kalayuan ang kinaroroonan nina Marigold at Athena kaya naririnig ko pa ang mga hinaing ni Athena.

"Wait lang naman Marigold.  Ano bang problema mo? Gusto ko lang naman puntahan si Brent para tanungin kung gusto niyang sumabay sa atin!" Halos pasigaw na wika ni Athena kay Marigold. Napakunot-noo naman ako.

"Hindi nga s'ya sasabay sa atin" Madiin namang sagot ni Marigold na halatang nagpipigil lang ng inis.

"Paano mo naman nalaman? Close ba kayo huh?"

"Huwag ka nangang maraming tanong. Halika na!" Inis na wika ni Marigold na hinigit na si Athena pero pumiglas ito.

"Ayoko nga! Bakit hindi 'yung bestfriend mo ang hilahin mo pasakay ng bus? Magpapaiwan ba siya dito para makipaglandian kay Brent?" Tanong ni Athena na bumaling pa sa direksyon ko para tingnan ako ng masama. Sinalubong ko lang ang mga tingin nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Tara na!" Sabi ni Marigold na buong pwersa nang hinigit si Athena kaya hindi na nakapalag ito.

"Bye best! Enjoy" Pahabol pa sa akin ni Marigold na nilingon pa ako sandali. Kumaway naman ako dito kahit mukang hindi na nito iyon nakita dahil tumalikod na ito habang hila-hila si Athena na masama pa rin ang tingin sa akin.

Nang makaalis na ang bus ay naiwan akong nakatayo sa tapat ng building. Napatingin ako sa wristwatch ko. Alas-nuebe na pala ng umaga.

"Let's go" Narinig kong wika ng lalaki sa likod ko na alam kong si Mr. Brent. Hindi pa man ako nakakalingon ay nasa harap ko na ito at nagsisimula nang maglakad. Napasimangot ako. Hinintay-hintay ko siya dito tapos iiwan din pala ako. "What are you doing?" Nakakunot-noong tanong nito sa akin no'ng tumigil ito sa paglalakad at lingunin ako. Hindi pa rin kasi ako umaalis sa pwesto ko.

"Nakikita ng nakatayo e" sagot ko dito pero mahina lamang ang pagkakasabi kaya hindi ko alam kung narinig nito iyon.

TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]  Where stories live. Discover now