"Firefly Roofdeck?!" Sabi ko nang marealize kung nasaan kami.


"How did you know?" Tanong niya.


"Matagal ko na 'tong gustong puntahan!" Nakita kong nangiti siya nang kaunti nung makita niyang na-excite ako bigla. Sige na nga, may points siya sa akin dahil dinala niya ako dito!


I heard this place before kay Valery nung meron siyang naka-date na Atenean at dito daw siya dinala. The best daw itong puntahan ng mga tao na gusto ng magandang view while eating dahil meron siyang 360 view ng Makati CBD skyline. Nung narinig ko iyon ay gusto ko na agad puntahan 'tong lugar, hindi lang ako matuloy dahil wala akong makasama. Mostly daw kasi ng nagpupunta dito ay mga couples na gusto ng romantic date.


Pakiramdam ko tuloy ay mag-jowa kami ngayon. Charot.


"Hindi ba mahal dito?" Tanong ko habang nasa elevator kami paakyat sa tuktok.


"Kinda, but the food's worth it," sagot niya.


Medyo marami ring taong kumakain nung dumating kami. Napansin ko na mostly nga ng nandito ay couples. Nakakahiya tuloy dahil baka isipin nila ay mag-jowa kami.


"City lights," excited kong sinabi nang makita ang view. Napanganga na lang ako at natulala sa sobrang ganda.


I don't know pero sobrang fan talaga ako ng skyline sa gabi. Yun din ang dahilan kung bakit matagal ko ng gustong pumunta at ma-try ng gabi dito. Nakaka-appreciate naman ako ng view sa umaga, pero iba yung vibes na nabibigay sa akin kapag gabi. Ang peaceful, ang tahimik, parang walang problema sa mundo.


I could stare at it for hours. Kahit hindi na kami kumain, kahit itong view na lang, satisfied na ako.


Joke. Syempre mas maganda parin ang view kung pagkain ang nasa harapan ko.


Sa tabi ng railings ang table na pina-reserve niya kaya kitang kita talaga namin ang magandang view. Hinila na niya ang upuan para makaupo ako, saka siya umupo sa kabila. Bilog ang lamesa at magkatapat kami ngayon. Tinawag niya rin agad ang waiter para i-serve ang food na in-advance order niya.


I really appreciate his little gestures. Lalo na yung pagiging gentleman niya, it really turns me on. Siguro dahil ngayon ko lang din naman na-experience 'to sa isang lalaki. Sige na, plus points ulit!


While waiting sa food ay naisipan kong picturan yung lugar at videohin yung magandang view para may pang-story ako sa Instagram. Pagkapost ko ng story ay mabilis nagreply yung mga kaibigan ko,


@itsvaleryy_: firefly roofdeck? what r u doin der bitch


@ivy.celeste: who's with u?


@hannahcruz: naol may date hays


Mga dakilang chismosa talaga itong mga kaibigan ko. Minsan iniisip ko kung ano kaya yung iba pang ginagawa nila bukod sa pakialaman ang buhay ko. Pero okay lang dahil ganun naman talaga kaming lahat sa isa't isa.

The Tiger's Kiss (University Series)Where stories live. Discover now