08 Condo

713 23 13
                                    

"Wala ba tayong walwal ngayon?" Tanong ko kay Hannah habang naglalakad kami palabas ng NU, katatapos lang ng klase namin. Ang bilis lang lumipas ng mga araw at patapos na naman ang week. "Tara, night out," dugtong ko.


Nagulat pa siya dahil hindi siya sanay na ako ang unang nag-aaya sa amin, "Himala, bakit ikaw yung nag-aaya?" sagot niya.


"Wala lang,"


Paano kasi, magkikita dapat kami ni Lorenzo dahil ngayon ko ipapasa sakanya yung pinagawa niya sa akin sa thesis. Excited sana ako dahil makakasilay ako, pero nag message siya bigla sa akin na next week na lang dahil hindi siya pwede ngayon. Hindi ko naman alam kung bakit. Baka busy? Hindi rin naman kami nag-usap nitong buong week. Hindi man lang kasi siya nagsstory sa Instagram niya kaya wala akong makuhang update sakanya o sa mga ginagawa niya.


"Wala si Val kasama UST friends niya, si Ivy naman umuwi sakanila ngayon," sabi ni Hannah.


Kung kailan naman feel ko mag-aya at mag-chill saka naman sila mga hindi pwede. Nakakatamad kaya umuwi na lang din ako sa dorm ko at nagpahinga.


6pm na nang maalala ko na may mga kailangan pala akong bilhin na ilang stuff para sa drafting subject namin. Nagkaroon ako ng dahilan para pumunta ng UST. Doon lang may malapit na pwede kong bilhan ng mga school supplies kaya nagmadali akong magbihis para maabutan kong bukas yung bilihan. Nagsuot lang ako ng NU shirt at maong shorts.


"Nandito kaya siya?" bulong ko sa sarili habang naglalakad at mapadaan sa tapat ng UST papunta sa Jolis sa P.Noval.


Pag dating ko sa Jolis ay kinuha ko agad ang mga kailangan kong bilhin. Gumawa pa ako ng listahan para wala akong makalimutan. Folder, graphing papers, tracing papers para sa drafting subject, etc. Pagkatapos ay pumunta na ako sa counter para magbayad.


"678 pesos po lahat Ma'am," sabi nung cashier. Kinapa ko agad ang bulsa ko para kuhain yung wallet ko. Nagtataka pa ako dahil wala akong mahawakan.


"Shit," sabi ko nang marealize na hindi ko dala yung wallet ko. Lumingon ako sa likuran at nakita kong mahaba na ang pila. "Wait lang ate, naiwan ko kasi ata yung wallet ko," sabi ko. Nataranta ako sa harap ng cashier. Kinakapa-kapa ko na ang bawat bulsa ng shorts na suot ko pero wala talaga akong dalang pera! Malapit na ata akong maiyak!


"Magkano, Miss?" Nagulat ako nang biglang magsalita yung lalaking kasunod ko sa pila.


"678 pe-sos-" Nauutal kong sagot. He's wearing UST pants at naka-sweater siya sa itaas kaya hindi ko sigurado kung anong course niya. Nasa 5'8 ang taas. Gwapo.


"Pakisabay na po," inabot niya sa cashier yung binili niyang nag-iisang g-tech ballpen, pagkatapos ay inabot niya rin ang buong isang libo. Napaawang ang labi ako nang bayaran niya yung mga pinamili ko. Nahiya ako dahil mas malaki pa yung binayaran niya sa akin dahil mas marami akong binili kesa sakanya.


"Thank you," nahihiya kong sinabi, "Paano kita mababayaran? UST ka ba?" tinanong ko para makasigurado.


Tumango siya, "No problem, Miss. Bayaran mo na lang ako if ever magkita tayo ulit," he smiled.

The Tiger's Kiss (University Series)Where stories live. Discover now