Ngayong Valentine's Day 1

222 18 9
                                    

"Ayan puro ka Thinking out loud..

halos 70 tuloy ang mga grado mo! Ikaw bata ka! puro lovelife yang nasa utak mo.. Imbes mag-aral, eh pag daday dream ang inaatupag habang nagpplay yang kanta ni Ed...Edgardo? Ay hindi.Foreigner yun eh..Sino nga yun? Ay basta! Naku! Umayos-ayos ka ah. Tsaka nakakasawa na yang kantang yan..Memoryado ko na nga dahil sa'yo eh. "

Naririnig ko na naman ang mga talak ni Inay. Jusko! araw-arawin ba naman ( ̄﹏ ̄)

Pero hindi ako si Rina uh...

At mas lalong hindi puro 70 ang grades ko.

I'm Reena. Kambal ni Rina ✌✌

Seventeen years old kame, taking up Bachelor of Science in Medical Technology.

Kahit na kambal kameng dalawa, obvious na obvious naman ang mga differences namin.

Rina...curves? Check! Beauty? Check!

Personality? Check! Boyfriend? check!

Lahat ng namention ko tungkol kay Rina ay wala sakin.

How sad nu? Pero tanggap ko ang sarili ko.

Ika nga nila "Love your own." haha!

Ako? Simpleng nilalang na flat-chested, may round eyeglasses, diretso ang katawan, so wala ngang curves... Hindi ako out-going, unlike my twin. Im into books. NBSB. uhm.Ano pa ba? Well, ang maipagmamalaki ko lang, syempre ang grades ko.

Matataas na grades lang ang meron ako. Not bad :)

Despite sa differences namin ni Rina, magkasundo naman kame.

We used to talk and give advices to each other. Sharing of thoughts and secrets.

Sister, at the same time.. BESTFRIEND.

"Nay naman eh! Sorry na po. Bawi nalang ako next term. Tsaka di na ko bata nay, seventeen na ho ako ✌✌"

- Rina

"Aba't..Iha, hindi pa legal yang edad na yan. Pinayagan lang kita magboyfriend, kasi ang sabi mo pang-Inspirasyon sa pag-aaral. Eh ngayon nasaan ang inspiration huh?"

-Inay

Nakapasok na sila sa kwarto namin, at dito pa nga atang balak magdiskusyon.

Naabutan kasi kame ni Inay kanina na tinitignan sa portal ang grades namin..Kaya ayan.

"Sorry na nay, bawi lang ako. Promise! Tsaka wag nyo naman ho idamay si Ed sa galit nyo nay. Ed Sheeran po, hindi Edgardo. Si Nanay talaga.

"Ay ewan ko sayong bata ka. Hala! Mag-aral ka jan...Tsaka pwedeng ibang song naman Nak? Suggest ko sayo yung Everything Has Changed nalang ni Taylor, ft. Ed yun. Alam mo namang Swiftie si Inay eeh. Haha. O sige.Maiwan ko na kayo. "

At umalis na nga sya sa kwarto namin.

Weird si Inay nuh? XD

"Uy sis! Malapit na ang February :) Ano plano mo?" Excited nyang tanong sakin.

"Huh? Plans for what? may important event ba?

Ano na naman kayang meron?

Ang daming alam nitong babaeng to.

"Duhhh! Sis naman eh! Araw ng mga puso...Haler!"

Ay. puso ba kamo?

Mabuti pang matulog. Haha :D

Ikaw? Anong gagawin mo Ngayong Valentine's Day?


Ngayong Valentine's Day (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon