Pinilit ko namang kumawala sa kanya para tumayo ngunit hindi n'ya 'yon hinayaang mangyari. Sa halip ay mas lalo niya pa akong kinarga na parang bagong kasal.

Gustuhin ko mang manlaban o tumutol ay nananalaytay ang pagod sa 'king sistema.

Lalo na ngayong nandito ang presensya n'ya.

"You hard-headed woman," he hissed then started walking.

Namalayan ko nalang na nasa harapan na kami ng condo ko. He pressed my lock and carried me carefully inside. Ipinasok niya ako sa kwarto at marahan na inihiga sa kama. Tiningnan niya akong muli ng puno ng pag-aalala.

"Rest, bae," he said then crouched to kissed my forehead.

Awtomatiko akong napapikit dahil doon. Sa isang iglap ay tila tuluyan na akong kinain ng kawalan.

I want you to be in my life, but I am scared.


NAALIMPUNGATAN ako sa pag-iingay ng telepono ko. I slowly opened my eyes and searched for it. Agad ko 'tong sinagot nang nakita ko ang pangalan ni Aycxe sa screen.

"Hello, bomber speaking," paos kong saad.

Nanlaki ang aking mata nang saktong bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Jairon na may bitbit na tray.

"Code red. Sophia's house," Aycxe spoke and ended the call.

Mabilis akong napabangon dahil doon. "Fvck!" bulaslas ko at mabilis na nagtungo sa 'king mga kagamitan.

"What's going on?" pagkuha ni Jai sa atensyon ko.

"Emergency," tipid kong tugon.

"Hindi ka pa nakakapahinga nang maayos, Quennie," pagpapaalala niya sa 'kin.

Nilingon ko s'ya at walang emosyon na ngumiti. "Sa mga oras na ito, marami ang pupwedeng mamatay, Jairon."

I closed my bag after fixing everything and got my car keys. Napatigil ako nang makita ang inihanda niyang pagkain sa 'kin. I bit my lower lip and looked at him.

"Can you put it in the fridge? I-I'll... eat that later," pabulong na wika ko sa huli.

He just gave out a deep breath and nod. Namumungay ang kanyang mata na nakatingin sa kabuuan ko.

"Be safe," he said softly.

Tipid akong ngumiti. "I will," I assured and walked pass him.

Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang maingat n'yang paghawak sa 'king braso dahilan para mapatigil ako.

"Can I come with you?" he asked.

Mabilis akong umiling kasabay nang pagseseryoso ng mukha ko. "Hindi ka maaaring pumasok sa mundong ginagalawan ko, Jairon."

Hindi ko naprotektahan ang kapatid ko... Maski ikaw ay hindi ko maproprotektahan kapag nagkataon.

"Alis na 'ko. Kailangan na ako ng mga kasama ko," pamamaalam ko at tuluyan na siyang iniwang sa aking pamamahay.

Pilit kong inalis sa 'king utak ang tungkol sa aming dalawa at itinuon ang buong atensyon sa nangyayaring gulo.

Sophia's brother got kidnapped and her father was badly injured. Kahit ako ay nanghihina sa mga nangyayari.

"Can we still save Cjay?" nanghihina kong usal habang magkakasama kaming nakaupo.

The scenario reminded me of my sister.

"We'll save him," matalim na matang wika ni Aycxe.

"Paano kung..." Mahigpit akong lumunok at napayuko. "Katulad ng kapatid ko," pabitin kong sambit, sapat lang para maintindihan nila ang punto ko.

"They'll use him as a bait," Aycxe announced.

Lahat kami ay napatutok sa kanya.

"They want Sophia in their group. In order to do that, they will use his brother to blackmail her," she explained.

Pare-pareho kaming napamura.

"Kailangan nating bantayan si Sophia. Knowing her situation she'll be surely impulsive on her action," Shiela commented.

Sinang-ayunan naman namin 'yon. Ilang minuto pa nga ang lumipas ay tuluyan na siyang nakauwi.

Puno ng awa ang aking dibdib para sa kanya habang nakikita ko s'yang nanghihina at wasak. I'd been there. Alam ko ang pakiramdam nang matakot at mawalan.

She lost her sister, her mother is not well, her father is in critical condition, the person we didn't expect to turned her back betrayed her and now her brother is out of nowhere.

She broke down, she pleaded, she kneeled in front of us. Hindi man kami magkakadugo ay pare-pareho kaming nasaktan dahil sa iisang grupo.

Tulad nang inaasahan namin ay isasaalang-alang niya ang buhay niya para sa kapatid. Maski ako ay nasisigurado ko na gano'n din ang gagawain ko sakaling malagay ako sa sitwasyon niya ngunit kailangan namin siyang pigilan.

Matthew made her sleep. Dinala niya si Sophia sa kwarto at pinabantayan sa mga tauhan. Pagkatapos n'yon ay nagtungo kami sa isang silid para paghandaan ang magiging plano.

"Wala sila sa bahay niya," Noella informed as she showed us the footage.

"Maaaring nasa isang lugar sila at doon bihag si Cjay," Shiela commented.

"Sigurado 'yan. Noella, suriin mo lahat ng lumang gusali na nakapalibot sa lugar. Maaaring doon sila nagkukubli ngayon." Pag-uutos ni Aycxe na mabilis na ginawa ni Noella.

"Feeling ko talaga may nakalimutan tayo," usal ko habang hinihilot ang aking sintido.

Kanina ko pa ito nararamdaman ngunit hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin.

"Fvck!" bulaslas ni Noella habang nakatitig sa kanyang laptop.

Lahat kami ay napatuon ang atensyon sa kanya.

"What happened?" Matthew asked, brows furrowed.

Napatampal sa noo si Noella at iniharap sa amin ang laptop niya. "We have a problem," she uttered.

Pare-pareho kaming napamura nang nakita namin si Sophia na nakasakay sa motor.

"Damn that fvcker!" Aycxe exclaimed and quickly got her phone to make a command.

"Is there any tracking device on her?" Matthew asked worriedly.

"She turned it off," namomroblemang usal ni Noella.

Again, we cursed in unison.

"Follow every footage," Aycxe said.

Tumango naman si Noella at mabilis na tumipa-tipa sa kanyang gamit.

"Yeah, why did we forget her secret room?" bulaslas ko at napahilamos nalang sa aking mukha.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن