No Entry # 9

1.8K 42 0
                                    


Balik skwela na naman. Ang bilis ng panahon. Isang linggo na matapos ang Christmas break.

Magkakasama pa rin kami ni Daniel kumakain at ihahatid niya ako sa bahay gamit ang bisekleta niya pag-uwi.

Hinihintay ko siya na kinukuha ang baon niyang lunch na nilagay niya sa locker.

Habang hinihintay ko siya ay nagvibrate yung phone ko at nakitang tumatawag si Papa gamit ang viber.

Kaya agad ko yung sinagot. Nakausap lang namin siya nung Christmas dahil sobrang busy daw dun. Hindi masyado sinecelebrate ang Christmas.

Pa?

Rina anak. Malapit na akong umuwi. sabi ni Papa na ikinatuwa ko. Yes! Uuwi na rin si Papa!

Yes! Kailan po? sabi ko sa kanya na masaya ang tono.

Malapit na anak. Konting tiis na lang. I love you anak. Maraming magbago pagdating ko anak. sabi niya pero ngumiti lang ako.Okay lang basta kasama ko ang pamilya namin.Kaya naming harapin ang mga pagsubok namin.

Opo Pa, okay lang basta magkasama tayong apat. sabi ko

Oo nga anak.Sige anak magtratrabaho na si Papa bye anak. I love you.. sabi ni Papa laya agad akong nag-I love you too sa kanya saka pinutol ang linya.

Padabog na isinirado ni Dan ang pintuan ng rooftop. Iba ang aura niya nakakatakot. Balot na balot ng galit. Nakaramdam ako ng takot.

Dan..

Takot kong sambit sa kanya. Wala akong masamang ginawa sa kanya? Bakit ganito siya??

Rina.. Madiin niyang sabi sa pangalan ko

D-dan anong problema?

Kaninong kwintas yan??!! Sabi niya saka aakmang hilain ang kwintas pero umangal ako.

Ano ba Dan! Nasasaktan ako! sabi ko sa kanya.

Huh?! Totoo nga..sabi niya na may paet na boses.

Ang ano Dan??! Anoh! Hindi ko alam kung anong sinasabi mo! Singhal ko sa kanya.

Yang kwintas na yan! Saka binigay niya sa akin ang isang nakatuping papel.

Nanginginig akong kinuha iyon. Natatakot ako sobra.

Hindi mo ko mahal. Si Dominic talaga. Natatakot ka lang sa panghuhusga nila. sabi ni Dan saka lumabas at padabog na isinara ang pintuan.

Napaupo ako sa sahig dahil nawalan ako ng lakas pagkatapos kong mabasa ang sulat.

Daniel Aragon,yung kwintas na suot ni Rina ay galing sa akin. Tinanggap niya iyon bilang isang tanda na nagmamahalan kami. At ako ang tunay niyang mahal hindi ikaw. Intindihin mo dahil takot siyang mahusgahan dahil sa motto niya na ayaw niya sa mga mayayaman. Pakawalan mo na siya dahil hindi ka niya mahal.

P.S Ako ang totoong mahal ni Rina.

- Dominic Madrigal

Humagulgol ako dahil sa galit at takot na baka iwan ako ni Dan dahil sa pesteng sulat ni Dominic! Hindi ka pa rin nagbabago Dom!

Rich Kid NO ENTRY(Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu