NO ENTRY #1

9.4K 140 6
                                    

Senior High School Student na ako ngayon. Akalain niyo yun. Ang bilis talaga ng panahon.

Saka kinuha ko ang baon ko at ipinasok sa bag. Lumapit ako kay Mama saka hinalikan siya sa pisnge at nagpaalam na.

Dumating na ang tricycle na naghahatid sa akin araw-araw papuntang school. Sasakay na sana ako pero tumatakbong lumapit sa akin ang baby namin na 8 yrs. old pa lamang na sobrang kulit.

Ate eh~~~~  saka siya nagkiss sa pisngi ko.Ang kyut talaga ng kapatid ko.

Baby Karl alis na si ate ah? Saka tumango siya bilang sagot.

Nagwave ako sa kanya kaya ayun sobrang kyut nagwave din.

-------

Bumaba na ako ng nasa gate na kami ni manong.

Salamat manong sa paghatid! At ayun ngumiti si manong sa akin.

Good morning po...

Good morning din iha. Fourth year ka na! Sagot naman ni manong sa akin. Kaya nagnod ako bilang sagot.

Ipakilala ko na ang sarili ko habang naglalakad ako papuntang building namin.

Ako pala si Anna Karina Abad Rina for short. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Phantom High na isang elite school. Paaralan para sa mga mayayaman. Hindi kami mayaman. Ewan ko ba't bakit dito ako pinag-aral ng high school nila Mama't papa.

Ang mama ko ay Anna Abad na isang dakilang guro. Nagtuturo siya sa isang elementaryang paaralan sa lugar namin.

Si Papa naman OFW. Engineer siya sa America. May kapatid akong paslit na sobrang kulit na si Adrian Karl Abad. Eight years old pa lang yan.

About sa sarili ko? Basahin niyo na lang dahil kulang ang salita para maipaliwanag.

Sobrang laki ng paaralang ito. Ako lang ang naglalakad papuntang building dahil hindi pwede papasukin ang isang tricycle. Yung mga cars at motorbikes lang ang pwede.

Pagkapasok ko sa building ay nagkakaguluhan sila sa bulletin board kung saan nakalagay ang assign room mo.

Pumila ako para makalapit sa bulletin board except na lang sa mga mayayaman na badboy's saka bitches. Hari at reyna kasi sila dito sa paaralan.

IV-A ako kaya naglakad ako papuntang IV-A room. Hay.sana ang buhay ko ay peaceful pa rin katulad dati. Ayoko sa gulo.

Tahimik akong pumasok at umupo sa pinakadulong upuan malapit sa bintana.

Gusto ko sa bintana dahil sa simoy ng hangin na nakakarelax.

Narinig ko ang pagpasok ng mga mean girls ng school. Ang mga nagre-reynahan dito. Kasi may pera at kapangyarihan ang kanilang mga magulang. Spoiled Brats.

Hindi ko sila naging kaklase dati at kaya peaceful ang buhay ko pero paano na toh ngayon kaklase ko na sila?

At kaklase ko pang ang badboy na ito. Kung walang ibang ginawa ay pestehin ako dati pa.

Okay class take your sit. We have a transferee. Iho introduce yourself. Sabi ni mam saka pumunta sa harapan ang isang lalaking sobrang puti na may british feature na may pagka American. Okay gwapo pwede ng pangmodel toh sa Bench.

Im Daniel Aragon. That's it.

Pagpapakilala niya saka lumakad at umupo katabi ko. Wala kasi akong ka share sa desk ko.

Okay dahil sa first day of school ngayon bilang seniors hindi muna ako papasok. Okay? -mam saka lumakad paalis. Siya ang adviser namin at Ethic Class Teacher.

Rich Kid NO ENTRY(Completed)Where stories live. Discover now