MTIPH 4: Letter

67 3 0
                                    

Paul Edward's POV

Di na rin ako makapaghintay na magawa yung mission ko hay. Kala ko sa picture lang siya maganda, kala ko na niloloko lang ako ni Carlo sa mga sinasabi niya sakin tungkol kay Lou yun pala totoo. Naaalala ko yung unang beses na kinwento niya sakin yun.

3 weeks ago......

"Pre sino ba yung lagi mong nakakaskype at  nakakausap. Chix mo ba yon pre. Ikaw ha kala ko ba di ka na nangbabae, grabe di ko alam yun ha" sabi ko kay Carlo kasi pano ba naman lagi nalang may kausap na babae.

"Ah.yon wala yon ano ka ba chix ka dyan. Luls. Bestfriend ko lang yon ikaw talaga. Tska alam mo ang ganda nun sobra, ang bait pa kaso may pagkamataray at pagka cold pati hopeless romantic yon" sabi ni Carlo.

"Isang babae ? Hopeless Romantic? Siguro sayo lang Carlo sya ganon mas gwapo ako sayo Carlo eh hahaha . Pero siguro sa gwapo kong to mawawala pagiging hopeless romantic  niya sino ba naman makakatanggi sa gwapo ng isang Paul Edward Phoenix. Diba wala pati siguro matatanda gwapong gwapo sakin kaya minsan ayoko maglakad o maggala mag isa eh napagkakamalan akong artista lagi pa silang nagkakagulo hayy. Fangirls ko talaga oh."

Bigla akong binato ni Carlo ng unan na hawak niya. Kahit kelan talaga to pag ang mukha kong napakagwapo na gasgasan kasalanan niya to gagawin ko siyang kamukha ni Pacquiao .

"Hoy ano ba. Wag ka mambato sa mukha ko pa. Alam mo naman na ang daming nagkakandarapa sakin pano nalang pag nawala ako eh di wala ng natitirang gwapo sa mundo!" Pabiro kong sabi.

"HAHAHAHAHAHA t*ng* pre. Galing mo magjoke noh? Hanga ako sayo eh. Gumising gising ka nga. Bahala ka nga dyan . Irereto pa naman sana kita sa bestfriend ko kaso mukhang wala akong tiwala sayo baka saktan mo"

"Luls. Ako? Mapili ata ako sa babae di ako basta basta noh. Teka nga patingin nga nung picture nung bestfriend mong yan" bigla niyang kinuha ang cellphone niya at binuksan ang picture nung best friend nya .

LOUIE GABRIELA CALDER
Owww.. ang ganda pala talaga niya. Yung cheekbones nya. Yung mata niya. Grabe . Asa naman siguro na ito na hopeless romantic sa ganyang itsura asa pang walang nagiging boyfriend yan.

"Teka pre. Seryoso ka ba? Hopeless romantic yan ?  Sa gandang yan wala pa ba nagiging boyfriend yan?" Tanong ko sakanya impossible naman kasi na ganyang itsura .

"Oo bakit? Sama ka sa paguwi ko sa Philippines pakikilala kita sa personal"

-----end of throwback

Nung nakita ko na siya sabi ko sa sarili ko na mukha talagang mataray pero bakit kaya siya naging hopeless romantic? Basta kahit ano pa man yan itutuloy ko pa din yung plano ko .

"Hoy Edward ano tutunganga ka lang dyan o papasok na tayo?" Kasabay ko nga pala si Carlo pumasok ngayon first day kasi namin.. sana kaklse ko siya.

"Tara pre. Init ng ulo mo!" Tapos sabay na kami sumakay sa sasakyan namin. Oo tig isa kasi kami yung akin ay Porsche Carrera gt at yung kanya naman ay Ferrari F12 . Malapit na kami sa school ng may nakita  kong pink na Lamborghini Aventador . Woah. Grabe babae may ari nun sigurado ako ang ganda nung kotse. Sinubaybayan ko ng tingin yung kotse at nakita ko na nagpark na din siya sa parking ng Phoenix International School(PIS) nagtataka siguro kayo na Phoenix apelyido ko tapos Phoenix yung pangalan nung school. Ganito lang yan samin yang school na yan Lola ko nagpatayo niyan kaya ngayon isa na yan sa pinaka sikat na school dito sa Philippines.

Nagpark na din kami ni Carlo ng biglang nagbukas yung Pink na Lamborghini at mas nagulat ako ng makita ko na si Gabriela pala ang nandun.

(A/N: si Gabriela po ay si Louie Gabriela din. Gabriela or Gab lang tawag niya :) )

Napatulala nalang ako sakanya mas lalo siyang nagmukha na maganda .

"Hoy ano napatulala ka na kay Bestfriend Lou. Ikaw ha! mukhang ang playboy magtitino na"

"Psh. Ang ingay mo"

Bigla kami lumapit sa kanya ni Carlo.

"Hi Lou. Musta? Nasan na sina Thea?" Sabi ni Carlo.

"Ayos naman ako. Ikaw ba? Sina thea ang tagal nila eh iniwan ko na" sabi niya sabay flip sa hair.

"Hi Gab" bati ko sakanya.

"Dont call me Gab!"

"Guys alis n muna ako ha pinapatawag daw kami ni Coach may meeting daw. Pre ikaw muna bahala kay Lou ha wag mo aawayin" sabi ni Carlo sabay takbo. Gusto niya lang ako bigyan ng time makasama si Gab eh ang bait niya talaga hahaha .

"Uy Gab. Anung section mo? Sana magkaklse tayo" sabi ko sakanya bigla niya naman akong iniripan . Ang taray talaga nito psh.

"Dont talk to me. We're not close" aww sungit meron ata to ngayon eh.

"Ang taray mo talaga noh. Meron ka ba lagi? O sadyang ganan lang? Hahahaha " sabi ko sakanya na parang nainis naman siya.

"Shut up! Ang ingay mo at tska pwede mo ba akong tigilan at layu layuan mo ko"

"Ayoko nga. Baka pagkaguluhan pa nila ako dito sabihin artista. Basta kahit anong gawin mo hahabulin parin kita at ihuhulog kita"

"Psh." Sabi niya tas umalis na papasok papunta sa room.

Louie Gabriela POV:

Ano kayang problema nung lalake na yon. Hahabulin at ihuhulog??  Psh may sira ata sa utak yon ah.

Andito na ko sa classroom ng nagdatingan sina Thea.

"Hi Lou!" Sabi nila sabay sabay.

"Oh Hi girls" bati ko din sakanila.

"Bakit mo kami iniwan ang daya mo ha" sabi ni Yanka na parang batang nagtatampo.

"Ang tagal niyo kaya" Sabi ko sakanila sabay irap hahaha tagal tagal kasi eh tas nung umalis ako si abhiee tulog pa rin.

"tara na nga lang sa upuan natin" sabi ni Thea sabay sabay sila nagpunta sa mga upuan nila tapos 2 sit nalang ang natitura yung isa sa tabi ko tas yung isa ay dun sa may 2nd row.

Dumating na yung Adviser namin pero wala pa din yung dalawang kulang for sure si Carlo yung isa dun.

Nagpakilala na kami isa isa at huli ng magpapakilala si Cris

"Hi Im Crissa---*booogsh*(sound effects po yan ng kumalabog na pinto)

"Im sorry Mam im late. Im Paul Edward Phoenix"

"transferee??"

"Yes. Mam."

"Okay then go to your sit. We still have two vacant sit" oh gosh. Sana wag siya tumabi sakin hayy...

"Hi seatmate" ohh noooooo. Sakin pa talaga ano ba talaga gusto nito hayy.. iniripan ko lang siya.

Haynako grabe ano bang kulit nung lalake na yon.. wala rin kaming ginawa maghapon puro pagpapakilala balang nakakasawa din eh. ang bilis ng araw pauwi na ko ng may nakasalubong ako at nakabunggo ko tapos may nahulog siyang letter.

Hi Ice Princess,

           I will melt that ice heart of yours and get ready to fall. ❤

                                          From:
                                                 PEP❤

Huh?? PEP?? Sino kaya yon . Daming pakulo psh. Bigla kong ginusot yung papel at tinapon. Nonsense.

------

UPDATE ❤

Melt the Ice Princess' HeartWhere stories live. Discover now