MTIPH 9: Carlo's Confession

62 2 0
                                    

Louie Gabriela's POV

Seryoso ba talaga si Paul sa mga pinagsasabi niya? Takbo pa rin ako mg takbo di ko na alam kung nasan ako. Ng mapansin kong nasa likod na pala ako ng school. Naupo muna ako sa may tapat ng puno dahil hingal na hingal na talaga ako.

Sumandal ako sa puno at parang naramdaman ko na may tumabi sakin. Dahan dahan kong minulat yung mata ko ng makita ko na si Carlo lang pala .

"Uyy Carlo ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya

"Wala lang natambay. Kanina pa ko nandito . Ikaw bakit napapunta ka dito? Miss mo na ko noh?" Pabiro niyang sabi

"Asa" sabi ko sabay irap

"Ano ba nangyare ha? Patakbo ka pa papunta dito."  Tanong ulit niya

"Wala. Pwede Carlo diyan ka muna? Hayaan mo muna ako matulog naistress ako bantayan mo muna ako" sabi ko saknya at dahan dahan ko pinikit ang aking mga mata.

Louis Carlo's POV

Andito ako ngayon kasama si Louie ang ganda niya kahit natutulog. Di ko alam bakit ba naging cold hearted ka pa pero samin naman hindi. Hopeless romantic ka . Oo pero yung pagmamahal na bininigay mo samin hindi pang hopeless e, dahil sa pinapakita mong iyon di mo ba alam na mas nahuhulog na ko sayo.

Ayaw kitang pakawalan pero kailangan.

"Louie alam mo. Bata pa lang tayo gusto na kita. Sana ramdam mo yun ano. Para akong tanga na naiinlove sa bestfriend ko, kahit anong pigil ko sa sarili ko di ko magawa. Lalo na ngayon nalaman ko na inlove sayo si Paul, ang gago ko. Ako ang una mong nakilala pero siya yung nauna manligaw. Sana maging masaya ka sakanya ha. Di mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit ako di nagggirlfriend? Ayoko manligaw sa iba, di ko rin magawa magkagusto sa iba kasi ikaw , ikaw lang yung laging nakikita ko. Huwag ka mag alala makakahanap din ako ng tunay na magmamahal sakin. Forever bestfriend pa din tayo ha. Pero its sad to say na I fell in love with my bestfriend" sabi ko sakanya habang natutulog siya . Sabay hinalikan ang noo niya. Bigla na rin akong tumayo. Pasensya na Louie mahal kita oo pero alam kong hanggang bestfriend lang talaga tayo. May tiwala rin ako kay Paul pero sa oras na gaguhin ka niya ililibing ko na siya ng buhay.

Louie Gabriela's POV

Ano ba yan di ako makatulog. Hayy ano ba sari sari sa kalokohan si Paul. Yan tuloy naeewan na ko. Psh. Joke niya lang naman yon.

"Louie alam mo. Bata pa lang tayo gusto na kita. Sana ramdam mo yun ano. Para akong tanga na naiinlove sa bestfriend ko, kahit anong pigil ko sa sarili ko di ko magawa."

Huh?? Si carlo? May gusto sakin?

"Lalo na ngayon nalaman ko na inlove sayo si Paul, ang gago ko. Ako ang una mong nakilala pero siya yung nauna manligaw. Sana maging masaya ka sakanya ha."

E d ibig sabihin seryoso si Paul. Arghhhh. Ano ba. Psh. Love ? Its not my style. Sa Friends at family ko lang yan.

"Di mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit ako di nagggirlfriend?"

Kala ko bading lang siya. Hahaha joke. Anoo ba carlo ang mga sinasabi mo.

"Ayoko manligaw sa iba, di ko rin magawa magkagusto sa iba kasi ikaw , ikaw lang yung laging nakikita ko. Huwag ka mag alala makakahanap din ako ng tunay na magmamahal sakin. Forever bestfriend pa din tayo ha. Pero its sad to say na I fell in love with my bestfriend" sabay halik niya sa noo ko.

Oo carlo bestfriend kita. Pero sa tingin ko tama rin ang ginawa mo. Kilala mo talaga ako. Pero si paul seryoso ba talaga siya dun? Hayyyy..

"L-LOU.!!!!" Napatingin ako kung sino tumawag at nakita ko na sina Thea lang pala.

"Oh ano ginagawa niyo dito" tanong ko sakanya.

"Hinahanap si Nemo. Nakita mo ba?" Tanong ni Thea . Kahit kelan talaga.

"Luka haha" sagot ko sakanya.

"Baliw. Malamang hinanap ka namin. Biglaan ka kaya nagtatakbo" sabi ni Thea haha kahit kelan talaga

"Oo nga. Ano ba nangyare?" Tanong ni Yanka

"wala sinakitan lang ng tiyan" pagsisinungaling ko . Mukhang di ko pa kaya masabi sakanila

"Ah kaya sa puno nagpunta. Musta pag Poop mo sa puno masaya ba?" Pang aasar nina Cha

"Haynako.! Haha" ako

"Tara na sa room at baka malate pa tayo" pag aaya nila sakin.

Natigilan ako saglit mukhang di ko pa kaya makita si Paul at Carlo

"Pwede ba na sa clinic muna ako? Masama talaga pakiramdam ko eh" sabi ko sakanila.

"Sige baka dito ka pa ulit abutan haha" sari sari talaga to'ng mga to.

Teka pansin ko wala ata si Abhiee at Marvs nasam nanaman kaya yung dalawa?

Abhiee's POV

(A/n: aba nagkaPov ang daga hahahahaha .peaceyooow abhiee haha)

Hinahanap namin nina Thea si Lou ng nakita namin si Carlo na mukhang malungkot na naglalkad mag isa. Kaya napagisipan nmin ni marvs na sundan.

"Ate thea. Una na kayo. May pupuntahan lang kami saglit ni Marvs" paalam ko kay ate Thea at tumango naman siya.

Sinundan namin si Carlo at nakita naming nagpunta siya sa Gym. Tinignan namin kung ano ginagawa niya. Naglalaro lang naman ng bola. Pahagis hagis lang parang baliw.

"Carlo!" Tawag ko sakanya

"Uy. Abhiee ano ginagawa nyo dito" tanong niya samin

"Nakita ka kasi namin na mag isa kaya sinundan ka namin. Ano nangyare?"

"Wala" sagot niya

"Sasabihin mo o sasabihin mo?" Tanong ni Marvs. Ah alam ko na. Kahit hindi niya sabihin gets ko na

"Alam mo ewan ko sayo bakit ang baliw mo. Mahal mo pero pinapakawalan mo. Ikaw nauna pero ano? nilalagay mo sarili mo sa huli. Ang astig mo din eh ano" sabi ko sakanya tunay naman kasi.

"Alam ko kasi na bestfriend lang talaga kami. Yun na yun okay? Pati may tiwala ako kay Paul" malungkot niya na sabi

"Bahala ka ang gulo mo"sabi namin sabay labas sa Gym

Paul's POV

Bakit kaya siya bigla tumakbo? Masyado ba ako mabilis?? Kaya ko naman kasi patunayan sakanya na mahal ko talaga siya. Wala akong pake kung cold siya. Wanna know the reason why im here in the philippines? Because i want to melt the heart of the ice princess

-------

Updatee....

Dahil sa confession ni carlo baka sabihin niyo na mabilis. Hindi po yan kasi hindi rin naman sakanya iikot Yung story kaya sakto lang yan haha. basta magsisimula na si Paul.

Melt the Ice Princess' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon