Chapter 22-I saw you First..

22 5 10
                                    

During my last week here in prague, I didn't have much time to explore more about prague. Bibihira na rin kami mag kwentuhan nila Chard at James, dahil naging busy na rin sila.May panibagong projects sila, samantalang ako tinatapos ko yung pag record ng mga artworks dito.I also finished the seminars, kaya mas ginanahan akong gumawa ng mga art works.

"Hindi ba talaga kayo uuwi sa pasko?"I asked them again, habang kumakain ako ng tredelnik.Mamimiss ko toh' eh walang ganto sa pilipinas.

"Kita mong andami naming ginagawa"Chard said while busy writing on the paper, inaayos niya yata yung blue print.

"Too much work, too much projects, too much money"James said and smirked

"Mag plantita ka nalang"Pangaasar ko

"Para twinning"kinikilig na sabi ni chard, pero busy pa rin siya sa kung ano man ang ginagawa niya.

"Dude, liitan mo yung space dito, hindi magkakasiya"Chard said to James at tumayo si james para tignan, naki tingin na rin ako.Pero wala akong maintindihan.

"Ayoss na yan"Chill na sabi ko

"Sige, lipat ko nalang yung banyo dito"James said at tinuro yung space.Lumabas ako sa opisina namin, dahil wala rin naman akong mapapala.

Matagal kong tinitigan yung art work ko na naka display na dito sa museum.It was me and the squad reaching for our dreams. Ito yung unang art work ko na na pa display sa museum, and internationally pa. Naalala ko noon' laging si Andrew ang kasama ko sa pag prisinta sa mga art works ko para matanggap sa museum, at ito na yon yung pinka hihintay ko.But Andrew is not here.

Tatalikod na sana ako, dahil may balak akong puntahan.Pero di ko naman inaasahan na mauntog ako sa isang dibdib, tiningala ko kung sino yon ang nag iisang conor!

"Conor!"Masayang sabi ko, dahil ilang buwan na rin kaming hindi nagkita

"Amoy London ah"Pangaasar ko sakaniya

"Amoy uuwi na"pangaasar niya pabalik at tinignan yung art work ko na naka display.

"Congrats"Sabi niya, pero nakatingin pa rin siya sa painting ko.

"Ano palang ginagawa mo dito?"I asked him while we're walking, sasamahan niya raw ako.

"May seminar kami, few days ago ngayon lang ako nagka time pumunta dito."He said and out his hands on his pocket.

Pumunta kami sa Charles Bridge dahil kahit malapit ito sa museum, hindi pa rin ako nakakapunta.Alam ko namang busy sila chard at James, nag gala lang kami isang araw kung saan nagkita kita ang squad.Nag gala rin kami isang beses pero hindi sa charles bridge, sumama lang ako sa pupuntahan nila para kahit papano mapuntahan ko rin.

Naglalakad lakad kami dito sa Charles Bridge at mau hawak na kape, kahit malamig.This scene si too familiar, nag kukuwentuhan  nag kakape, ang pinag kaiba nga lang naglalakad kami sa snow at ibang tao ang kasama ko, hindi siya.

"Kamusta pala ang limvation?"He asked me

"Nakakayamot, kung kailan day off ko tsaka naman ako pinapapunta"Pagrereklamo ko

"Lia lia, limvation"Sabi niya dahil wala nang masabi.Parang engot.

"Tapos alam mo ba, nag punta punta pa sa unit ko, tapos andami daming tanong"Pag rarant ko, he just giggled.

"Alam mo, feel ko may gusto sakin yang si Lia"I said while were heading back to the museum.

"Bakit?"He asked while waitig for my answer

"Basta, hirap iexplain, ang daldal pa kamo"I said and we entered the museum.

"Lia ano ba yan?"He asked

The Taste of Art (Squad Series 01)Where stories live. Discover now