Chapter 5 | Assassin

31 4 0
                                    

Chapter 5 | RoyalCrown's POV
Assassin

"Then, let the game begin. Where if you fall, you lose."

Natulala ako sa screen. I've heard of that somewhere na hindi ko-- yung comment! Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling napa-takip ng aking bibig.

Right! Yung anonymous comment na nabasa ko kahapon. Napahilamos ako sa aking sarili dahil sa kabang nararamdaman ko.

Hindi ako sigurado na alam ng pamilya ko na nandidito ako, pero alam kong kalat na ito sa mundo kung naka-live kami sa mismong platform ng SU. As much as I wanted to get out of here, wala akong maisip na paraan kung paano makalabas.

And SU is a famous game, isa pa sa mga ikinakatakot ko ay ma-teleport din dito ang mga kapatid ko. I haven't talk to them in months pero mahal na mahal ko sila.

Hinarap ko si Blaze at HellCloud, they look so calm. Pero kung titignan mo ang kamay nila, nanginginig ang mga ito at dahil na rin siguro sa lamig ng paligid.

Suddenly, nawala ang puting pader na nakapalibot sa amin, at biglang tumpok nang tao ang aming nakita. Nakaupo, nakatayo, nakahiga, nagulat pa kaming lahat sa isa't-isa.

***

Current Location:
Primus Map

Lumabas ang isang notification sa harapan ko at buti na lang hindi ako sumigaw. I can't even speak right now sa sobrang kaba ko. I'm out of words..

Pinakiramdaman ko ang kamay ko. This is real, kamay ko nga ito. But, is teleportation really possible? I mean like, how?!

"Hey, RoyalCrown." Biglang tawag ni HellCloud kaya napa-harap ako sa kanya. He's smiling pero pawis na pawis siya. "Gusto mo bang sumama sa amin? Magle-level up kami ni Blaze." Aya niya.

Nilingon ko naman si Blaze ngunit nagsisimula na siyang mag-ikot. Ganoon rin ang iba at katakha-takhang walang sumisigaw o tumututol man lang.

"P-Pwede ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti saka ginulo ng bahagya ang buhok ko. I blushed for a second.

Walang gumagawa sa akin noon, at hindi ko iniimagine na may gagawa sa akin noon. Pakiramdam ko tumaas confidence ko ng ni-pat niya ang ulo ko.

Nagsimula naman kaming mag-lakad at sinusundan si Blaze.

Unlike HellCloud na may touch of green ang kanyang buhok at mata, si Blaze ay may mala-abong mata. Parang isang bagyo.

"Ang tangkad ko pala. HAHA!" Putol ni HellCloud sa katahimikan kaya tiningala ko siya. Mas matangkad nga siya sa akin.

"Tara, sumunod ka sa amin. May alam ka naman siguro sa SU no?" Tanong niya at tumango ako. Though, konti lang.

"Ang alam ko lang yung prize at ilang mechanics nito. Hi-Hindi ko talaga alam kung paano ito laruin." I answered.

"Then good. Hindi ko na sisimulan sa basics." He cleared his throat but when about to speak, may lumapit sa aming babae.

FeatherKill
Level 1: Beginner

"Tiara? Ikaw yan?" May gulat sa mukha ng babae at napa-atras naman ako. I don't know her.

She has a blond hair, purple eyes and a little taller than me. Pareho kami ng uniform, the red and black combination.

"Sino ka?" I asked her. She blinked pero nagulat na lang ako nang tumawa siya. Wait... this laugh is from, "Heather?!" I almost shouted.

"Oo, gaga!" Sigaw niya sa akin at bigla nalang akong niyakap. Ang kaninang lamig at kaba na nararamdaman ko ay parang dahan-dahang nawawala. I felt like a light came down to me. Pakiramdam ko isang himala na makita ko dito si Heather.

Shatter UniversityWhere stories live. Discover now