Chapter 9 | Brother

16 2 0
                                    

Chapter 09 | HellCloud's POV
Brother

Primus Map
Guilliard Town | River Guild

Gaya ng napag-usapan namin, kasama ko si bubwit papunta sa location ng River Guild.

Kahit di nila sabihin, alam kong naga-alala silang lahat kay Euphy, lalo na si Shade. Kaya heto kami ngayon, sabay na naglalakad ni bubwit at nasa likuran namin si Shade para daw magtingin-tingin.

Isang player ata hinahanap nila.

Hmm, speaking of players, mukhang may nasabi sa akin si Blaze about this... but I don't think its important.

"Ayun na yung River Guild." Turo ko sa may kalakihang building na ikina-kinang naman ng mata ni Euphy.

Maraming tao pero hiwalay-hiwalay. Sa building naman na iyon, napapalibutan ito ng mga halaman at ilang umiilaw na bolang crystal.

Hmm.. may tawag diyan alam ko eh, is it christmas balls? Parang ganun ang itsura niya pero maliliit at umiilaw.

"Ang ganda.." rinig kong bulong ni Euphy and I chuckled.

She has the same age as Rin, kaya siguro medyo soft itong si Blaze pagdating kay Euphy.

He can be grumpy most of the times, kaya napaka-sarap niyang pag-tripan. May makita ka ba namang taong laging magkadikit ang kilay.

"How about we go in?" Mukhang si Shade ay exited din kaya ginanahan na ako.

"Ikuzo!"

***

Euphoria's POV

Napa-tingin ako kay kuya Shade ng makita na namin yung magandang building ng River Guild.

Gusto ko sana siyang asarin kasi parang exited siya kaso huwag na.

Let's be mature for once, Remy.

"Uhm, feeling ko kaya ko na po ito mag-isa." Nilakasan ko ang loob ko ng sabihin ko iyon kila kuya. Matamis naman silang ngumiti sa akin pabalik.

"That's great. Have confidence on yourself. Hindi muna ako aalis pero papanoorin lang kita from afar. Is that okay?" Tanong naman ni kuya Shade.

"Opo."

"Sniff, sniff, malaki na ang anak ko. Napaka-bilis ng panahon. Sniff, akalain mo? Karga lang kita dati." Kunwaring iyak naman ni kuya HellCloud kaya malakas akong natawa at binatukan naman siya ni kuya Shade.

"Shut your mouth." Mas lalo pa akong natuwa sa reaksyon ni kuya Shade.

"Pero promise po, kakayanin ko itong mag-isa." Dagdag ko pa kahit sobrang lakas ng tibok ng puso ko at napaka-lamig ng kamay ko.

"Tsk, baka tumatanda na tayo, Shade." Dagdag pa ni kuya HellCloud na nagpalawak ng ngiti ko.

"Ikaw matanda na, huwag mong idamay ang gwapo kong mukha sa kulubot mong balat."

"Aba'y gag- ehem, so mauuna na ako." Agad na buwelo ni kuya HellCloud at dali-daling tumakbo bago pa siya maabutan ni kuya Shade.

Napa-angat naman ako ng tingin kay kuya Shade ng bigla siyang yumuko at hinaplos ang buhok ko.

"I promise I'll find your brother, okay?" Tanong niya na dahan-dahan kong tinanguan.

Hindi ko akalaing ganito siya ka-seryosong tumulong sa akin.

I grew up in a household kung saan hindi ko sinasabi yung totoong nararamdaman ko. I may not say it, pero alam ko kung paano ipakitang masaya o nasasaktan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shatter UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon