KABANATA XLIII

Magsimula sa umpisa
                                    

Mabilis nang bumangon ang heredero at kaagad nitong tinungo ang banyo para maligo, at habang naliligo, muling bumalik sa ala-ala ng binata ang mga nangyari sa kanila ng nobyong pulis sa probinsya. Ang mga naisip na iyon ng heredero ay naging dahilan para maramdaman nito ang pagkabuhay ng kanyang alaga.

"Shit! Nahawa na yata ako kay Ric." kausap sa sarili ng heredero, at para humupa ang galit nitong alaga, minabuti na lamang nitong pakalmahin iyon sa malamig na tubig na galing sa shower.

...

Matapos maligo at makapagbihis, lumabas na sa kanyang kuwarto ang heredero, na nais kaagad na makita ang mukha ng pulis na nobyo.

"Si Miguel ang hinahanap mo tama ba ako senorito?" nangingiting tanong ni Myrna sa alaga, na kanina pa niya nahahalatang may  hinahanap.

"Opo nay." aming sagot ni Timothy.

"Kanina pa siya wala senorito, nagpaalam pa nga siya sa akin kanina." kuwento ng matandang kasambahay.

"Ah ganun po ba nay, baka may importante sigurong pinuntahan, wala po bang nabanggit sa inyo?"

"Wala senorito, mabuti pa ay samahan mo na muna ako sa kusina habang hinihintay mo ang pagbalik niya, hindi ba ang tagal na rin noong huli tayong maglutong dalawa." sagot ng matanda at suhestiyon nito para malibang ang heredero.

"Tama po kayo nay, namiss ko na rin ang magluto." ngiting sang-ayon ni Timothy at isang ideya rin kaagad ang naisip nito, at ito'y ang ipagluto ang nobyo.

...

Naging abala nga sa kusina ang heredero, na piniling siya mismo ang maging abala sa putaheng siya mismo ang magluluto. Kasama rin nito si Myrna, na abala na rin iba pang lulutuin.

Samantalang abala naman sina Sonya at Laura sa paghuhugas ng mga plato at iba pang kagamitan sa kusina, at si Vilma naman ang nag-aayos sa hapag, dahil pinagbawalan na ito ng heredero na tumulong sa kanila ng kanyang nay Myrna sa pagluluto.

"Mukhang masarap ang iluluto mo senorito, sigurado akong lalong maiinlab niyan sa'yo si Miguel." tukso ni Sonya, habang abala na ito sa pagpupunas ng mga natapos nilang mahugasang kasangkapan.

"Dapat lang ate, namana ko yata kay nanay ang pagluluto ng masarap." ngiting sagot ni Timothy sa kasambahay.

"At dahil magaling ka ng magluto senorito, puwede ka na ring mag-asawa, hindi ba ate Sonya?" sali sa tuksuhan ni Laura at hingi nito ng suporta sa kapwa kasambahay.

"Lau!" namumula ang mukhang saway ng heredero sa kaibigan.

"Uy namumula si senorito, tama naman si Laura at puwedeng-puwede ka ng mag-asawa senorito." tukso muli ni Sonya sa heredero.

"Nay oh, pinagtutulungan ako nila ate Sonya." sumbong ng heredero sa
nanay-nanayan.

"Kayong dalawa tigil-tigilan n'yo si senorito at bata pa siya at matagal pa bago mangyari iyon." saway ng matanda sa dalawang kasambahay.

"Opo nay." sagot ng dalawa, ngunit nangingiti namang tumingin sa heredero.

Napailing na lamang si Timothy na batid ang patuloy na pang-aasar ng dalawa, kasunod nun ay muli nitong pinagtuunan ng pansin ang kanyang nilulutong Bicol Express na nalaman nitong isa sa paboritong ulam ng nobyong pulis.

Ilang minuto pa ang lumipas ay amoy na sa  kusina ang sarap ng mga ulam, na ilang sandali na lang ay matatapos ng maluto.

"Senorito, pahingi ako ng niluto mo ah." saad ni Sonya na kanina pa nasasarapan sa pag-amoy pa lang sa nilulutong ulam ng heredero.

"Ako rin senorito, kaming unang titikim ni ate para siguradong magugustuhan rin ni kuya Miguel." saad ni Laura na batid ring masarap talagang magluto ang kaibigan.

Ang Hardinero at ang HerederoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon